Chapter 8

10.4K 256 21
                                    

Chapter 8 – Preparations

 

 

Kathryn's Point of View

 

Unti-unti akong nagising dahil sa nararamdamang init. Minulat ko ang mata ko at nakita kong nasa salas ako. Naka-higa ako sa sofa and ugghh!! Nakayakap sakin si DJ!! Bago kayo mag-isip ng kung ano pakilinis muna ng mga isip.

Nag-movie marathon kami ni DJ kagabi, at ang alam ko mas nauna akong naka-tulog kesa sa kanya. Tsk. Madami pa kaming gagawin ngayung araw.

Dahan-dahan akong bumangon pero bigla na lang akong hinila ni DJ.

Niyakap niya ako ng mas mahigpit at siniksik niya ang muka niya sa leeg ko. ≧◡≦

"Dito ka muna. 'Wag ka nang pumalag. I just want to hug you." Napa-lunok ako kasi ang hot niya kapag gumagamit siya ng morning voice. Putspa!

Kath! Madami kayong gagawin. Pwedeng next time na lang? Ulit? xD

Nakikiliti ako kapag humihinga siya sa leeg ko.

 

"D-dj madami tayong gagawin ngayung araw. Bukas darating si Baby at kailangan nating maka-usap ang photographer para mag-schedule ng time. 'Yung catering, wala pa tayong food list. Tapos yung invitations and give aways di pa natatapos. 'Yung—"

 

"Ugghh!! Mamaya na nga 'yan. Payakap lang naman eh! Di naman tayo hihilata lang mag-hapon. Gusto nga lang kitang yakapin. Inaantok pa ako."napa-tahimik ako 'dun. Bakit ba ganito si DJ? Bigla-bigla na lang nagiging sweet.

Naramadaman kong parang nakatulog na naman si DJ.

Humarap ako kay DJ. Hindi ko nakikita 'yung muka niya kasi medyo naka-tungo.

Sinuklay-suklay ko ang buhok niya.

I felt something in my heart.

Pain?

Happines?

Pero parehas ata eh.

Pain kasi sooner or later baka di na ako kailanganin ng mag-ama kasi lumalaki na si Baby at ayos na sila ng pamilya niya.

Happy kasi dumating sila sa buhay ko. Hindi ko alam basta masaya ako sa piling nilang dalawa ni Jordan.

Sobrang na-attach na ako sa kanila kahit panandaliang panahon lang.

Naiisip ko pa lang na gigising ako ng umaga ng walang nakikitang baby na cute, walang naririnig na iyak ng bata nalulungkot na agad ako.

Hindi ko napansin na tumutulo na pala yung luha ko sa muka ni DJ.

Nagising siya dahil 'dun at napa-bangon.

Pinunasan ko 'yung muka ko at bumangon din. Nang napa-tingin ako kay DJ nakita kong nag-aalala siya.

"Uy ok ka lang? May problema ba?" hinawakan niya yung muka ko. Umiwas ako at umiling. Kagagahan eh, umiyak naman ba sa harapan niya?

"Wala. Tara na mag-break fast. Gutom na talaga ako." Hinila ko siya papuntang kusina.

Nag-sisimula na kaming mag-luto, kelangan namin ng heavy breakfast kasi madaming trabaho ngayon. Sa totoo lang kanina pa ako inaantok, pero kailangan talagang kumilos.

"Kath paabot ng plato."

Naisip ko na naman si Mama, nag-text kasi siya sakin gabi na may sakit daw si papa. Tsk. Gusto ko tuloy umuwi.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now