24

3.3K 213 16
                                    

Ilang araw ang lumipas nang muli akong bumalik sa klase, nakaupo nanaman ako sa gilid at napapalibutan ng mga batang parang nakalunok ng mikropono sa sobrang lalakas ng mga boses, bumuntong hininga ako at pinagpatuloy ang pagkukulay sa litratong nasa bond paper.


"Teacher im finish na po" rinig kong sabi ni Etika


Wag kang lumapit sakin, wag kang lumapit sa akin



Ilang beses ko iyong inulit sa isipan ko ngunit nabigo lang din ng makita itong nasa harapan na nang lamesa ko at nakangiting tinutulungan ako sa pagkukulay, i cross my arms and lean on my chair. Look at this girl...di ba niya narinig ang sinabi ng teacher namin kanina? Individual works! Why is she helping me?!



"Ako na" inis kong sabi at inagaw sa kaniya ang krayola ko


"Let me help you Crossy" she said


"Stop it Etika" kinuha ko ang mga pinagkukuha nitong mga krayolang nasa ibabaw ng lamesa ko "teacher!!" Sigaw ko



"What's happening?" Lumapit sa amin si teacher



"Inaagaw niya mga crayons ko!" Inis kong tinuro si Etika na papaiyak na


Mukhang napahiya eh.



Ang kulit kasi, tsk.


Wala naman akong sinabing tulungan niya ako, pwede naman siyang makipaglaro sa mga batang katulad niyang pasaway at nakakainis, binalik ko sa lalagyan ang mga krayola at inis na binigay sa teacher namin ang bond paper.



"Hindi pa tapos to Cross" the teacher said


"I don't care!" I shouted "i hate here!!"


Bakit? Anong nangyayari sa akin? Hindi ko makontrol ang sarili kong katawan....napatigil ang mga kaklase ko sa paglalaro at doon ko namalayan na malalakas ang ginagawa kong pagsigaw at pag iyak, nakakalat na ang mga gamit ko sa sahig dahil sa pagwawala ko at gusto ko nang umuwi, what's happening?




Bakit umaasal akong bata? Pinilit kong tumigil sa pag iyak ngunit unti unti akong kinakain ng pag iisip ng isang bata. Im acting like a goddamn three years old right now!




"I want to go home!!" Malakas na sigaw ko



"Ano bang nangyayari sayo Cross?" Napamura ako sa isipan ko ng bigla nalang umangat ang dalawa kong kamay at itulak ang teacher namin ng makitang lumapit ito sa akin para patigilin ako



Hindi ako ang may gawa niyan!



May kumokontrol sa kilos at pag iisip ko!




"Ok, ok calm down, tatawagin ko na guardian mo ok?" She said calmly at kinuha ang telepono




Umiiyak akong umupo sa sahig at patuloy pa din sa pagwawala, sinubukan kong magsalita ng maayos ngunit nabubulol na lamang ako.....



Tumigil ang paligid, tumigil ang oras...tanging ako lang ang gumagalaw at hindi pa din natigil sa pag iyak, i try to stand up ngunit hindi ko magawa, malambot ang mga tuhod ko para makatayo mag isa, napapikit ako ng may biglang lumiwanag ang nasa harapan ko sa pagdilat ng mata ko nakita ko ang malungkot na mukha ng fairy ang sumumpa sa akin.



Hindi ako makapag salita, kaya inangat ko na lamang ang isa kong kamay....bukas at sara ang tanging kilos ng kamay ko.



"Cross...." malungkot ang tinig nito




What's happening?




Kinarga niya ako at pinunasan ang basa kong pisngi.




"Patawad Cross, ngunit binago ang sumpang binigay ko sayo, binago ng mga namumuno sa amin ang sumpang binigay ko sayo" ang maganda nitong mga mata kumintab kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha "kailangan mo nang ipag ayos ang mag ama, dahil kung tumagal pa ang mission mo, hindi ka na mababalik pa sa tunay mong anyo ang mas malala aakto ka na sa edad mo ngayon...kikilos ka nang parang isang bata, mabubura lahat ng ala ala mo. Magiging isang tunay ka nang bata Cross" muling nagsituluan ang kaniyang mga luha




Tumatakbo pa ng maayos ang isipan ko, ang emosyon at Katawan ko ay hindi ako ang kumokontrol....nakangiti ang aking labi habang pinaglalaruan ng isa kong kamay ang magandang buhok nito.



"Patawad Cross" dahan dahan na niya akong binaba




No....no....don't leave me, help me. Hindi pwede to.




Dumulas sa maliit kong kamay ang malambot at maganda nitong buhok, lumayo ito ng unti sa akin at kumaway, muli akong umiyak ng malakas...ang isip ko ang blangko, hindi ko alam ang gagawin ko.



Bumalik na sa dati ang lahat, ilang minuto ang lumipas tumahan na ako...pulang pula na ang buong mukha ko, pati na din ang ilong at mga mata.



"Where is he?!"



iangat mo mukha mo!



Utos ko sa sarili kong katawan, ngunit hindi nakinig, nanatiling nasa mga krayolang nagkalat sa sahig ang atensyon ko.




"Cross!" Nagulat ako ng kargahin na lamang ako ni Saint



"S...Swent" bigkas ko sa pangalan niya, kumunot ang noo nito




"What happened?" Nilingon niya ang teacher ko




"Bigla nalang siyang umiyak ng malakas at nagsimulang magwala" ani nito



"This is my fault" lumuluhang ani naman ni Etika "i just want to help him ehhh"



Nag igting ang panga ni saint, ang mga kamay ko ay marahang tinatapik tapik ang pisngi nito, damn. I can't really control my own body!




Kinuha ni Saint ang bag kong nasa upuan ko pa at lumabas na kami ng classroom




"Swent, swent" alam kong naguguluhan na siya sa kinikilos ko




"Talk properly Cross, what's happened?"




Akala ko ay iuupo niya ako sa tabi ng driver seat ngunit inuupo niya ako sa hita niya kaya nasa harap ko na ang manibela ng sasakyan at muli nanamang gumalaw ang katawan ko at pinaglaruan ang manibela




"Cross? Cross?!"




I can't talk with you Saint....



"Hey...." pinaharap niya ako ng upo at ginulo ang aking buhok "relax kiddo....relax"



Napatigil ang katawan ko ng lumapat ang aking palad sa dibdib nito, bigla bigla ko na lamang nababalik sa kontrol ang katawan ko, napakalma ng tibok ng puso niya ang sarili ko mismong katawan....nagtama ang mata naming dalawa, ngumuso ako at doon muling umiyak, ako na mismo ang umiiyak...emosyon ko na at hindi na iba ang kumokontrol.



"Hushh"



"I.....Im s...sorry" i said while sobbing




"It's ok, just stay calm....were going home, ok?" Tumango ako



(Stay safe everyone!!)







The Cursed(COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara