Chapter 47

8.2K 165 2
                                    

Chapter 47

Kathryn's Point of View

Busy kaming lahat sa pagluluto ng handa. Alas tres kami gumising lahat. Ang iba nga ay wala pa talagang tulog. Mabuti na nga lang at madaming tumutulong.

"Kath, apo. Ok ka pa ba?" tanong ni Lola Susan sa akin. Nanay ni Mama.

"Opo, La. Bakit po gumising agad kayo? Puyat po kayo ah." tanong ko. Ibinaba ko ang kutsilyo at nilapitan si Lola.

"Natuwa kasi ako sa anak mo. Napaka-cute, sobrang bibo." nakangiting sabi ni Lola.

Gising na pala ang bubwit.

"Ah. Hahaha. May gusto po ba kayo? Medyo mainit po dito." maga-alas otso na kaya mainit na talaga.

"Hindi, ija. Pinapatawag ka na ng Mama mo. Sisimba tayo ngayon. Magbihis ka na. Akyat na, ako na ang mag-uutos sa iba ng ginagawa mo." sabi niya. Humalik lang ako sa pisngi niya saka ako umakyat ng kwarto. Dinaanan ko muna ang kwarto nila Tita.

"Hi!" bati ko sa kanila. Nakabihis na si Magui at Lelay. Parehas silang naka-bestida. So cute.

"Hello! Si Jordan po ay binibihisan ni Mama." sagot ni Lelay.

"Ang Kuya niyo?" tanong ko.

Itinuro nila sa kabilang kama, naka-bihis na din pero tulog naman. 'Yan talaga ang puyat. Simula 6 p.m to 3 a.m.

"'Wag niyo na munang gisingin baka ma-badtrip. Magbibihis lang ako." tumakbo na ako sa kwarto ko.

Nakita ko ang dalawang dress na nakasabit sa tabi ng cabinet ko, 'yung isa para sa prusisyon mamayang hapon kulay nude. Tapos 'yung isa pang simba ko long sleeve white dress. Hindi din sobrang iksi.

Agad na akong naligo. Hindi ako pwedeng magpa bagal-bagal dahil kay Lola. Pagkatapos ko ay agad akong nag-suot ng robe at nag-ayos ng sarili. Naka-pony tail tapos curl ng konti 'yung dulo ang ayos ng buhok ko at light make up. Pinarisan ko ng black wedges.

Natigil ako sa pag-aayos dahil may kumatok sa pinto. Agad akong lumapit at binuksan.

"Ma, bakit po?" tanong ko.

"Ang ganda anak! Nagustuhan mo ba 'yung damit?" tanong ni sa akin.

Nakabihis na din si Mama ng simpleng bestida.

"Opo. Maganda. Aalis na po ba?" tanong ko.

"Malapit na. Tapusin mo na ang pag-aayos mo. Aayusin ko lang muna 'yung nga maiiwang tao dito dahil pagbalik natin dadating ang mga bisita. Ha? Sige na. 'Wag magme-make up ng makapal, magagalit ang Lola." bilin ni Mama saka ako iniwan.

Pumasok ako sa loob at kinuha ang pouch na paglalagyan ng dadalhin ko. Phone at pera lang naman eh.

Kamusta na kaya ang mag-ama ko? Mapuntahan nga muna.

Paglabas ko nakasalubong ko si Tita K na akay si Jordan.

"Baby!" tawag ko saka ako lumapit sa kanya at binuhat. "Ang gwapo naman. Ang bango pa." sabi ko sa kanya at humagikhik lang siya.

"Hahaha. 'Yung isa mo pang baby tulog pa din." sabi ni Tita. Ibinaba ko si Jordan.

"Ganoon po ba? Pupuntahan ko na lang po." sabi ko.

"Mabuti pa nga. Jordan tara na sa baba, susunod na lang ang Mommy at Daddy." tawag ni Tita kay Jordan.

Pumunta na sila sa baba ako naman ay pumunta sa kwarto. Lumapit ako sa higaan niya at tinapik si DJ.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon