Chapter 5

11K 220 5
                                    

Chapter 5 – Tita Vice on the House

 

 

Kath's point of View

 

 

Papunta kami ngayon sa reception hall, ang ganda ng place entrance pa lang ang ganda na. nabanggit na din ni DJ na, may mga nag-prisinta nang ninong at ninang. Ngayon reception, food, souvenirs at ung mga echos pa hahaha.

Kath:"Ano po double celebration. Christening and birthday. First birthday po." Naramdaman kong inalis ni DJ ang kamay niya sa bewang ko. Medyo na disappoint ako. Pero palihim akong napa-ngiti ng hinawakan niya ang kamay ko.

Grabe Kathryn feeling teenager ah!!

Mrs. Hidalgo:" Ahh. First birthday ng baby niyo." Sasagot pa sana ako na hindi namin anak si Jordan ng ipagpatuloy niya ang pagsasalita. "Ow, by the way. So Mr and Mrs. Adison this is our hall fully furnished na ang buong place. Then may kitchen naman dito kompleto din ung mga gamit. Pero kung magpapa-cater kayo may lugar din dito. Kasi kung kayo ang unang gagamit nito, for free kasi susubukan muna naming kung may mga gagamit nito."

Natapos ung pag-lilibot naming sa place, maganda naman siya. Tsaka libre naman daw eh. Nung una ayaw ni DJ gusto niyang bayaran nakakahiya daw kasi pero ok lang daw kay Mrs. Laida regalo na daw niya sa baby namin (Maka namin eh). Paalis na kami at babalik na muna kami sa bahay kasi malapit na ding mag-gabi. Nang matapos kaming mag-dinner nag-usap kami tungkol sa give aways. Nag-kasundo kami sa rosary para sa christening bukas pa kami mag-titingin ng give away para sa birthday. Natapos kami ng 9 pm sa pag-gagawa ng handwritten invitations para sa mga ninong at ninang. Hindi naman nasa isang simpleng papel lang. Invitation siya pero 'yung sulat sa loob handwritten. Naka-sandal lang ako sa head rest ng sofa ganun din si DJ.

"Ganito pala ka-hirap mag-prepare ng party. *sigh*" sabi ni DJ,tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Pero kapag nakikita mo na kung papano sasaya ung si Jordan, matatanggal na yan."

"Tama.." tatayo na dapat ako ng biglang humiga si DJ sa lap ko. Umayos siya ng pwesto at pumikit.

"Antok ka na pala eh. Tumulog ka na sa kwarto mo.. Huy..DJ.. Dun ka na sa taas.. Hala, tulog na talaga. Tsk." Napa-tingin ako sa orasan 10 pm na.

Nang napatingin ako sa muka ni DJ, napa-ngiti ako bigla. Gwapo niya kasi talaga, halos sa kanya minana ni Jordan ang mga features niya. Sinuklay-suklay ko ung buhok niya hanggang sa di ko napi-gilan ang antok. Naka-tulog ako.

 

 

 

 

 

(Time Check: 5pm)

 

 

Naka-tambay kami nila DJ at baby sa may Veranda naka-hoodie kaming lahat ung binili naming sa store ung may initials namin. Ang cute naming tignan lalo na si Baby Jordan. Di ko pa din pinapansin si DJ, naiinis pa din ako kasi kanina pa siya nang-aasar. Tinutukso niya ako na may gusto daw ba ako sa gwapo naming kapitbahay. Ako naman madaling mag-init ang ulo kasi may period. (-_-)

"Kathhhh.. sorry na talaga. Pansinin mo na ako. Oii!!" aniya at inalog-alog pa ako. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil naman siya kaagad,naka-kanlong kasi si Jordan sa kanya at naka-titig lang si baby samin.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now