Chapter 43

7.1K 162 6
                                    

Chapter 43

Kathryn's Point of View

Nagluluto ako ng umagahan, tulog pa sina Tita at Mama kaya ako lang ang gunagawa. Maaga pa din naman kasi. Chopseuy ang niluluto ko para madali lang. May matatanda kasi kaming kasama kaya hindi pwedeng light breakfast lang.

Napatingin ako sa pumasok sa kusina. Pumunta siya sa likod ko at siniksik ang ulo sa balikat ko.

"Ok ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Medyo masakit ang ulo ko. Pero kaya naman." sagot niya.

Pinatay ko na ang stove at humarap kay DJ. Nakiya kong nakatitig siya sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"I love you." sabi niya habang nakatitig diretso sa mata.

"Mahal din kita." sagot ko. Napangiti kami sa isa't isa. Hinapit niya ako at niyakap ng mahigpit, gumanti din ako ng yakap.

"Haha. Bitaw na, maabutan tayo dito." sabi ko at sinunod din naman niya ako.

Tinulungan niya ako sa paghahain. Umakyat din agad si DJ dahil umiyak si Jordan. Mayamaya ay bumaba din siya buhat si Baby. Ang gwapo lang talaga niya lalo na kapag may buhat na bata.

"Hi, Baby ko. Good morning." bati ko sa kanya.

Hindi din naman niya ako pinansin hahaha. Kakatapos ko lang maglagay ng mga plato nang dumating sina Mam, Papa at Tita. Pero lumabas muna si Tita dahil may tumatawag daw sa kanya.

"Anak, aalis na kami ng Papa mo mamaya. Bibisita pa ako sa kuya mo." sabi ni Mama.

"Ah. Sige po."

Biglang pumasok si Tita sa kusina.

"May lakad ba kayo ngayon, DJ?" tanong ni Tita at nagsimula na ding kumain.

"Balak ko po sanang ilabas ang dalawa kaso may sipon si Jordan. Bakit po?" sagot ni Daniel.

Kakatapos lang ng lahat na kumain, niligpit ko na ang mga pinagkainan. Tinulungan ako ni Mama. Siya ang taga sabon, ako ang taga banlaw.

"Mamaya pa akong gabi aalis dahil sasabay ako sa Tito mo pauwi. Kung gusto mo, kayo ni Kath muna ang lumabas. Sa akin na lang muna si Jordan. Ayy! Ate Min ako na diyan." sabi ni Tita.

"Ok lang, kaya na namin ito ni Kath." sagot ni Mama.

Naririnig ko lang ang usapan nila. Nililinis ko na ang lababo nang marinig kong tinatanong ako ni Daniel.

"Kath, gusto mong lumabas? Bilhin natin 'yung mga pang-bake mo." sabi niya.

Agad akong napaharap sa kanya.

"Oo naman!" bumaling ang tingin ko kay Papa, may hangover pa kaya tahimik. "Papa, ok lang po na lumabas kami?" tanong ko.

"Sure. Basta huwag lang magpa-gabi." bilin niya.

"Opo, Tito." sagot ni DJ. "My, bihis ka na. No shorts please." bilin niya. Napatawa naman si Mama at Tita sa sinabi ni Daniel.

Hindi na lang ako umimik at umakyat na sa kwarto para mag-bihis. Matapos ay nagbihis na ako ng pantalon at palin white long sleeves. Tinernuhan ko pa ng black doll shoes. Ewan ko lang kung may masabi pang kung ano si Daniel. Balot na balot nga ako.

Nag-pulbos at lip balm. Mall lang naman eh. Kinuha ko ang sling bag sa kama at lumabas na ng kwarto. Sakto din naman na kakatapos lang ni Daniel.

"Tara." sabi ko.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon