Chapter 22

9.7K 181 6
                                    

Happy reading! ❤ Visit my New Story The Kitchen Apprentice. Sana kung papano niyo ito sinuportahan ganoon din ang new story ko. Salamat.

Chapter 22

Daniel's Point of View

"Mama!! Huhuhu! Mamimi!!" napabalikwas ako sa pag-iyak ni Jordan.

Lumapit ako at binuhat siya. Patuloy pa din siya sa pag-iyak. Bakita kaya?

"Bakit? Umagang-umaga nag wa-wild ka na. Tigil na. Shhh. Sisipunin ka. Tahan." kumuha ako ng towel sa drawer at ipinunas sa kanya.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kath na babagong gising pa lang.

"Nandito na si Mommy oh. Tahan na." kinuha ni Kath si Jordan sa akin at hinele.

Pinagmasdan ko siya habang pinapatulog ulit si Jordan. Halata ang antok sa mga mata niya.

Naalala ko ang pag-sigaw ko sa kanya kagabi. Hindi ko naman sinasadya eh. Sadyang ugh!! Tsk.

"Daniel, patimpla ako ng gatas. Isang scoop lang." bulong niya. Sinunod ang sinabi niya.

Matapos niyang mapa-inom ng gatas si Jordan ay naka-tulog din ito kaagad.

Napansin kong hinihilot niya ang braso nang maibaba niya si Jordan. Nilapitan ko siya para i-check.

"Ok ka lang?" tumingin siya sa akin saka tumango.

"May masakit?" tanong ko.

"Hindi. Medyo nangalay lang kasi ang bigat na ni Baby." paliwanag niya.

May ilang segundo kaming nabalot ng katahimikan.

'Yung kagabi. Hayy. May atraso pa pala ako. Kailangan kong humingi ng dispensa.

Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi. Bigla kong naisip si Ella.

"Sorry." nagkatinginan kami kasi halos sabay kaming nag-salita.

"Kath, hindi mo naman kailangang mag-sorry eh. Ako 'yung may kasalanan kasi nagalit ako ng basta-basta." umupo siya sa couch kaya sinundan ko siya.

"Kung hindi naman ako nangulit diba hindi ka magagalit. Kaya sorry." sabi niya. Umupo ako sa tabi niya.

"Hayy. Oo na. Parehas na lang tayong mali. Pag-aawayan pa eh. Hahaha. Makulit ka, masungit ako. Pero hindi ka naman galit diba?" umiling siya bilang sagot, hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at inilapat sa labi ko.

"Tara, mag-luto muna tayo ng breakfast bago tayo mag-bihis." inayos muna niya kumot ni Jordan saka kami bumaba sa kusina.

"Wait, may nakalimutan ako." nagtataka siyang tumingin sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang noo niya. "Good morning." narinig ko ang bahagyang pag-tawa niya.

"Ikaw ah. Panay pa-sweet ka. Hahaha. Good morning too." nag-palitan lang kami ng mga ngiti saka kami nag-simulang mag-luto.

Kathryn's Point of View

Nag-hahain na kami nang mag-simulang magsibabaan ang mga tao sa bahay. Magkasabay na bumaba ang dalawang girls at si JC.

"Good morning guys, kain na kayo." binigyan ko sila ng plato at kubyertos.

Bumaba na din si Mama at Papa kasunod si Tita na karga si Jordan.

"Good morning! Kain na po kayo. Tita, kain na po. Ako na bahala kay Jordan." pag-asikaso ko sa kanila.

"Hindi na, ako ang bahala. Kumain ka na lang para makapag-bihis ka na." hindi na lang na ko nag-pumilit at sinunod na lang si Tita.

"DJ, kain na." aya ko sa kanya. Umupo na siya sa tabi ko at kumain na kami.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now