Chapter 11

10.7K 279 13
                                    

uniq23

Cookiexx

_KNfanforever26_

Buttercup457

AND Greeeeeeeys

Dedicated 'to sa inyo. Sana suportahan niyo ang story ko hanggang huli. :D

 

Salamat sa patuloy na nag-babasa at sumusuporta. SALAMAT SALAMAT SALAMAT SALAMAT SALAMAAAATTT!!!

 

At dahil MAGANDA AT MABAIT AKO. Joke lang. XD. At dahil nga mahal na mahal ko kayo mahaba ang update ko ngayon. Kung lame, pag-pasensyahan na lang po. Sorry sa matagal na pag-hihintay!!

 

 

 

 

 

Chapter 11-Confrontation (Kung totoong tao ka, mag-vote ka muna bago ka mag-basa!XD Tapos na ba? Owkie, thanks.)

 

Daniel's Point of View

 

*Continuation*

 

DJ:"Saglit lang ah. Babalik ako." Tapos pinag-bukasan ko ng gate 'yung taong nag-door bell.

Woah!! (゚ヮ゚)

 

 

 

"YOU'RE BACK!!"

 

 

"Dude!! Yeah I'm back! Hahaha. Pasensya na ha? Sobrang ginabi ako. Ano kamusta na?! Gags ka yaman na!" binatukan ko tsaka pinapasok sa bahay.

Hanep! Nag-expect pa naman ako na si Kath 'yung dumating. Malay mo naman diba? Uy aminin siya din akala si Kath. xD Mag-hapon ngang di nagte-text 'yun eh. Hay!!!Baka busy. :/ Baka naman nakalimutan na niya kami ni Jordan? Sa sobrang enjoy hindi na niya naalala ang birthday ng anak niya.

"Ulol ka talaga Diego! Di ga sabi ko kahit bukas na, pagod na nga sa flight! Tara 'dun sa likod nandun ang mga pinsan ko." Si Diego, kaibigan/classmate ko nung elementary at high school na nag-puntang ibang bansa. Matagal din kaming walang contact sa isa't isa, bukod sa nagging busy sa college life, naging busy din siya sa personal life niya. Nag-meet lang ulit kami sa facebook.

Naki-join siya sa aming mag-inom. Puro tawanan at laglagan ang naganap. Mga ginawang katarantaduhan, kaya 'yun ang iingay naming. Nasa kalagitnaan na kami ng pag-iinom nang bumaba si Mama para sawaying mag-situlog na.

"Mag-situlog na kayo, gabi na. Bukas din ang mga uwi niyo diba? Oh, tulog na. Dj, bukas linisin mo 'yang kalat niyo." Tumango na lang at 'yung mga pinsan ko nag-sipasok na sa loob ng bahay.

Diego:"Oyy Daniel! uuwi na ako nandyan na sundo ko eh. Babalik ako bukas para makita ko ang inaanak ko." hinatid ko siya sa may gate.

"Oh sya, sige. Salamat sa pag-punta. Ingat kayo." Nang maka-alis na 'yung sasakyan at pumasok na ako sa bahay. Kaka-lock ko pa lang ng pinto pero may door bell. Baka si Diego may naka-limutan siguro.

Pumunta ulit ako sa gate at binuksan.

 

"May nakali-"napa-tigil ako kasi hindi si Diego 'to. Malabo kasi ang paningin ko dala ng alak na ininom ko. Tina-try kong aninagin. Parang babae, si Kath ba 'to?

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon