42

3.7K 205 49
                                    

 "so..you're a gay?" tanong sakin ni Patrick habang naglalakad kami sa loob ng mall at naghahanap ng magandang bilihan ng mga damit.

Bibili na din ako ng susuotin ko para sa date namin ni Saint sa Monday, wala sana akong planong magsama ng tao sa lakad ko ngayon ngunit bumulaga naman tong lalaking to sa harapan ng kwarto ko at inaaya akong lumabas since wala daw siyang magawa at sarado daw ang mga club na malapit sa condo niya , wala din naman akong nagawa kundi isama siya dahil hindi nanaman niya ako titigilan, at ilang beses na niyang tinatanong sakin ang tanong na YOU'RE A GAY? Like what the hell sinagot ko na siya na bakla na ako pero kay Saint lang pero muli nanaman siyang nagtanong.

Bakit ko ba naging kaibigan ang lalaking to? Paano ko ba natanggap si Patrick sa circle of friends ko? Wala namang special sa kaniya, lasing ba ako ng maging kabigan ko siya?

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at hindi na siya pinapansin, pumasok kaming dalawa sa isang mens clothing at nagtingin tingin...

"sir, what do you want?"

Sasagot na sana ako ng nag ala kabute si Patrick sa harapan namin.

"you" he started to flirt again.

Hindi siya pinansin ng sales lady kaya napa hagikhik ako, serves him right, hindi lahat ng mga babae ay mapapakilig ng mga ganiyang banat.

Embarrassment covered Patrick face right now.

"I want a plain white shirt and a blue pants," sabi ko sa sales lady

"this way sir"

I raised my middle finger at Patrick bago sundan ang sales lady, natahimik tuloy malandi kong kaibigan, di kasi matigil ang bunganga.

Sinabi ko ang size ko at nang maibigay na sakin ang mga damit ay dumiretso ako sa fitting room at nagsimulang magsukat, napangiti ako at tinignan ang aking likod....bagay sakin, tsk lahat naman ata ng pasuotin sa isang kagaya ko ay bagay na bagay talaga.

"ang tagal mo" napaikot ako ng mata ng ilang beses kumatok si Patrick sa pintuan ng fitting room

"maghintay ka nga"

"ang tagal mo naman sampu ba yang sinusukat mo?"

"wala pa akong limang minuto dito sa loob" I hissed

Tinulak ko ang balikat ni Patrick ng buksan ko na ang pinto ng fitting room, he's bored, hindi niya kasi malandi yung saleslady kaya nagmamadali nang umalis dito sa store.

Sunod na pinuntahan namin ay ang bilihan ng sapatos, bumili na din ito ng sapatos hanggang pumunta na kami sa toy kingdom....tulak tulak ko ang pushcart habang namimili ng mga magagandang laruan na hindi ko alam kung kanino ko ibibigay sinasabayan ko lang ang trip ni Patrick, naglaro din kami sa quantum, tatawa tawang huminto ako sa pagsasayaw ng mapagod at pinanood na lamang si Patrick, hindi ko maabot ang energy niya, madali akong mapagod since noon ay hindi naman ako mahilig magpunta sa mga ganitong lugar at hindi ako mahilig makipaglaro sa mga kaibigan ko.

I realized, I just missed my highschool fun.

My phone vibrated.

Saint- hey, where are you?

Basa ko sa message sakin ni Saint.

Agad akong nag type sa keyboard.

Cross- mall, may binili lang.

Saint- who's with you?

Tinignan ko si Patrick na wala pa ding tigil sa pag sayaw.

Cross- a friend.

Saint- hmm, I love you.

Napangiti ako at kinikilig na tumayo, lumabas ako ng quantum at sumandal sa gilid, calm down and don't shout Cross baka pagkamalan kang baliw.

But I can't help myself, papadyak padyak akong umikot ikot sa pwesto kahit na marami nang napapatingin sakin.ilang minuto akong ganon hanggang tumawag na sakin si Saint, pinakalma ko ang sarili bago sagutin ang tawag at idikit sa aking tenga.

"h...hey" pangunguna ko

"Cross" damn, his raspy voice makes my knees wobbled

"kakagising mo lang?" I asked

"yeah"

"bat ka pala napatawag?"

"where is my I love you too? You supposed to answer my I love you, but you don't"

Hindi pa kasi ako tapos kiligin!

"I love you too"

Thanks lord hindi ako nautal!







SAINT POV:

Pinatunog ko ang mga daliri ko ng makababa sa sasakyan, kakatapos lang ng practice namin sa karera ni Micro at Elix habang ang ibang mga kabigan namin ay nasa gilid at kaniya kaniyang ayos sa mga sasakyan...kinuha ko ang inabot sakin ni Micro na tubig, binuksan ko iyon at ininom.

"kamusta?" pabiro akong siniko ni Micro

"what?"

"anong what ka diyan, kamusta nga? Alam mo naman yung ibig kong sabihin" tumawa ito at binuhos sa ulo ang kaniyang tubig

"sinabi ko na sayong wala akong planong umoo sa gusto mo"

"akala ko pumayag ka na"

"who told you?" inis na tinalikuran ko siya ngunit sinundan pa din niya ako

"nung isang gabi, Elix saw you with Cross, pumasok kayo sa VIP room ng club" hinarangan niya ako kaya napatigil ako sa paglalakad "I thought you agreed with me, I thought you're going to play his little attitude heart, that's all you want right? Cause you find him interesting...since you and him argued"

Namuo ang galit sa dibdib ko at tinulak tulak siya gamit ang hintuturo ko.

"fuck you," I gritted my teeth

Nagtaas agad to ng dalawang kamay.

"relax dude, nahulog ka na ba talaga?"

Nag iwas ako ng tingin.

"nahulog ka na?" pang uulit nito.

"yeah, hulog na hulog na ako"

Napapalakpak ito at natutuwang niyugyog ang magkabilaan kong balikat, inis na sinapak ko siya at dumiretso na sa bench.

"damn, nakakagulat ahh" umupo ito sa tabi ko

"tsk, lumayo ka sakin...."

"gagi, hahahaha pero support lang ako, kung sa kaniya ka masaya hindi ako hahadlang" tinapik tapik nito ang hita ko at sabay kaming tumingin sa malaking screen na nasa gitna. "naalala mo pa ba nung umamin ako sayong gusto kita?"

I nodded.

"you friendzoned me" dagdag nito

"I thought you're joking"

"ang hirap talaga sa mga kagaya kong mapagbiro kapag nagseseryoso na aakalain pa din ng iba nagbibiro pa din" he laughed "pero nakakadiri din palang nagustuhan kita"

Sinamaan ko siya ng tingin kaya mas lalo itong natawa.

"asshole" I murmured

"libre ka ba sa lunes---"

"no" kinuha ko ang phone kong nasa gilid ng kinauupuan ko at tinype ang number ni Cross.

"tsk, saan lakad?"

Hindi na ako sumagot at nagsimulang magmensahe kay ross, where is he now? 

The Cursed(COMPLETED)Where stories live. Discover now