Chapter 17

8.6K 164 6
                                    

Sa phone lang po ako ako ngayon nag-UD ulit. Iwan kasi ni mother ang laptop sa school. Sa katunayan may sakit po ako ngayon. Pasensya na po kung ito lang ang kinaya.

Chapter 17

Kathryn's Point of View

"Bye po Tita. Ingat kayo."

Kumaway ako kayna Magui. Pupunta silang mall para mamili daw ng Christmas gifts nila. Kasi next week pasko na. Nang maka layo na sila pumasok na ulit ako sa bahay.

Umakyat ako sa hagdan at tinungo ang kwarto ni Daniel para bantayan ulit si Jordan.

Pero nakatulog na pala. Natawa na lang ako sa pwesto niya. Hawak-hawak pa ang Batman figure na bigay ni DJ. Nakasandal siya sa crib at nakahilig.

Binuhat ko siya at sa kama ni DJ dinala. Medyo nagising siya kaya inihiga ko muna sa bisig ko at hinele.

Makalipas ang ilang minuto nakatulog din agad. Inayos ko ang lampin na higaan niya saka siya inilapag.

Alam kong nag-aabang ka kung ano na ang nangyari matapos ng insidenteng iyon? Hahaha. Para matuwa ka. KAMI NA. Opo. Totoo.

KAMI NA ang hindi nagkikibuan.

KAMI NA ang awkward sa isa't isa.

KAMI NA ang pabebe.

Actually, nang mangyari ang pagtatapat niya sa akin last week, napaka rami ng nagbago. Mas matindi pa nga ang nangyari kesa noong una kaming magka-kilala. Hindi kami gaanong nag-uusap.

Pero mas madalas ako ang iwas sa kanya. Ako ang umiiwas sa kanya kasi hindi ko maintindihan kung totoo ba talagang mahal KO siya. Baka nadala lang ako.

I know, nag I love you din ako sa kanya pero parang nag-regret ako kasi parang pinaasa ko lang siya.

Hindi pa din kami nag-uusap tungkol sa bagay na iyon. Kaya bago ako matulog iniisip ko pa din 'yun, totoo ba talaga o dahil sa magulo lang ang isip ko? Bahala na.

Inayos ko ang kumot at tumabi kay Jordan. Matutulog muna ako. Mamaya pa naman ako magluluto ng dinner.

Daniel's Point of View

"DJ, napaka pabebe mo. Babae iyon. Si Kath pa ba ang hihintayin mong pumansin sa'yo para manligaw ka na talaga?" tanong ni Seth.

"Gago, hindi ako pabebe!! Hindi niya talaga pinapansin brad. Ilang na ilang na siya sa akin. Nage-effort akong magpapansin. Pero Seth, wala eh. Olats." sumandal ako sa couch at hinilot ang sentido ko.

"DJ, bakit ka ba nag-mamahal? Ano bang purpose ng panliligaw mo? Or pag-hahanap mo ng girlfriend." napa-tunghay ako ako sa tanong ni Seth. Tatawanan ko sana siya kung nakangiti siya pero seryoso ang muka niya.

"Nagmamahal ako kasi anak ako ni God. Tao ako. Nanliligaw ako kasi gusto kong sumaya at may makasama sa pag-aalaga kay Jordan." sagot ko. Napabuntong hininga siya sa sinabi ko. Para bang dismayado siya sa narinig niyang sagot.

"I agree sa sagot mo tungkol sa pagmamahal. Pero Brad, nakaka-gago ang pangalawang sagot mo! Para sumaya? Para may makasama sa pag-aalaga sa anak mo? 'Yun ang purpose mo? Hah! Sana nag hanap ka ng clown/yaya na girlfriend." singhal niya sa akin.

"May masama ba sa sinabi ko? Iyon naman talaga ang purpose ko eh." bakit? May mali ba?

"Kung hindi mo pa talaga alam ang purpose ng paggi-girlfriend. Mas mabuti pa siguro iklaro mo muna kung ano ba talagang saysay nito sa buhay mo. Kasi baka sa huli makasakit ka. I have to go. Good luck Kumpare." tumayo siya at tinapik ang balikat ko.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now