Chpater 7

10K 197 2
                                    

Chapter 7 – Reconcile

 

Daniel's Point of View

 

Shit. Umupo ako sa kama at napahilamos. Ang tanga mo talaga Daniel kahit kelan. Bakit mo sasabihan ng plastic 'yung tao? Samantalang ang pinasok niya nga lang na trabaho ay YAYA ng anak mo. Tapos ung mga gawain na di sakop ng trabaho niya ginagawa niya din. *deep sigh* ginulo ko ang buhok ko at tumayo. Lumabas ako ng kwarto para puntahan si Kath. Nasa tapat na ako ng pintuan niya kakatok na sana ako pero tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang caller. Si Mama, nag-sigh ulit ako tapos nag-lakad ako papuntang veranda na katabi lang ng sa kwarto ko.

Phone Convo:

 

DJ:"Hello po Ma. Nasan na po kayo?" naririnig ko ang boses ni Jordan sa background. Na-mimiss ko tuloy ang anak ko.

MamaK:"Anak! Kanina pa kami dito anak sa bahay. Nandito ang mga lola at tita mo. Tuwang-tuwa sila kay Jordan. Sobrang gwapo daw."

DJ:"Talaga po Ma? Hayaan niyo po kapag nakapag-leave po ako. Babalik po ako sa atin. Miss na miss ko na din si Lola." Close kasi talaga ako sa mama at lola ko. Kahit kasi lumaki akong walang ama, hindi ko naramdaman yun.

MamaK:"Oo anak. Hinahanap ka ng lahat dito. How's your day with Kath kanina? Nag-enjoy ba kayo sa Showtime? Kasi nakita namin kayo kanina eh." nag-deep sigh ako. "Oh ano yun?"

DJ:"Nag-enjoy naman po kami Ma, pero.. nagalit po sakin si Kath."

MamaK:"Ano na namang ginawa mo?!" napa-layo ko ang telepono sa tenga ko. maka-sigaw naman eh. Tsk.

DJ:"Kasi Ma, ano.. inatake po kasi ako ng hika kanina. Tapos basta yun."

MamaK:"Danilo sasalpukin kita! Umayos ka nga!!" galit na sigaw niya sa akin.

DJ:"Nung nag-kukulitan po kasi kami. Ang taray niya sa akin. Ti-tinanong ko kung bakit siya ganun pag kami lang dalawa pero ang bait niya kapag nandyan kayo. Sabi ko kung may personality disorder siya o p-plastic lang.. Pero ma promise joke lang yun.!!" Narinig kong napa-buntong hininga si mama.

MamaK:"Anong kalokohan yun anak? Alam mo naman na sensitive ang mga babae. Ikaw kaya, sobrang buti ng ginagawa mo tapos sasabihan ka lang ng plastic hindi ka ba masasaktan? Anak ayusin mo yan. Ayokong iuwi ang apo ko ng ganyan kayo. Oh sya sige na. Mag-ingat kayo. Ayusin mo yan ah. Bye na."

 

End..

 

Paano?! Stress na naman 'to. Napansin kong dumidilim na kaya tinignan ko yung oras sa cellphone ko. 6 pm na. Dumaan ako sa kwarto ko para kunin ung wallet ko at bumaba na. Sinilip ko yung kusina at nakita ko si Kath na nag-luluto. Mabuti na 'to. Makakabili pa ako ng peace offering sa kanya. Lumabas ako ng bahay ng walang ginagawang tunog. Lumabas ako ng subdivision. Una kong pinuntahan ay flower shop.

"Good evening sir. Bouquet po ba?" nag-tingin ako ng mga bulaklak na naka-display. Nakakuha ng atensyon ko ay ang dreamflower.

"Oo eh. Miss nagko-customize ba kayo?"

"Yes Sir. Alin po ba?"

"Etong dreamflower tsaka yung yellow rose." Kahit gabi na fresh pa din ang flowers nila.

"Ok Sir. Wait po in ten minutes." Tumango ako at umupo sa couch nila.

Pinag-mamasdan ko yung shop, ang girling tignan yung wall paper floral pero maganda. Tapos naka-frame yung picture ng mga best selling designs nila. Madaming nakasabit na profile ng bulaklak nandun yung mga meaning nila. Ngayun lang kasi ako naka-punta dito. Nakikita ko ito kapag dumadaan ako papasok ng trabaho. Masyado akong naaliw sa pag-tingin sa paligid ng shop kaya di ko namalayan na ten minutes na pala ang lumipas.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now