Chapter 1

19.2K 370 14
                                    

Substitute Mom (KathNiel)

Daniel is the father of his 2 months old son. He was just 23 years old, but after Ella gave birth to Jordan she died.

Wala na ding pamilya ang nabuntis niya. Kaya walang choice si Daniel na palakihin at itaguyod ang anak niya ng mag-isa.

Buti na lang at siya ay graduate na ng college nang pinanganak si Jordan.

Pero hirap siya sa pag-aalaga dahil hindi niya alam kung papano ba, kanino niya iiwan at paaalagaan ang anak.

Binalak niyang ipaampon na lang, dahil kung gayon daw ay maaalagaan ng ayos ang anak.

Wala din siyang pera dahil hindi pa nga siya makahanap ng trabaho.

Wala na din ang perang ipon niya noong nag-aaral pa.

Naputol na din ang pag-papadala ng magulang ni Daniel sa kadahilanang na-disappoint niya ang mga ito.

Sinubukan niyang humingi ng tulong sa magulang noong gipit na gipit na siya, ngunit ipinagtabuyan pa siya ng pamilya.

Pauwi na siya kasama ang anak ng makita ang babae na naka tayo sa labas ng apartment niya.

DJ:"Ahm. Sino pong hanap niyo?" gustong gusto na niyang pumasok sa loob para makapag pahinga, dahil pagod na pagod na siya sa byahe.

:"Ah! Magandan hapon po. Nairekomenda po kayo 'nung landlady niyo sa akin. Kakilala ko kasi siya. Naghahanap daw po kayo ng yaya ng baby niyo?" magalang na tugon ng dalaga.

DJ:"Kailangan ko nga. Kaso wala pa akong trabaho, wala pa akong ipapasweldo sayo. Pasensya na."

:"Hindi ko po kailangan ng malaking sweldo, yung kaya niyo lang pong ibigay. Kailangan ko din kasi ng matitirahan." Napagtanto ni Daniel na kasing edad niya lang ang babae sa harapan niya. Naging interesado siya, ngunit nag-aalangan siya. Delikado ang panahon ngayon, mahirap mag-tiwala kung kani-kanino.

DJ:"Gusto kong tanggapin ka kaso natatakot lang ako kung mapagkakatiwalaan ba talaga kita. Hindi naman sa hinuhusgahan kita. Kaso alam mo naman ang panahon ngayon." Malumanay na sinabi ng binata dahil baka mapika ang kausap niya lalo na't babae ito.

:"Naiintindihan ko, pero nangangako ako sa'yo mapag-kakatiwalaan mo ako. Sanay akong mag-alaga ng bata at sa lahat ng gawaing bahay. Ayy nga pala, Kathryn Chandria San Jose ang pangalan ko."

DJ:"Kung ganon tatanggapin ko yung alok mo. Tanggap ka na Kath. Daniel John Adison at ito ang anak ko si Jordan Allyxcel."

Kath:"Salamat talaga!" Makikipag-kamay sana si Kath ang makita niyang may kiling itong bata at may dala pang gamit. Natawa ang dalawa. Kinuha ng dalaga ang bata at si Daniel naman ang nag-buhat ng gamit ni Kathryn.

DJ:"Bukas na bukas mag-hahanap ako ng trabaho. Baka hindi muna kita maswelduhan agad." Sabi niya habang nag-hahanda ng pananghalian.

Kath:"Ako na diyan, mag-pahinga ka na lang muna. Ano ka ba, ayos lang sa akin yun." Inagaw niya ang mga sangkap sa pagluluto. Walang nagawa si Daniel kundi um-oo na lang. Nag-pahinga siya sa kwarto katabi ng anak. Bago siya naka-tulog ay napa-isip muna siya.

"Sana totoong mabait siya at hinding-hindi niya pababayaan ang anak ko. Sana din maayos ang buhay ko sa tulong niya."

Sa kusina naman ay nag-hahanda si Kathryn na makakain ng bago niyang amo. Tapos din siya ng kolehiyo sa isang marangya at pangmayamang eskwelahan bilang iskolar at kumuha ng kursong Bussines Management, hindi mayaman sina Kath sapat lang ang kinikita ng magulang para sa kanilang tatlo ng nanay at tatay niya. Pero naubos na ang pera niya sa paghahanap ng trabaho dito sa Maynila.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon