Chapter 15

8.3K 171 10
                                    

Chapter 15 -Asar si Kumander

Kathryn's Point of View

Matapos ng nangyari kahapon, napagalitan ako ni Mama. Papano daw kung si Tita Karla ang naka-sagot. Edi nakakahiya daw. Ang tanga ko naman kasi talaga eh. Hindi ko tinitignan 'yung caller. Hay nako.

"Tawagan mo 'nak si DJ. Nakakahiya 'yung ginawa mo." Sumimangot ako sa sinabi ni Mama. Kasi naman, pang-sampu na niya yatang sinabi sa akin 'yan simula kanina.

"Opooo." Sagot ko na walang energy. Isa pa din 'tong si DJ sa kinaiinisan ko, simula kahapon hindi niya sinasagot ang tawag ko. Hindi ko alam kung nagalit o busy na naman sa iba. Sa ibang tao to be exact.

Lumabas ako ng bahay at nag-punta sa duyan sa likod ng bahay. Malilom kasi doon saka presko pa. 10a.m palang naman kaya hindi pa ganoon ka-init kasi nga mahangin. Humiga ako doon at muling nag-dial kay DJ. Matapos ang limang rings sinagot na niya.

Phone Conversation

Kath: "Hello, DJ." Panimula ko. Narinig kong may tumatawang babae sa background.

"Talo ka na eh! Tanggapin mo na! Hahaha." Sabi 'nung babae sa background. Hindi muna ako umimik. Pinakingan ko muna sila.

"Hindi 'yan! Matatalo kita. Wait lang, may tumatawag eh." Si DJ 'yung nag-salita. Maybe, mag-kasama sila ng girlfriend niya ngayon at ako dakilang abala sa eksena.

DJ:"Ano? Kung may sina-sabi ka ba pwedeng paki-laksan?" ayy shit.

Kath:"Wala. Ano, gusto ko lang mag-sorry sa sinabi ko kahapon. Kung nasigawan at namura kita. Akala ko kasi si Denil ka, Sorry." Sabi ko. nag-hintay ako ng sagot mula sa kanya pero ilang minuto na ang naka-lipas ay wala pa ding nag-sasalita.

Kath:"DJ? Nandyan ka pa ba?" muli akong nag-hintay nang sagot pero isang lovers quarrel lang ang narinig ko.

"Ayy, ang daya. Ako ang panalo eh!" sigaw nung babae na may halong pag-kainis.

"Wala eh, panalo ako. Pano ba 'yan?" sagot naman ni DJ. Pumikit ako at nag-buntong hininga. In-end call ko na. Muka kasi akong tangang nakiki-sawsaw sa oras nila.

End Call

Bwisit lang. Bakit niya pa sinagot 'yung tawag kung may ginagawa sila? Pwede naman niyang sabihin na. 'Kath, may ginagawa ako. 'Wag ka munang tumawag.' At least, alam kong busy siya, hindi 'yung sinagot niya 'yung tawag ko pero iba naman ang kausap.

"NAKAKAINIS KA TALAGAAA!!!" hindi ko napigilan kaya isinigaw ko na lang.

Naiinis na talaga ako kay DJ!!!!

--
"Bunso. Gising, doon ka na matulog sa kwarto. Mainit dito." Nagising ako sa boses nung nag-salita. Nakatulog pala ako dito. Tumayo na ako at inayos ang damit ko. Nag-kusot ako ng mata at tumingin sa gumising sa akin. Napa-urong ako nang makilala kung sino iyon.

"Kuya." 'yun lang ang nasabi ko. Medyo nakaramdam ako ng kaba, minsan na niya akong nasaktan at ayokong maulit na naman.

"Bunso, sorry. Patawarin mo si Kuya sa nagawa ko sa'yo. Sorry. Nag-sisisi na ako sa lahat ng kasinungalingang sinabi ko. Sorry, mapapatawad mo pa ba si Kuya?" mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Naiiyak akong tinawanan siya at niyakap.

Hindi ko naman matitiis ang kapatid ko eh, kahit ano mang kasalanan 'yun. Niyakap niya ako pabalik. I missed this. I missed my kuya.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now