34

3.2K 208 113
                                    

Tumingin muna ako sa paligid, nang makasiguradong walang tao ay pumasok na ako sa loob ng opisina ni Frederick, wala pa siya..mukhang nasa sala o nasa kusina pa, walang ingay na sinarado ko ang pintuan at naglakad patungo sa lamesa.



Alas otso na ng gabi, kakatapos ko lang maligo...kaya tumutulo ang mga butil ng tubig galing sa buhok ko pababa sa leeg. Ilang minuto pa ang lumipas nang bumukas ang pintuan kaya agad akong nagtago sa ilalim nang lamesa, narinig ko ang pag dighay ni Frederick kaya sinilip ko siya, nakaupo ito sa sofa habang may hawak hawak na dyaryo.


Nang makitang wala itong kasamang pumasok dito sa loob ng opisina ay agad na akong lumabas sa pinagtataguan, napatingin agad siya sakin at kumunot ang noo.


"Anong ginagawa mo dito?"



Hindi ako nagsalita, yukong lumapit ako sa kaniya nang nasa harapan na niya ako ay hinayaan kong iluhod ang aking mga tuhod.


"Bata, mas mabuting matulog ka na, wala akong planong makipag usap sayo"


Umiling ako nang senyasan niya akong tumayo.



"Pakinggan niyo po ako" tinaas ko ang aking mukha at tinignan siya sa mga mata "alam kong ikaw ang dahilan kung bakit engaged na sila Javica, hindi niyo man lang tinanong kung ayos lang kay Saint ang lahat ng to...bakit kayo ganiyan? Sinabi ko na sa inyong hindi ako mapapagod hindi ako matatakot na paulit ulit na ibigkas ang pangalan ni Saint sa harapan niyo at sa lahat ng pagdudusang ibinibigay niyo sa kaniya"


Tinaas nito ang isang kamay at handang lapatan ang aking pisngi ngunit hindi ako natinig sa harapan niya.


"Ang mom ko wala siyang ibang ginawa sakin kundi mahalin ako at alagaan ngunit ang ibinibigay ko lang sa kaniya ay sakit ng ulo, sinisigawan ko siya...hindi sinusunod, nagrerebelde ako alam kong nalilito kayo sa sinasabi ko kung maaari lang na sabihin ko sa inyo ang totoo ay matagal ko nang ginawa, ngunit sa lahat nang masasamang ugaling pinakita ko sa kaniya hindi siya sumuko sa akin, hindi niya ako pinabayaan, mahal niya pa din ako....katulad ni Saint kahit na anong gawin mo sa kaniya kahit pahirapan niyo siya kitang kita ko at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya pa din sayo"


Sa galit nitong mukha hindi nakatakas sakin ang paglamlam ng mga mata niya.



"Kalimutan nalang po natin ang lahat, hayaan niyo nang kumilos si Saint nang mapayapa at magdesisyon ng mapayapa, kung nabubuhay pa ang asawa niyo sigurado akong hindi niya magugustuhan ang nangyayari sa inyong mag ama"


Tumayo ako, hindi inaalis ang mata sa kaniya.



Kinuha nito ang wine na nasa ibabaw ng lamesa at inisahang lagok.


Nakakita ako ng bamboo stick na nasa loob ng vase kinuha ko iyon at binigay sa kaniya, tinigna  niya lang ang hawak ko.



"Sa akin niyo nalang po ilabas ang lahat ng galit niyo kay Saint, tatanggapin ko ang lahat nang hampas niyo sa akin." Kinuha ko ang kamay nito at nilagay don ang hawak na bamboo stick "isang buhay lang ang binigay satin nang diyos, treasure the moment with him."


Tumalikod ako at hinintay siyang paluin ang aking likod ngunit ilang segundo ang lumipas katahimikan lang ang nangibabaw...kaya dahan dahan akong lumingon sa kaniya, nakasandal na ang ulo nito sa headrest ng sofa at hinihilot ang sintido.




"Matigas talaga ang ulo mo" he said "ganiyang edad ni Saint wala siyang ibang ginawa kundi manood ng mga karera, lagi kong pinapanood kung paano ito umakyat sa stage at bigyan ng parangal, lahat nang pagsubok niya ay nasa malayo ako at pinapanood siya ng palihim..." tumingin ito sa akin "matagal ko nang tinanggap ang lahat"



The Cursed(COMPLETED)Where stories live. Discover now