13

3.5K 219 9
                                    

"Dahil sa pagod kaya siya nawalan ng malay" sabi ng doctor matapos i check ang pulso ko




"Doc, how about his breathing? Pangalawang beses nang nangyari ito...kapag nawawalan siya ng malay hindi siya humihinga" ani naman ni Saint




"Base sa pag check ko sa pag hinga niya wala naman siyang hika, sa ngayon muna ay tutukan niyo siya dahil baka maulit ulit ang nangyari ngayon iwasan na mag isa siyang magtaas baba sa hagdan...guide him" nilapag ng doctor ang mga gamot sa gilid ng lamesa "sige makakaalis na ako, kapag may kailangan ka Saint, just call me"




"Yeah, thanks..."




Nang makalabas ang doctor ay nagkatinginan kaming dalawa ni Saint, nginitian ko siya ngunit nawala din iyon ng makita siyang mariin na nakatitig sa akin tila binabasa ang kaluluwa ko
Bumuntong hininga ito saka hinawakan ang aking kamay at hinila ako papalapit sa kaniya, lumabas kami ng kwarto ko at pumasok sa kabila which is kwarto niya, napataas agad ang kilay ko ng makita ang lahat ng mga gamit kong nasa gilid may kini bed na din sa tabi ng kaniyang kama at may ilang mga pambatang stuff toys, what the hell?




Pumasok si Plata na may dala dalang box kung saan nandoon ang mga damit na binili sa akin ni Saint don't tell me dito ako matutulog sa kwarto niya? Lumapit ako sa mini bed saka umupo...malambot ang kama ko ang sarap humiga, malamig din ang kwarto niya.




Dumiretso ito sa kaniyang table at napahilot ng sintido kaya nilapitan ko siya, wala naman akong malalang sakit at tsaka hindi pa ako mamamatay lihim ko itong inikutan ng mata bago ako umakyat sa kaniya at umupo sa kaniyang mga hita, inihiga ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib na kasing tigas ng bato...mas lalo ko pang dinikit ang sarili ko sa kaniya to make him feel comfortable and to ease his concern




"Bakit hindi ka pa nagkakaroon ng permanent girlfriend?" I suddenly asked




I heard his cursed saka ako paupong hinarap sa kaniya




"Ang bata bata mo pa iyan agad ang iniisip mo?" Kunot noo niyang sabi





Nagkibit balikat ako at hinawakan ang kaniyang kamay na nasa pisngi ko.




"Im just asking, sabi ni Plata kaya daw malungkot ang ilang mga tao sa mundo dahil wala daw silang kasangga sa buhay, mas maganda daw na magmahal ka ng isang tao at ingatan dahil ang taong iyon ang magbibigay kulay sa buhay mo" i said innocently




"Bakit? Sa tingin mo ba ay hindi mo binibigyang kulay ang buhay ko?"




"Huh?"




"You always give me the brightness, the happiness.....i don't need anyone"




"Am i the only one for you?" Namumula kong tanong




Hindi ito sumagot kaya kagat labi ko na lamang siyang niyakap, rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya it gives me chills, tinapat ko ang palad ko sa dibdib niya at pinikit ang aking mata para mas lalong mapakinggan at maramdaman ang tibok ng kaniyang puso, i love the sound of his heart...



Ang malamig na paligid ay biglang uminit dahil nasa bisig niya ako, nararamdaman ko ang minu minuto nitong paghalik sa aking bunbunan na kinangingiti ko...




Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang si Cross na iniinis niya at ang Cross na nasa bisig niya ay iisa lamang? Well...hindi niya malalaman kapag walang magsasabi, for me i think mas magandang lihim nalang ang lahat, ayokong magalit siya sa akin o maguluhan.




Bumaba na ako sa hagdan dahil tulog na si Saint, tinulugan niya ako kaya wala na din akong choice kundi lumabas ng kwarto niya, natigilan ako ng makita ang isang lalaking matanda na nakaupo sa sala...nagtama ang  mata namin pinasadahan niya ako ng tingin, kukunin na sana ako ni Luca ng pigilan siya ng matanda




Kahit saang anggulo mahahalatang siya ang ama ni Saint.




Anong ginagawa niya dito?




Taas noo akong lumapit sa kaniya at umupo sa kaniyang harapan




"Sino ka naman?" He asked




"Im Cross po" yumuko ako at muling inangat ang ulo "natutulog pi si Master kaya pwede po bang mag usap tayong dalawa?"




"Great, binisita ko lang ang mansion ng magaling kong anak...halika sumama ka sa akin ayokong maabutan niya akong nandito dahil wala ako sa wisyong makipagsagutan sa kaniya"




Nagdadalawang isip pa akong sumakay sa van na nasa harapan ko ngayon...kailangan ko siyang makausap para maayos na ang lahat, napapikit ako bago pumasok sa loob ng van, inalukan niya ako ng maiinom pero umiling lang ako saka tumingin sa bintana




Ilang minuto ang lumipas bago tumigil ang van at sumabay ako sa kaniyang bumaba, nasa coffee shop kami malapit lang sa subdivision ni Saint




"Shoot" he said




"Huwag po sana kayong magalit sa akin...mabait po si Master, maalaga, siya po yung tipo ng taong hindi showy pero ang pagmamahal niya sa isang tao ay pinararamdam niya sa pamamagitan ng kilos"



"Anong gusto mong iparating?"




"N...Narinig ko po ang kwento niyong mag ama kung bakit kayo magkaalitan, Sir....sana po ay magka ayos na kayong dalawa, mabigat po sa kalooban ni Master ang galit mo sa kaniya, masakit po para sa isang anak na tratuhin siya ng kaniyang ama na para bang hindi kadugo, kayong dalawa nalang po ang mayroon ang isa't isa...may binibigay po talagang pagsubok sa atin ang panginoon bigla nalang niyang ipaparamdam sa atin ang sakit at bibigyan tayo ng trahedya...he's testing us..para bang binibigyan niya tayo ng aral----"




"Sa edad mong iyan marami kang alam" putol nito sa sinasabi ko "walang patutunguhan ang sinasabi mo, you're out of this...wala siyang kwentang anak, hindi ko siya kadugo, nagsisisi akong binuhay ko pa ang isang katulad niya, simula ng mawala----"




Tumayo ako at tinignan siya ng mariin.




"Hanggang kailan mo pagbibintangan ang sarili mong anak sa pagkawala ng asawa mo?" Nabigla ako sa pagtaas ng boses ko ngunit pinili ko na lamang patatagin ang loob ko "ikaw ang ama ngunit umaasal kang parang walang pinag aralan"



"Bumganga mo bata!!" Dinuro niya ako, ang panga nito ay nag iigting sa galit "tignan mo, ang dugo ng lalaking iyon ang dumadaloy sa katawan mo, nababahidan ka na niya ng kasamaan!!"



"Mawalang galang na po, pero sa inyong dalawa ni Master kayo po ang nagmumukhang masamang tao, sana po ay dumating ang araw na malinawan po kayo..ang nararamdaman niyo po ngayon ay dala lamang ng kasawian sa minamahal, huwag po sanang dumating ang araw na magsisi kayo"





(Be safe)

The Cursed(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon