Chapter 28

7.8K 160 5
                                    

Chapter 28

Kathryn's Point of View

"Bakit naman hindi mo sinabi kaagad na may pagbabantang sinabi 'yang si Jack? Papano na lang kung mapa-pasok ko 'yan sa bahay at gawan kami ng masama?"

Napahilamos ako sa muka ko dahil sa mga sinabi ni DJ. Kakauwi lang niya at nakwentong pinagbantaan siya ni Jack noong nag-away sila.

"Mali na ako. Sorry." malungkot na sabi niya.

Tumabi ako sa kanya sa couch.

"Anong balak mo DJ?" narinig kong nagbuntong hininga siya saka sumagot.

"Hindi ko alam Kath. Ibang klaseng tao 'yang si Jack. Natatakot din ako para sa inyo. Pero galawin niya lang kayo pinapangako ko, makakapatay ako." sabi niya habang hinihilot ang sentido.

"Tsk. 'Yang mga banat na ganyan akala mo naman nakakatulong sa'yo." sita ko sa mga sinabi niya. Hindi naman niya ako sinagot.

Kakaayos lang ng problema sa pamilya niya, pero may problema na naman.

"Ipapaalam mo ba kay Tita?"

"Ayoko man, pero kailangan."

Napatigil kami sa pag-uusap nang may mag-door bell.

Binuksan ni DJ ang pinto at mukang nagulat siya sa nakita.

Daniel's Point of View

Habang nag-uusap kami ni Kath ay biglang may nag-door bell. At hindi ko pa inaasahan na pupunta siya dito.

"Ano po ang kailangan nila?" tanong ko.

"I'm Flordeliza, Jack's grandmother." siya ang lola ni Jack, madalas ko siyang makita sa school noon kapag may event.

"Pasok po kayo." alok ko sa matanda.

"Hindi na, ijo. I just want to say, sorry. Alam kong nanggulo ang apo kong si Jack sa inyo. Ako na ang humihingi ng pasensya. Hayaan niyo hindi na mauulit iyon." sabi pa niya. Sana lang talaga, ayokong magulo ang pamilya ko.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Isasama ko sa ibang bansa si Jack. Baka doon mag-hilom ang mga sugat sa puso niya. Nakulong na ang kanyang ama na anak ko, 'yung nanay niya hindi na nagpakita. Baka kung anong magawa niya sa sarili niya kapag sinarili niya 'yung problema eh. Kaya ako na ang pumunta dito. Sana maintindihan mo ang pinagdadaanan niya." kwento ni Lola Flor.

"Salamat po. Wala pa naman pong nagagawang masama si Jack sa pamilya ko. At naiintindihan ko po."

"Mabuti kung ganoon. Aalis na ako, ngayon kasi ang flight namin eh. " inihatid ko siya sa may sasakyan niya.

"Ingat po kayo." sabi ko bago siya sumakay sa sasakyan at umalis.

Tapos na ba talaga ang problema? Sana.

"Narinig ko, Lola ni Jack 'yun. May mabigat pala siyang pinagdadaanan. Grabe lang." sabi ni Kath nang makapasok ako sa loob.

"Pero dapat si Jack pa din 'yung humarap sa akin at humingi ng pasensya. Hindi 'yung lola niya." sagot ko. Tama naman diba?

"Narinig mo naman diba? May pinagdadaanan 'yung tao. Ikaw na mismo ang nagsasabi na naiintindihan mo. Naintindihan mo ba talaga Daniel John?" tanong niya na parang pinagsasabihan ang makulit na anak.

Napatakip ako ng tainga nang tawagin niya akong Daniel John. Ayokong tinatawag niya ako sa buong pangalan ko. Feeling ko galit na galit siya sa akin.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon