Chapter 50

7.5K 161 6
                                    

Ang gumanap po bilang Stephanie ay AKO. :D

Chapter 50

Daniel's Point Of View

"Nakapag-impake ka na ba? Aalis ka na next week." tanong ni Papa.

Nakaka lungkot mang isipin na ilang araw ay aalis na ako. Limang araw na lang kung papayagan akong umalis ng 26. Kung hindi dalawa na lang.

Kasalukuyan kaming nagta-tanghalian sa office niya. Nagpadala kasi si Kath ng Sinigang eh. Ininit ko na lang.

"Opo, Pa." sagot ko. Medyo napagod ako sa pag-aayos ng mga papeles na dadalhin ko.

Napatingin ako sa kanya dahil sa pagbuntong hininga niya.

"Pasensya na, anak ha? Wala kasi talaga akong ibang mapagkaka-tiwalaan nito. Balang araw din naman ay pagtutulungan niyo ng Kuya RJ mo 'to." sabi ni Papa.

"Naiintindihan ko po. Pero Papa, pwede ho bang sa ika-26 na lang ng gabi ako umalis? Birthday po kasi ni Kathryn. Sa 25 naman ho ang unang buwan namin sa relasyon." tanong ko.

"Ganoon ba? Bakit naman ngayong buwan pa napatapat abg pag-alis mo? Tsk. Oh sha, sige. Sasabihin ko sa Board Members." sabi ni Papa.

Hayy salamat.

"Salamat talaga, Papa." naka-ngiti kong sabi.

Matapos naming kumain ay hinugasan ko na ang pinag-kainan namin ni Papa. Pabalik na ako sa table ko, nakasalubong ko si Steph. Yeah, Steph dahil naiinis si Kath sa Hannie.

"Hi! Nakapag-lunch ka na ba?" tanong niya.

"Oo, kakatapos lang." sagot ko.

Napa-simangot naman siya.

"Sayang. Sige una na ako." sabi niya saka umalis na.

Alam ko naman na gusto niya akong yayaing mag-lunch. Sasamahan ko sana pero tinatamad ako. Hahaha.

"Kanina ka pa iniintay 'nung Stephanie. Sabi ko nasa office ka ni Sir." salubong sa akin ni Katsumi.

"Ah. Oo, nakasalubong ko." sabi ko.

Umupo na ako sa table ko at nirelax ang likod ko sa upuan.

"May balak ka yatang ayaing mag-lunch. Tss. Nakakahalata na ako simula pa 'nung ipakilala siya sa inyo Sir." napa-tingin ako kay Kats.

Ano?

"Nakakahata na ano?" tanong ko.

"May gusto ata sa inyo. Hindi naman sa malisyoso, napapansin ko lang talaga. Ala basta babalik na nga ako sa trabaho." sabi niya at tumalikod na.

Hindi na ako magtataka sa mga sinabi niya. Pati naman ako, everyday siyang nagyaya mag-tea o kumain. Pero tinatanggihan ko siya madalas dahil gusto ko nang makasama si Kath at Jordan. Tapos tuwing umaga may coffee sa table ko.

Ewan ko. Sana ay walang ibigsabihin para wala nang gulo.

--

Kakarating ko lang sa bahay, bukas 'yung ilaw pero sobrang tahimik naman. Madalas ay 'yung mag-ina ko ang sasalubong sa akin. Pumunta akong kusina para silipin sila, baka naman nagluluto na. Kaso wala din, ang linis eh.

Pagpasok ko sa kwarto ko, nakita ko silang mahimbing na natutulog. Ano naman kayang ginawa ng mag-ina at nakatulog ng ganito.

Hindi ko na muna sila nilapitan at tumungo sa CR para mag-palit ng damit. Napansin kong walang laman ang basket ng madudumi kong damit.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora