Chapter 37

7.1K 174 5
                                    

Chapter 37

Kathryn's Point of View

Matapos naming gumala ni DJ ay umuwi na kami dahil malapit na ding gumabi. Mula sa labas ay dinig na dinig ko ang boses ni Nanay Sol.

"J, nakauwi na ata si Nanay." agad kaming pumasok sa loob ng bahay at hindi nga ako nagkamali.

Napasigaw sa tuwa si Nanay nang makita niya kaming dalawa ni DJ at buong galak kaming niyakap.

"Ang dalawa kong anak-anakan! Kamusta na ba kayo?" galak na tanong ni Nanay sa amin.

"Mabuti po, Nay. Kayo po ba? Blooming eh." sabi ko at nakurot naman ako ni Nanay.

"Ako ba? Baka naman ikaw ang blooming! Kayo na ba?" ito na naman po tayo!!!

"Nanay!! Na-miss kita!" sabi ni DJ at inakbayan si Nay Sol.

"Nako naman. Pagka-gwapo mo ngayon!" sabi ni Nanay Sol at sinuri ang muka ni Daniel.

"Nay, palagi naman po eh." mayabang na sabi ni DJ. Napatawa nalang kami ni Nanay.

"Kayo lang bang dalawa? Si Jordan, kamusta na? Malaki na 'yun panigurado." natutuwang sabi ni Nanay.

"Oo nga po Nay eh. Alagang-alaga po ng Mommy eh." sabi ni DJ. Tinignan naman ako ni nanay ng nakakaloko.

"Kayo ba talaga'y magkasintahan na? 'Yung totoo." agad akong umiling.

"Pino-proseso na pa, Nay." sagot ni Daniel. Kinurot ko si Daniel sa tagiliran. Napaka talaga nito.

Narinig namin ang pagtawag ni Lola Fe mula sa kusina para mag-hapunan.

"Wushu!! Kayo talaga, saan ba kayo galing at gianabi kayo?" tanong ni Nanay habang naglalakad kami papuntang kusina.

"Doon nga po sa pinapa-trabaho sa akin ni Papa tapos sa simabahan po." sagot ni DJ.

Umupo na kaming lahat, tumigil kami saglit sa pagku-kwentuhan dahil nagdasal. Biglang may pumasok na isang dalaga, ngayon ko lang siya nakita. Siya ata ang isa pang apo ni Lola.

"Tamang tama, Bea. Sumabay ka na sa pagkain." sabi ni Nanay Sol.

Ibinaba niya ang gamit sa couch at naglakad papunta sa hapag.

Umupo siya sa tapat ni Daniel, napansin kong napatitig siya kay DJ. Na-gwapuhan yata. Tss.

"Kath, kain na." sabi ni Lola. "Si Bea, kapatid ni Glo. Si Kath at DJ bisita sila." pahayag pa ni Lola. Ngumiti ako sa kanya pero hindi naman niya ako pinansin. Edi wow.

Nakipagkamay si DJ, agad naman niyang tinanggap. Napansin ko pang parang ayaw na niyang bitawan. Umiwas na lang ako ng tingin.

Matapos naming kumain at magligpit ng pinagkainan ay niyaya kami ni Nanay sa kubo sa likod ng bahay. Maaga pa naman kasi.

"Kailan ang alis niyo?" tanong ni Nanay.

Umupo ako sa tapat niya tapos si Daniel sa tabi ko.

"Bukas po, Nay. May trabaho po kasi." sagot ni Daniel.

"Kanino niyo naman iniwan si Jordan? Sa Papa mo? Patingin nga pala ako ng picture." sabi ni Nanay.

Biglang dumating si Bea naka fit na sando at sobrang baba ng neck line at short shorts. Err. Napaiwas ako ng tingin sa kanya, umupo siya sa tapat ni DJ.

"Hindi po. Kay Ate Roanna, busy si Papa eh." kinapa ni Daniel ang bulsa niya. "Iwan ko pala ang cellphone ko sa taas, Kath dala mo ang iyo?" kinuha ko 'yung akin at iniabot kay Nanay.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin