Chapter 14

7.4K 165 5
                                    

Pasukan na thisssss!! Officially Grade 10 na ako!!

 

 

Happy Reading!! Lablabyu!!

 

Chapter 14 –Oh NO!

 

 

 

 

Kathryn's Point of View

 

Limang araw na nang makalabas sa ospital. Pinauwi muna ako ni Papa magtatagal ako dito ng isang lingo dito sa NE para naman daw makapag-pahinga ako. Pero grabe naman, pahinga talaga. Hindi ako hinahayaan nila Mama na gumawa ng gawaing bahay. Simpleng paghu-hugas ng plato kay Manang pa ipinapagawa. And yes, kumuha na sila ng kasambahay pero stay out.

Speaking of kasambahay. Si Daniel, hindi na nag-text simula ng maka-uwi ako. Alam niyo ba kung anong huling text niya? 'Oi.' Six days ago pa. at kinaiinis ko nga dito ay hindi ko alam kung bakit ako naiinis na hindi nagte-text or tumatawag si DJ. Hindi ko alam kung nasanay lang talaga ako na lagi siyang nagte-text kapag malayo siya.

Nakasimangot akong humalukipkip sa sofa habang nakatutok sa T.V ang remote. Palipat-lipat ako ng channel. Dumating naman si Papa galing kusina na may dalang bowl ng chips at pineapple juice sa tray. Tumabi siya sa akin.

"Nakasimangot na naman ang anak ko at masisira ang T.V dahil sa ginagawa mo. Umayos ka ng upo, papawisan ka kapag ganyan ang upo mo." Saway ni Papa. Ngumuso lang ako sa kanya na ikinatawa niya. Umayos ako ng upo at kinandong 'yung chips. "Ilagay mo sa Showtime, baby." sinunod ko ang sinabi ni Papa. Nagsi-simula na siya. Sine mo'to na.

Habang nagsasalaysay si Billy, napansin ko ang isang sweet na sweet na couple. Naka-palibot ang kaliwang kamay nito sa babae at magka-holding hands sila. Naalala ko tuloy 'nung pumunta kami ni DJ noon. Halos doon din sa pwestong 'yun.

"Aba, may girlpren na pala si Daniel. Akala ko pa naman nililigawan ka niyan." napa-titig ako doon sa mag-kasintahan.

Nadismaya ako na si DJ nga. Nararamdaman kong parang nag-iinit ang gilid ng mata ko. 'Tas parang naninikip ang dibdib ko. Bakit ganito? Nasasaktan ako.

Ibinaba ko ang bowl sa coffee table, tumayo na ako para umakyat na sa kwarto ko.

"S'an punta mo?" tanong ni Papa nang nasa hagdanan na ako.

"Matutulog po. Sige po Pa, akyat na ako." Tumango siya kaya dumiretso sa silid ko.

Binuksan ko ang aircon saka ako sumalampak sa kama at sinubsob ko ang muka sa unan.

'Yun ba ang dahilan kung bakit hindi siya nagte-text sakin this past few days? Busy siya sa girlfriend niya? Sa date nila? Tsss. Baka napapabayaan na niya ang anak niya sa ginagawa nila. Dapat sa anak niya na lang iginu-gugol ang mga oras niya.

♫♪ "Love is like the sun

Love is in the air

Love is everywhere

Unlimited and free

My Love."♫♪

Napa-bangon ang ulo ko nang marinig kong may tumatawag. Ringtone ko ho iyon. Inabot ko sa may lampshade ang phone ko. Unknown number. Sinagot ko kasi baka importante.

Phone Conversation

 

Me: Hello?

UN: Kath? Ako 'to si Denil.

Napa-sapo ako ng noo. Denil is one of my suitors before. Siya 'yung nanligaw sa'kin na ayaw talaga akong pakawalan. Tumigil lang siya nang naki-usap si Papa na tigilan na ako.

Me: Oy, bakit ka napa-tawag?

UN: Kath, mahal na mahal pa din kita. Liligawan ulit kita.

Me: Denil.. 'Wag mo na lang ituloy kasi wala na 'yang pupuntahan.

UN: Hindi ako titigil Kath. Mahal talaga kita.

Me: Tumigil ka na, Denil. Stop this non-sense. Bye.

 

END.

 

Bastos na kung bastos. Sawa na akong makipag-pakiusapan sa kanya sa pangungulit niyang manligaw.

Patuloy na nagbe-beep ang cellphone ko. Hinayaan ko na lang na tumunog. Maya-maya tumigil din. Humikab ako at umayos ng higa kasi inaantok na talaga ako. Patulog na ako nang bigla..

♫♪ "Love is like the sun

Love is in the air

Love is everywhere

Unlimited and free

My Love."♫♪

Napa-pitlag ako sa sobrang gulat. Inis na inis kong dinampot ang phone ko at sinagot ang tawag.

"TANGINA! DENIL! HINDI MO BA TALAGA AKO TITIGILAN?! NAKAKA-PUTA KA NA HA! NAKAKAINTINDI KA BA NG HINDI. AKO. NAGPAPALIGAW. 'WAG  NA 'WAG KA NANG TATAWAG SA AKIN DAHIL IPAPA-PULIS NA TALAGA KITAAA!!!!" Ibinaba ko na ang tawag at huminga ng malalim hanggang sa kumalma ako.

Nag-sign of the cross ako dahil sa mga derogatory words na nasabi ko. Putragis na na 'yan!!

Bumaba ako at nag-punta sa kusina para uminom ng tubig.

Na-high blood kasi ako ng sobra dahil sa Denil na iyon. Katanghalian tapos ganoon pang scene. Jusko. Akala ko tapos na siya dati, hindi pa pala. Ano bang nakita niya sa akin at ayaw niya akong tigilan? Pagdating ko sa kusina naabutan kong may kausap si Papa. Hindi ko na lang pinansin kasi business na naman. Nang makita ako ni Papa nag-excuse siya at tumingin sa akin.

"Kathryn, bakit naman sinigawan mo si Daniel at minura mo pa?" galit na tanong ni Papa. Nanlaki ang mata ko. Sininigawan? Minura? Si Denil 'yun diba?

"Ho?" nag-tataka kong tanong.

"Oo! Tumawag siya para kamustahin ka pero binungadan mo daw ng mura." Patay.

 

Dinukot ko ang phone ko mula sa bulsa  at pumunta sa Call Log. Boom!

Deejay called 5 minutes ago.

(✖╭╮✖)

~'~'~

Ok. HAHAHAHA!! Pasensya na kasi iyan lang ang nakayanan ko.

PS: Na-edit ko na 'yung previous chapters. Kung may mga wrong grammar or spelling i-message or i-comment niyo po.  Salamat!

PPS: Next UPDATE sa Friday.

PPS: May FB Group na tayo —> Substitute Mom (Readers) I NEED ACTIVE ADMIN. Sinong gusto? Kung gusto mo kasi trip mo lang at wala ka ang magawa, please 'wag mo nang ituloy kasi baka sa konti ng Members eh mag-sawa ka. Ang kelangan ko 'yung GUSTO akong TULUNGAN nang hindi iniisip kung may kapalit. 'Yung bukal sa kalooban ba? I-comment niyo sa baba or i-message niyo sa FB ko [Alyssa De Sagun (Katsumi)]  para mas madali kong makita. 'Yun lang ulit. Salamat.

Votes, Comments and being a Fan is highly appreciated.

♥Alyssaxx

©2015

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now