Chapter 44

6.6K 164 9
                                    

Chapter 44

Kathryn's Point Of View

Kakauwi lang namin galing sa mall, hindi na din kami masyadong gumala dahil nga nauna si Vice na dumating sa bahay. Nakakahiya naman kung pag-iintayin namin.

"Oyy!! Buti na naman at nakauwi na kayo. Gusto ko sanang makausap si Kath." bungad ni Vice sa amin.

Sa kitchen na lang kami nag-usap dahil mukang importante at ayaw magpaabala. Si Daniel naman ay sa kwarto ni Jordan.

"Kath, alam mo naman siguro na nagva-viral na ang mga pictures niyong pamilya." pahayag na na sadya namang ikinagulat ko.

"Ano? Anong viral? Kami?" nag-aalangan kong tanong.

"Oo! Ano ka ba?! Madalas kang mag-post ng picture niyong tatlo. Tapos 'yung mga cute videos ni Jordan. Madaming taong natutuwa. Dahil ako naman ang nagpasimuno 'nun, kaya ngayon may gusto akong i-alok sa'yo." sabi niya.

Oo, madalas akong mag-post ng pictures namin. Hindi ko naman tinitignan ang mga comments at likes eh. Malay ko ba na kumakalat iyon.

"Talaga? Ano?" tanong ko.

"Gusto mo bang maging cover ng magazine? Sa katunayan ipinasadya ka sa akin ng organizer. Napansin kasi niya na may potensyal ka." alok niya.

Agad akong nakaramdam ng excitement. Secret dream ko din kasi ang isang 'yun.

"Di nga? Grabe naman. Anong magazine?" excited kong tanong.

"Ahm. FHM." nawala bigla ang ngiti ko. Naalarma naman ata siya. "Hindi. Wait. FHM siya, oo. Pero promise hindi ganoon ka-daring ang mga ipapasuot sa'yo. Sexy lang ganun." sabi niya.

"Vice naman. Kilala mo naman si Daniel diba?" si Daniel kasi talaga agad ang pumasok sa isip ko. Napaka-konserbatibo ng tao.

Napansin kong napa-isip din siya. Pero nakakahiya namang tanggihan dahil bukod sa ipinasadya ako, si Vice pa mismo ang nag-punta dito.

"Hindi naman ito sapilitan. Nagtatanong lang ako, baka gusto mo. Pag-isipan mo pa rin." suhestyon niya.

"Salamat pa din Vice sa pagpunta at sa abala. Pero pag-iisipan ko pa din." sabi ko.

Nagpaalam na din siya dahil may trabaho pa daw siyang gagawin. Grabe, parang nakaka-hiya naman kung tatanggi ako. Imbis na nagpahinga 'yung tao, sumadya dito sa bahay.

Biglang tumabi sa akin si Daniel. Kaya napa-ayos ako ng upo.

"Tulala ka. Bakit? Anong ginawa sa'yo ni Viceral?" maangas niyang tanong. Inilapit niya ang upuan sa akin.

Umiling ako.

"Medyo napagod lang. Si Baby ko? Si Tita?" tanong ko.

"Tulog po parehas." sagot niya.

Humarap ako sa kanya at tinignan siya diretso sa mata.

"DJ, diba sabi mo susuportahan mo ako sa lahat ng pangarap ko?" tanong ko.

"Oo naman. Mahal kita eh." sabi niya at hinalikan ang buhok ko.

"Kung... Kung sabihin ko bang gusto kong mag-pose sa FHM papayag ka?" bigla siyang napa tigil at nag-seryoso. Lalo tuloy akong natakot kung sakaling tanggapin ko 'yung offer.

"Kath, diyan naman ako hindi papayag. Mag-cover ka na sa lahat ng magazine huwag lang sa mga mens mag." tumayo siya at dumiretso sa ref.

Napa buntong hininga ako. Pano ba 'to?

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें