Chapter 21

8.9K 176 5
                                    

Ayiiieee!! Kakatuwa naman kayo hahaha. Thanks sa lahat ng votes. Pero 'yung comment box, anyare? Hahaha. BTW padami ng padami ang nagbabasa at sumusuporta. Salamat po talaga. Hindi niyo lang alam kung papano niyo ako napapasaya. SALAMAT.

Chapter 21

"Hoy! Hindi ko pa pinapayagang ipakasal 'yan." napatayo ako sa gulat nang marinig ko ang sigaw ni Tito Ted.

"Ay hindi po, Tito. Practice lang 'yun." palusot ko. Hahahaha.

"Practice. Hala sige, magsitulog na kayo. Lalo ka na Kath." utos niya.

"Yes, Pa. Good Night po."

Umalis na si Tito at bumalik ata sa kusina. Naman oh.

Kathryn's Point of View

Puro lalokohan si DJ. Hay nako naman. Baka dahil sa presensya ng alak sa katawan niya.

"Si Tito naman eh. Tsk." rinig kong bulong ni DJ nang makaalis si Papa.

"Pst! Tulog na daw tayo. Tara na?" aya ko sa kanya. Nginitian niya ako ng nakakaloko. Ano na naman kaya ito?

"Tayo? So tabi tayo?" tapos inakbayan niya ako.

"Alam mo," tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko. "Napaka pilyo mo! Matulog ka na nga!" tapos itinulak-tulak ko siya papunta sa kwarto niya.

"Oo na! Teka lang. Wait." pigil niya. "Good Night, Merry Christmas. Thank you kasi kahit masama 'yang pakiramdam mo, nagawa mo pa ding tuparin 'yung promise mo. Salamat talaga."

Nagda-drama na naman ba siya? Hahaha.

"You're always welcome, ok? Sige na. Tulog na, bukas na lang tayo magkwentuhan ulit. Antok na talaga ako." sabi ko.

"Merry Christmas. Good Night." hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at hinalikan ito.

Simbol of his respect for me. Napangiti ako sa ginawa niya.

"Merry Christmas again. Good Night din."

Iniwanan ko ang isang matamis na ngiti sa kanya bago ko pumasok sa silid ko.

~
Kinabukasan

Nagising ako sa isang malakas na tawanan at kwentuhan. Naman oh. Tsk.

Bumangon ako at naglinis ng katawan saka ako lumabas ng kwarto. Dumiretso sa kusina pero wala sila doon. Sumilip ako sa bintana at nakita ko sila sa garden.

Nakakahiya, ano ba naman 'yan. Ako na lang pala ang late nagising.

Masayang nagku-kwentuhan habang kumakain sina Mama at Tita. Ang mga bata naman ay kumakain ng tahimik. Napadako ang tingin ko sa mag-ama.

Napangiti ako kasi hawak ni DJ ang maliit na plato habang hinahabol si Jordan.

"Baby.. Jordan!" tawag ko sa kanya. Tumakbo siya papalapit sa akin kaya lumuhod ako para maabot niya ako.

"Bakit ka po ba nagpapahabol kay Daddy? Ha? Ang amos mo na." sabi ko habang pinupunasan ang bibig niya gamit ang kamay ko. Tawa lang ng tawa si Baby ko.

"Natuto lang maglakad, pahabol na nang pahabol. Kain na, Kath." sabi ni DJ. Hinalikan ko muna ang pisngi ni Jordan saka ko binuhat at dinala sa table nila Mama.

"Good Morning po." bati ko sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Lelay. Tumabi naman sa akin si DJ at kinuha si Jordan.

"Wala ka na bang sinat?" tanong ni DJ.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now