39

3.6K 236 107
                                    

"Saan ka nanaman pupunta?" Lumapit sakin si mom at inayos ang hindi ko pa nabubutones na polo.


Matapos nitong ayusin ang polo ko ay sabay kaming umupo sa sofa, bumuntong hininga ako at pinakakalma ang sarili....plano ko nang sabihin kay mom na hindi ako straight, na may lalaki akong magugustuhan at hindi ako mapapagod na habulin ang lalaking iyon hanggang bumaba ang pride niya at amining gusto din niya talaga ako.


Bat pa niya kasi pinahihirapan ang sarili niya? Inamin na nga niya sakin noon na ma gusto siya sakin, tsk ang lalaking yun ang sarap din minsang kaltukan.



Tinignan ko si mom at hinawakan ang kaniyang kamay.



"Bat hindi ka pa umalis? Baka magabihan ka...." ani nito sakin



"May sasabihin ako sayo mom" ngumiwi ako, gamit ang isang kamay ay kinamot ko ang aking batok



"What is it?"



"Wag kayong magagalit, hindi ko naman ginusto na mangyari sakin to pero wala na tayong magagawa pa, naging ganto na ako, hindi ko na mapigilan pa, hindi ko din naman pwedeng iwasan ang nararamdaman ko----" natigil ako sa pagsasalita ng manlaki ang mata nito at madramang hinawakan ang kaniyang nakaawang na bibig


Kumunot ang noo ko "mom?" Tawag ko sa kaniya



"Goodness, are you sick?! Do you want to go to the hospital? Bat ngayon mo lang sinabi, a...ano nararamdaman mo? Saan ang masakit?" Pinatayo ako nito at pinaikot.



I gritted my teeth.



"Mom...." i hissed "im not sick!"



Bumalik ako sa pag kakaupo.



"Kung ganon ano yung sinasabi mo sakin?" Nagtataka na nitong tanong



"Im not straight, im BI" yumuko ako "or maybe im really a gay....but mom i only like one man, he's the only man that i like"



Nilapat nito ang isang daliri sa aking baba at pinataas ang aking nakayukong ulo, ngumiti ito at sinuklayan ang aking buhok gamit ang kaniyang mga daliri....



"Are you mad, mom?" Umiling ito



"Bakit naman ako magagalit? Hindi ako magagalit, tanggap ko lahat sayo, tanggap ko kung ano ka....because you're my son, wala akong hinihiling kundi kasiyahan mo, wag mong isipin na magagalit ako o ikahihiya kita, no," she hugged me "im proud to have a son like you"


"Mom...." niyakap ko siya ng mahigpit, pumikit ako at hinayaan ang aking luhang tumulo


Bigla kong naalala si Manang Flora, parehong pareho ang init ng yakap nilang dalawa ni mom.



--------


Pumasok ako sa loob ng bar kung saan nandito sila Saint, as usual dim ang lights at usok ng mga vape at alak ang naghahalo sa paligid, inis na pinatabi ko ang mga nakaharang sa daan at sinilip kung merong tao sa second floor, wala naman akong nakita kaya ngusong nilibot ko muna ang first floor halos lahat ng table at pinapasadahan ko ng tingin.



Wala pa ba sila? Akala ko nandito na sila.




Umupo ako sa island bench at nag order ng red wine, baka na traffic.


"Mag isa ka lang ba dito?" Umupo sa tabi ko ang isang babaeng pang lalaki ang gupit na buhok at nakasuot ng itim na tshirt at itim na pants



The Cursed(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon