35

3.4K 227 55
                                    

"Um amor verdadeiro X"


Napatingin sakin si Micro.


"Nakakain ka ba ng panis?" He asked


"Bakit?" Kunot noo kong tanong


"Kanina mo pa binabanggit yang.....um lemor balbino? Baldon? Bardin?" I sighed.


"It's um amor vardadeiro x" sabi ko sa kaniya


He tsked and grab his head pillow "saan mo nanaman nakuha yang salitang yan?"


"Pero alam mo ba yung tinutukoy ko? O kahit pamilyar lang sayo?"


"Bobo ako" ani nito na kinatango ko


"Buti alam mo"

Ang papasarang mga talukap ng kaniyang mga mata ay biglang dumilat at tinignan ako.

"Tong batang to, pinagtatanggol kita sa mga nang aapi sayo tapos gaganiyanin mo lang ako? Aba mali ata yan....magkakampi tayo" nagsisimula nanaman siyang mag drama

Maasim ang mukhang tinapik tapik ko ang kaniyang likuran at sinabayan na din siya sa pag dadrama, hindi alam ni Micro...kung tanungin ko kaya si Elix? Kaso ay baka tulog silang dalawa ni Etika sa loob ng cabin ng yate, alam kong hindi din alam to ng trio lalo na si Manang Flora.


Inalis na ni Micro ang kamay kong tumatapik talik sa kaniya, sumandal ako sa kinauupuan....kapag nalaman ko ang ibig sabihin ng Um amor Verdadeiro at hindi nanaman ako makakabalik sa dati dahil may iba nanaman akong kailangan gawin ay talagang sasabunutan ko na ang buhok ng fairy na iyon o kaya ay tatanggalan ng mga mata, she can't do this to me o kahit na yung master man niya o kung sino pa man, malinis ang ginawa kong misyon kung saan pagbatiin ang mag ama kaya dapat ibalik niya na ako sa dati.

Biglang pumasok sakin ang sinabi nang fairy na kapag nalaman ko ang ibig sabihin nang um amor verdadeiro ay pwede akong humiling sa kaniya l kaya mag request.


Ano ang hihilingin ko?

Nakasakay na pala kami sa yate, kakasakay palang...nandito kami ni Micro sa labas ng yate may silong kaming dalawa kaya hindi kami nasisinagan ng araw, tulog ang iba at alam kong tulog din si Saint at si Javica.

Siguradong magkatabi silang dalawa!


Yun pang si Saint baka kunyari ayaw ayaw niya pero deep inside gusto niyang makasama nang solo, nakakalimutan ko na atang may pag ka babaero siya, tsk.

Ipapatira si Javica sa mansion dahil sinabi nitong buntis siya at si Saint ang ama! Nadagdagan ang galit ko nang malaman may nangyari talaga sa kanilang dalawa bago kami pumunta dito sa isla, saan kaya sila nag sex? Kasi hindi ko naman nakikita si Saint na umuuwi na kasama si Javica.

"Paano kung nagsisinungaling si Javica?" Siniko ko si Micro

"Maghintay nalang ng siyam na buwan---"


"Kilala mo si Saint diba? Sabi mo matagal na kayong magkaibigan at alam mo ang mga ginagawa niya" ani ko habang sinisiko siya

Lumayo ito sakin at prinotektahan ang sarili sa paniniko ko.


"Inako naman niya na may nangyari sa kanila eh" sabi nito


Alam na ni Micro ang nangyari kagabi dahil kinuwento ko, sa kwarto kasi ako ni Micro nag stay dahil sinabi ni Frederick na pag isahin na ang kwarto nila Saint at Javica, kailangang mabantayan si Javica dahil buntis ito at baka may mangyaring masama katulad nang baka madulas o kaya mapaupo nalang bigla.

The Cursed(COMPLETED)Where stories live. Discover now