Chapter 19

8.4K 180 0
                                    

Update!

Phone lang po ulit ito. Busy po kasi ako kaya hindi ako makapag-UD ng mahaba.

Kathryn's Point of View

Sumalampak ako kaagad ng makapasok ako sa kwarto. Kakagaling namin sa market tapos gumala.

Pagkatapos kasi naming kumain nagwindow shop lang then nagyaya na akong umuwi kasi pagod na ako.

*tok* *tok*

"Mommy... Papasok kami." tawag ni DJ.

"Come in." umupo ako sa kama.

Pumasok si DJ karga si Jordan na humihikbi.

"Why are you crying? Sinong umaway? Ha?" nagpakuha si Jordan sa akin saka ako niyakap.

"Nagising eh. Ikaw agad ang hinanap. Kulit nga eh, sabi ko pagod ka."

Hinaplos haplos ko ang likod niya para kumalma siya. Mayamaya din ang tumigil na. T-in-ry ko siyang ibaba pero umiyak lang ulit kaya no choice kung di kargahin.

"Kung di lang kita love." tinapik-tapik ko siya para makatulog ulit.

"Mi, nung yayain ko sila Tita Min na dito mag-new year pumayag sila?" bulong ni DJ sa akin. Yup, 'yan 'yung plano niya this New Year. Gusto ko din naman para magkasama din kami.

"Yup, pumayag sila. Wala din naman silang kasama ni Papa sa bahay. Eh dito madami tayo kaya for sure na masaya 'yun. Ayy nga pala DJ. Hindi nga ako dito magc-christmas." sabi ko.

"What? Kath naman." sabi niya na parang nag-tatampo. Hayy.

"May party kasi sila Mama para sa mga trabahador. Reunion na din namin 'yun. Kasi after ilang years na-buo ulit na kami. Please?" hindi niya ako sinagot. Nakasimangot siyang humiga sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.

"DJ naman." tinanggal ko ang kumot sa may bandang muka niya.

"Please? Babalik kami ng 25 morning."

No Response.

Narinig kong naghihilik na si Jordan. Binaba ko siya sa tabi ni DJ. Pinagmasdan ko ang mag-ama habang naka-pamewang.

Ang cute lang talaga nila. Lalo na si Jordan. Tatalikod na sana ako papunta sa CR pero biglang hinila ni DJ ang kamay ko.

Muntikan na akong mabuwal sa kinatatayuan ko buti na lang at nahanap ko ang balanse ko.

"Daniel ano ba? Muntikan na 'yun ah." inis kong sabi sa kanya. He instructed me to sit beside him.

"Sorry po." nilagay ni ang isang kamay niya sa bewang ko. "Back to your request. Payag po ako, basta sasama ako." napatingin ako sa kanya.

"Bawal. Dito ka lang." sabi ko. Ngumuso sa akin ang loko.

"Di ako na lang maghahatid sa'yo." tumayo ako at humarap sa kanya.

"Susunduin ako ni Kuya. DJ, dito ka na lang. Nandito ang family mo. Nandito ang anak mo. 'Wag ka nang mag-abalang sumama sa akin ok? Kaya ko ang sarili ko. Hindi kailangan na lagi mo akong kasama, lagi na nga tayong magkasama. Nanliligaw ka pa lang pero parang binabakudan mo na ako." tinanggal niya ang kumot at tumayo sa harap ko.

"Ok. Sorry, hindi ko kasi matiis na malayo sa'yo eh. Gusto ko lagi kitang nakikita. Alam ko na hindi ka sanay na ganito ako. Clingy talaga kasi ako." sabi niya.

Kinurot ko 'yung ilong niya.

"I know. Hindi naman kita pinipigilan d'on eh. Limitahan mo lang, lalo na kapag nasa harap tayo ng mga magulang natin." tumango lang siya bilang sagot.

"Teka, kelan nga ulit ang balik mo dito?" tanong niya.

"25 din. Morning siguro."

"Promise?"

"Promise. Sige na, tabihan mo na si Jordan doon at matulog ka din." sabi ko sa kanya.

"Tabi ka sa amin. Tara." sabi niya habang naghihikab.

"Susunod ako. Papalit lang ako ng damit."

Kumuha ako ng damit sa drawer at nagpunta sa CR. Nag-half bath ako para mas masarap matulog. Pagkapatos ay lumabas na ako at tumabi sa mag-ama.



December 23 - Afternoon

Kanina pa ako nag-aantay kay Kuya kasi nga pauwi na kami sa Nueva Ecija. Sabi niya mga ala una kami aalis pero alas dos na wala pa din.

"Kath, tuloy pa ba kayo?" tanong ni DJ. Katabi ko siya sa couch ngayon. Kanlong ko si Jordan na kakagising lang. Nakasandal siya sa dibdib ko. Muka ngang mahihirapan akong umalis kasi grabe manlambing.

"Sabi niya papunta na daw. Pero half hour na ang naka-lipas eh." sabi ko habang pinaglalaruan ang kamay ni Jordan.

*beep* *beep*

"Nandyan na ata si Diego. Tara hatid ko na kita." binuhat ko si Jordan papalabas ng bahay.

"Aalis muna ako Jordan. DJ, si Jordan." kinuha niya si Jordan sa akin. Nagsimula na namang umiyak.

"Mamma!!" pinunasan ko 'yung luha ni Jordan at hinalikan ang pisngi. Ang hirap talaga nitong iwan. Hindi lang ako makita ng ilang sandali, nagwawala na.

"Babalik si Mommy. Babalik. Tahan na. DJ, alis na ako."

"Ingat ka. Diegs, ingat sa pagda-drive." bilin niya kay Kuya. "Sige na. Ingat ha? Bye, Mommy." hinalikan niya ang sentido ko at lumapit sa kotse para pagbuksan ako ng pinto.

I waved at them nang magsimula nang umandar ang kotse.

Daniel's Point of View

"The number you...."

T-in-ry ko ulit tawagan si Kath pero can't be reach talaga. Bispiras na kasi ngayon ng pasko, gusto ko sana siyang maka-usap kasi kapag mamayang midnight pa. Hindi talaga kami magkaka-usap kasi mahina na ang signal.

"Anak, tawagan mo na lang kaya si Ate Min. Hindi 'yang pinang gigilan mo na ang phone mo sa kakapindot." biglang sabi ni Mama mula sa likod ko.

Dinayal ko ang number ni Tita at ng maka-tatlong ring ay sinagot din niya.

Phone Conversation

"Hello po. Tita?"

"Oh, napayawag ka Daniel? Bakit?"

"Kanina ko pa po kasi tinatawagan si Kath. Hindi ko po ma-contact eh. Nand'yan po ba siya?" tanong ko.

"Nako DJ anak, inaapoy ng lagnat. Tinanong ko nga kung naambunan o ano. Hindi naman daw siya lumalabas ng bahay. Sabi ko nga baka kako magbu-buwanang dalaw na." tsk. Kath naman eh.

"Ma, si Kath tawag ka. Ang sakit daw ng puson niya. Namimilipit na doon."

Narinig ko ang boses ni Diego sa background. Anong nangyayari kay Kathryn?

"DJ, ibaba ko muna. Si Kathryn daw ay namimilipit sa sakit ng puson niya. Sasabihan na lang kita kapag ok na si Kath ha?" napahilamos ako ng muka.

"Sige po Tita. Salamat po."

"Ok. Bye DJ."

End

Inaapoy ng lagnat si Kath, namimilipit pa sa sakit ng puson. Hayy. Ito pa naman ang first Christmas namin simula ng magkakilala kami. Kahit na hindi siya dumating bukas, 'wag ko lang marinig na nasasaktan siya.

Pero umaasa ako dadating siya. Dadating siya kasi nangako siya.

"Dadating ka ba? Mahal?"

'~'~'~'~'~'

Kawalanghiya ni Angelo. Kung hindi lang iyan gwapo!! Naku!!
#PSYAngPagsubokKayYna

Votes, comments ang being a fan is highly appreciated.

❤Alyssaxx

©2015

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now