Chapter 46

6.5K 157 5
                                    

Chapter 46

Kathryn's Point Of View

Ngayon ang pagpunta namin sa Nueva Ecija. Kasabay namin sina Tita Karla, Magui, Lelay at JC. Iisang sasakyan kami, hindi naman kami kasya lahat sa company car ni Daniel. Buti na lang ay pinahiram ni Tito Rommel ang sasakyan niya.

Kahapon ko lang din nasabi kay Vice na hindi ko itutuloy. Nakausap ko din 'yung organizer. Mabuti na lang at naintindihan nila.

"Mommy.. Mik." tawag ni Jordan sa akin. Sa back seat kasi kami nakaupo katabi ko si Magui tapos sa likod namin si JC at Lelay. Sa unahan si Tita.

"Wait lang po." sabi ko kay Baby na nakaupo sa tabi ko. Mik ibig sabihin milk. Ipinagtimpla ko siya at kinanlong.

Tahimik kasi sa loob ng sasakyan. Tulog si Tita at JC. Pakiramdam ko ay nababagot din si Jordan sa mahabang byahe.

"DJ, ok ka lang?" pangangamusta ko. Baka kasi inaantok na din siya.

"Ok lang, My. Malapit-lapit na din naman tayo diba?" tanong niya.

Lumibot ang tingin ko, sunod na sa bayang ito ay makakarating din kami. Mga kalahating minuto pa.

"Yah, kapag nakalabas tayo dito." sagot ko.

Hanggang sa nakita kong may mga bandiritas na sa mga daan. Ibig sabihin ay nandito na kami. Nagising na din sina JC at Tita. Doo kami nag-park sa bakanteng lote sa tabi ng bahay na kakabili lang din nila Mama.

"Baby, nandito na tayo." sabi ko kay Jordan. Agad naman niyang binitawna ang dede niya at sumilip sa bintana.

Naunang bumaba ang mga bata pati si Tita. Nilagyan ko ng towel sa likod si Jordan dahil mainit sa labas kaya paniguradong pagpapawisan siya.

"Kath, tara." pinagbuksan ako ni Daniel at tinulungan akong bumaba.

Napansin kong madaming mga tao, nakita kong madaming nag-bulungang kapitbahay nang makita nila akong may buhat na bata at kasamang lalaki.

Nagpumilit bumaba si Jordan sa akin kaya binaba ko, tatakbo siyang lumapit kay Mama.

"Mama!" tawag ni Jordan sa nanay ko.

"Mag-bless ka, Baby." sabi ko kay Jordan.

Kinuha ni Baby ang kamay ni Mama gamit ang dalawang kamay niya. Napasigaw sa tuwa si Mama nang makita niya si Jordan. Nakikipag-kwentuhan kasi si Mama kay Tita. Lumapit din kami ni Daniel at nagmano kay Mama.

Pinapasok kami ni Mama dahil mainit sa labas.

"Ma, si Papa po?" tanong ko. Hindi niya kasi kami sinalubong sa labas kanina.

"Kinukuha 'yung mga baboy na kakatayin mamaya. Pumunta ka muna sa likod, nandoon ang mga tiya at tiyo mo." sabi ni Mama sa akin. "Isama mo din ang mag-ama." dugtong pa ni Mama.

Tumango ako at tinawag si DJ na buhat si Jordan.

"Bakit?" tanong ni Daniel.

"Ipapakilala ko kayo, tara?" medyo nag-iba ang timpla ng muka niya. Kinabahan! Hahaha.

"Mababait sila. Tara na." ipinababa ko si Jordan at hinayaan maglakad. Tuwang-tuwa ang anak ko dahil ang dami niyang taong nakikita.

Sa subdivision naman kasi hindi masyadong lumalabas ang mga tao. Kaya halos wala din kaming kakilala.

Nilapitan namin ang mga tiyo at tiya ko na nandoon sa likod bahay. Dito kasi sa amin bibihira ang nagpapa-cater dahil uso dito ang bayanihan.

Tuwang tuwa ang mga kamag-anak ko na nakita nila ako dito. Kanya kanya silang pangangamusta, may mga nag-iintriga din dahil sa "gwapong binata" na kasama ko.

"Ija, wala ka bang planong ipakilala sa amin 'yang kasama mo." sabi ni Tita Mau.

"Ahm, si Daniel po. Boyfriend ko po. Tapos si Jordan po." binulungan kong mag-bless si Jordan kaya nilapitan niya ang lahat para mag-mano. Tuwang tuwa naman ang mga matatanda sa kanya. Ganoon din ang ginawa ni Daniel.

Kahit tumatakip na sa muka ni Jordan ang buhok niya ay sige pa din sa pagmamano. Nang matapos siya sa ay tumabo siya pabalik sa akin.

"Pagka-gwapo ng iyong mag-ama. Hahaha. Sya, magpahinga muna kayo at alam kong malayo ang binyahe niyo." sabi ni Lola Aida.

Nagpaalam kami sa lahat at bumalik na ulit sa loob. Pinagmasdan ko si Jordan habang patakbo-takbo sa loob ng bahay. May mangilang-ngilan kasing bata sa loob ng bahay ang iba sa kanila ay anak ng mga pinsan ko. Nakasalubong ko sa may kusina si Liza.

"Oy! Kailan pa kayo dumating?" tanong ko sa kanya. "J, bantayan mo muna si Jordan." baling ko kay Daniel. Sinundan naman niya.

"Hi! Kagabi pa kami. Kumain ba kayo?" tanong niya.

"Hindi pa. Pero mamaya na lang siguro. Nasaan ang mag-ama mo?" tanong ko.

"Si Diegs, kasama ni Papa. Si Sean kalaro ni Jordan sa loob. Sige na, magpahinga ka muna. Magluluto tayo mamayang gabi kaya puyatan." nag-paalam siya akin dahil pupuntahan niya ang mga tao sa likod para tumulong.

Gusto ko mang tumulong pero kailangan ko munang magpahinga dahil puyatan kami sa paghahanda mamayang gabi.

Pinuntahan ko ang mag-ama ko sa salas. Nakita kong masayang masaya ang anak kong kalaro ang ibang mga bata.

"Gian. Sali niyo si Jordan at Sean sa laro niyo." sabi ko. Kapatid siya ni Timo.

"Hi! Ate Kath, ang ganda mo po talaga." sabi niya sa akin. Napatawa naman ako sa kanya.

Madami akong ka-close na bata dahil kapag may pinupuntahan ng mga nanay nila at walang kasama sa bahay ay sa akin pinapaalagaan. Doon din ako nasanay sa pag-aalaga ng bata.

"Ikaw talaga, Gian. Ang Kuya Timo?" tanong ko sa kanya.

"Kasama po ni Mang Ted." ang dami namang kasama ni Papa.

"Ah. Sige na, maglaro na kayo. Huwag mag-aaway away ha." bilin ko sa mga bata.

Paakyat na sana ako nang mapansin kong nakatulog na sa sofa si Daniel. Lumapit ako sa kanya at tinapik para gisingin. Puyat din kasi palagi eh.

"Daniel." tinapik ko ang braso niya at nagising din naman.

"Hmm?" tanong niya.

"Matulog ka muna sa taas. Hindi ka makakatulog diyan ng ayos." sabi ko sa kanya.

Dire-diretso na siyang umakyat at hindi na ako pinansin.

"Ate, matulog ka muna din. Ako na po muna ang magbabantay kay Jordan." sabi ni Magui.

"Salamat, Mags. Pabantay muna ha, antok na din talaga ako eh." tumango siya kaya umakyat na din ako sa kwarto ko.

Dapat kasama si Jordan pero hindi maistorbo sa paglalaro eh.

Nakita kong bukas ang bintana sa kwato kaya lumapit ako para isara. Natigil ako nang marinig ko ang pangalan ko sa labas. Hindi naman ganoon kataas ang second floor.

"Nakita mo ba 'yung kasamang lalaki ni Kathryn kanina?" hindi ko man makilala ang boses pero alam kong kaidaran ko din sila.

"Oo! Ang gwapo grabe laglag panty ko 'dun." sagot ng isa.

"Boyfriend 'yun ni Kathryn. May anak na din 'yung lalaki. Ang alam ko ay yaya ang naging trabaho niya sa Maynila." girl 1.

"Ayy! Oo! Nakita ko sa Facebook, so 'yung boyfriend at amo niya iisa. Siguro mayaman kaya inakit niyan. Hindi ko alam na may kalandiang taglay si Kathryn." nanuyo ang lalamunan ko sa huling narinig ko.

Sinarado ko na ang binatana dahil baka hindi ako makapag-pigil at ihagis ko sa kanila ang aparador ko. Mga walang magawa sa buhay!!

----
I'M BAAACK!! Ito na lang muna. ✌

VOTES, COMMENTS and being a FAN is highly appreciated.

❤Alyssaxx

©2015

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now