Chaptet 34

7.6K 156 3
                                    

Chapter 34

Daniel's Point of View

Hindi mawala ang kaba ko nang marinig kong nandito na si Papa at isa ko pang kapatid. Sana naman tanggap niya ako.

Naunang lumabas si Ate kasama si Jordan, sumunod na lang ako. Paglabas ko, nagulat akong nakita ko ang dati kong ka-teamate sa basketball.

"RJ." sabi ni Papa at itunuro ako.

Gaya ng reaksyon ko kanina. Ganoon din ang kanya, natatawa siyang lumapit sa akin at inakbayan ako.

"Akalain mo nga naman. Magkapatid pala tayo? Hahaha." natawa na lang din ako. "Grabe ka pa, halos tatlong taon kong kalaro 'to ng basket. Sana matagal pa kaming nag-bonding." sabi niya.

"Oo na nga. Tsk. Akin na si Jordan." hindi naman pumalag si Jordan. Sa katunayan komportableng-komportable siya.

"Pasok na tayo." yaya ko.

Pinapasok ko sila sa bahay ko at dumiretso naman ako sa kusina para sunduin si Kath.

Ngayong ok na kami ni Papa at ng mga kapatid ko. Gusto kong ipakilaka si Kath ng pormal sa kanila.

Hawak ko ng mahigpit ang kamay niya habang pinapakilala ko siya bilanh nililigawan. Gusto ko ngang matawa dahil sobrang nanlamig siya.

"G-good evening po." sabi ni Kath.

"Adison ka nga, magaling pumili." komento ni Kuya RJ.

"Syempre." mapagmalaki kong sabi.

Nakita kong parang hindi komportable si Kath sa mga nangyayari. Ni-rub ko 'yung palad niya para ipahayag na mag-relax lang siya.

"Ija, taga saan ka?" tanong ni Papa kay Kath.

"Nueva Ecija po, Sir." sagot niya. Napailing si Papa.

"Call me Papa or Tito. Masyadong pormal eh." sabi ni Papa. Tumango na lang si Kath bilang sagot.

"Wait, kanina pa ako nakakaamoy ng masarap na pagkain. Dito ba 'yun?" tanong ni ate.

"Tara, kain na tayo. Nag-luto si Kath." kukuhanin ko sana si Jordan kay Papa pero sabi niya sa kanya daw muna.

Hinawakan ko ang bewang ni Kath para patigilin siya.

Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Oh? Ano na namang ginawa ko." tanong ko.

Kinurot naman niya ang tagiliran ko kaya napalayo ako sa kanya.

"Kasi naman! Bakit hindi mo sinabi na may balak ka palang ipakilala ako, sana naman nakapaghanda ako." inis niyabg sabi sa akin.

"Maayos ka naman ah, maganda ka pa din naman kahit amoy pochero ka." natatawa kong sabi sa kanya.

Inamoy niya ang sarili dahil sa sinabi ko.

"Totoo?! Parang hindi naman ah." nag-aalalang sabi niya.

"Joke lang." inakbayan ko siya at naglakad muli papuntang kusina. "Ang bango mo nga, amoy vanilla ka." totoo 'yun. Kaya lagi akong dumidikit sa kanya kasi natutuwa ako sa amoy ng pabango niya.

Naabutan namin sina Papa at mga kapatid ko na ready nang kumain.

Nag-lead ng prayer si Ate saka kami nagsimulang kumain.

As alaways, masarap na naman ang lutong ulam ni Kath.

"Pa, bakit hindi po kayo kumakain?" tanong ko.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Onde histórias criam vida. Descubra agora