Chapter 23

6.7K 158 7
                                    

Upadate ulit. Hahaha. Na-dismissed kami kanina, nakapasok pa. Sayang pamasahe.
Pagbabaliktanaw lang 'to sa nakaraan ni Ella at Daniel kaya maikli lang. Si Ella ay kathang isip lang.

Chapter 23

"Daniel, kanina pa ang titig mo d'yan kay Ella ah." puna ng kaibigan ni Daniel, si Mark.

"May gusto si tropa kay Ella. Hindi malapitan, bantay sarado ng ex." biglang napatingin si Daniel sa isang pang kaibigan, si JV.

"Ex?" gulat na tanong ng binata. Ibinalik niya ang paningin sa dalaga na panay ang inom ng alak.

"Hindi mo pa ba alam? May kumalat na scandal sa kanila diba. Dahil sa kahihiyan nung shota niyan hiniwalayan. Pinalabas pang ginamit niya lang si Ella. Kawawa nga eh." sagot ng kaibigan.

Hindi mapigilan ng binata na magalit sa dating nobya ni Ella. Napaka-gago nito para saktan ang isang katulad niya. Sa pagkakataong ito ay parang gusto niyang suntukin ang dating nobya ng dalaga dahil sa ginawa nito.

Lumalim ang gabi at mas lalong naging magulo ang mga kaibigan dahil sa presensya ng alak sa mga katawan nila. Naisipan nilang mag-laro at ang una nilang sinubok ay si Daniel na nanahimik sa isang tabi habang binabantayan ang dalaga.

"Daniel, dine-dare kitang ubusin ang alak ni Ella." sabi ni JV. Bahagyang napalunok ang binata dahil hindi siya sanay mag-inom.

"Pare, hindi ako umiinom." pagtanggi ni Daniel. Gusto din sana niyang uminom pero nang malaman niyang nandito ang dalaga mas pinili niyang bantayan na lang ito sa malayo.

"Hindi ka ba naaawa kay Ella? Kanina niya pa iyon iniinom. Tulungan mo na." itinulak siya ng kaibigan papalapit sa dalaga.

Nang magkatabi sila, ngitian siya ni Ella pero halata dito ang lungkot. Iniabot ni Ella ang basong may lamang alak. Kinuha niya iyon at ininom ng dire-diretso. Halos mapasuka siya sa tapang at pait ng alak.

Naghiyawan ang mga kaibigan at binigyan pa siya ng marami pang shot

Lumipas ang magdamag ng hindi niya nalalaman ang kanyang ginagawa. Nakagawa siya ng kasalanan.

Nagising siya na tila tinatadtad ang kanyang ulo sa sakit. Napansin niya ang babaeng katabi niya na umiiyak.

Napabalikwas siya sa gulat, hindi niya alam ang gagawin. Ang una niyang naisip ay ang ina, nagkasala siya.

"Sorry, Ella. Hindi ko sinasadya." pag-alo niya sa dalaga.

"Natatakot ako." iyak ng dalaga.

Hindi magawang malapitan ni Daniel ang dalaga dahil sa kahihiyan.

"Hindi. 'Wag kang matakot, hindi kita sasaktan." kinakalma siya ng binata.

"Iniisip mo na siguro, napaka dumi kong babae." pahayag ng dalaga. Hindi na lang muna umimik si Daniel para makinig sa sasabihin niya. "Wala namang nangyari sa amin ni Jack eh. Hindi ako 'yung nasa video. Babae niya iyon. Hindi ko alam kung bakit niya ako siniraan sa lahat. Wala akong ginawang masama. Pero ito ako ngayon, nasa kama ng isang estranghero. Napatunayan ko nang madumi ako." hindi na napigilan ni Daniel at nilapitan niya ang babae at niyakap upang pakalmahin.

"Hindi ka maduming babae. Nagkasala ka lang. Nagkasala tayo. 'Wag kang mag-alala, pananagutan ko kung may mabuo man."

Lumipas ang walong buwan at hindi nga nag-kamali ang binata. Nagkameron sila ng anak, ngunit hindi nagpapakita dito ang dalaga. Hindi kayanin ng kosensiya niya ang iwan sa ere ang dalaga kaya gumawa siya ng paraan para magkita siya.

Isa sa mga kaibigan niya ang naka-alam ng kinaroroonan. Nagpasama siya dito at nagulat na lamang nang dinala siya sa simbahan.

Pumasok siya at nakita niya ang dalagang naglalampaso ng sahig. Kahit pawisan at may malaking umbok sa tiyan ay hindi pa din maitatago ang ganda nito.

"Ella." lumuhod siya at tumapat sa dalaga. Bakas sa muka ang pagkagulat ng makita ito

"Daniel, anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ng dalaga.

"Ikaw anong ginagawa mo dito? Bakit bigla ka na lang nawala?" mangiyak-ngiyak na pahayag ng binata.

Inalalayan niyang maupo si Ella sa isang upuan.

"Mas pinili ko na lang lumayo para hindi ko masira ang buhay mo. Ok naman kami dito eh." napailing si Daniel at hindi tinanggap ang sinabi ng dalaga. Kasali siya nang nangyari iyon, nararapat din lang na kasama din siya sa pag-hihirap ng dalaga.

"Anak ko din 'yan. Resposibilidad ko 'yan. Kayong dalawa." pakiusap ni Daniel.

"Daniel, hindi ko naman ipagkakait sa'yo 'yung bata. Besides alam mo na din naman. Hahayaan kong bisitahin mo kami pero dito lang kami."

Ganoon nga ang nangyari, binibisita siya ni Daniel tatlong beses sa isang linggo. Hanggang sa naka-graduate siya ganoon pa din ang ginagawa niya.

Nakakuha na siya ng board exams, at kabuwanan na din ni Ella. Hindi maitago sa kanya ang pagkasabik na makita ang anak. Pero kapag naiisip niya ang Mama niya, hindi niya din maiwasang mangamba dahil hindi pa nito alam na nakabuntis siya.

Papauwi na siya ng bahay ng makatanggap siya ng tawag na manganganak na si Ella.

Dali-dali siyang nag-punta sa isang maliit na ospital. Pero pagdating niya doon ay nagimbal siya sa nalaman. May sakit sa puso si Ella.

Ipinatawag siya ng babaeng nag-paanak sa dalaga. Humihina ang pintig ng puso nito.

"Dan-Daniel." nahihirapan na ito sa pagsasalita. Nanghihina na siya.

"Ella, bakit hindi mo sinabi na may sakit ka? Ok ka pa naman diba?" nag-aalalang tanong ni Daniel.

"Daniel, sorry. Kung iiwan ko. Kayo ni baby." pahina na ng pahina ang boses niya.

"Teka, 'wag. Kailangan ka ng baby natin. Lumaban ka." mangiyak-ngiyak na pahayag ng binata.

"DJ, hindi ko. Na kaya. Alagaan mo. Ang baby natin. Mahal na mahal ko kayo. Humanap ka ng babae na aalagaan kayo, 'yung mamahalin kayo." bilin niya pa kahit hirap na hirap na siyang mag-salita.

"Hindi. Ayoko. Ikaw ang kailangan namin ni baby. Ella naman eh." umiling si Ella at tumulo ang mga luha niya pati na rin ang kay Daniel.

"Hindi ko na kaya. Mangako ka, mamahalin mo 'yung anak natin. Alagaan mo siya." umiling ang binata at muling pinakawalan ang mga luha.

"Please, 'wag mo nang pahirapin ang pag-alis ko. Daniel." halos bulong na lang ang naririnig niya.

"Promise. Aalagaan ko siya."

Makalipas ang ilang oras ng pilit na paglaban ay pumanaw din si Ella. Hindi na ibinurol ang labi ng dalaga dahil walang pondo ang ampunan kaya sa mismong araw na namatay ito ay 'yun din ang araw na inilibing ito. Iyon na din ang huling pagkakataon na makikita niya ang anghel na nag-iwan pa ng isang anghel na biyaya ng Diyos sa kanila.

~'~'~'~'~'~'

Votes, comments and being a fan is highly appreciated.

❤Alyssaxx

©2015

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now