16

3.3K 200 12
                                    

"Cross bakit parang natatae ka?" Natatawa saking sabi ng guard ko

"N...Nothing" ngumiti ako at tumalikod saka tinaas ang aking kamay upang kumaway sa kaniya

Mabilis ang lakad ko papunta sa room, nang makaupo ako ay sinulyapan ko ang guard nakatingin ito sa akin kaya muli akong ngumiti at hinintay siyang makaalis pero sumandal pa ito sa sasakyan at talagang wala pa atang balak umalis i cursed and tap my fingers at the desk, paano ako makakaalis nito?


Ilang minuto ang lumipas ng tumingin muli ako sa gawi niya and i saw him opening the door of the car, napa yes ako at pinanood ang pag alis ng sasakyan tumayo na ako at lumabas na ng room may tumawag sa pangalan ko ngunit hindi ko na lamang ito pinansin, mabibilis ang paghakbang kong lumabas sa gate ng school, may mga nakakasalubong pa akong mga highschoolers, napatigil ako sa paglalakad ng may dalawang nakaitim na lalaking nasa harapan ko at tinuro nila ang puting van na nasa gilid lamang


"Kayo ba yun?" Tanong ko


Baka mamaya ay masasamang tao pala to, pinakita nila sa akin ang kanilang ID at kung kanino sila nag tatrabaho ng masigurong sila ang mga pinadala sakin nung matandang yun, nang makaupo ako sa loob ng sasakyan ay napanganga ako ng maalalang hindi ko pa pala alam ang pangalan niya, ilang beses na kaming nag usap at nagkita ngunit ni isang letra ng pangalan niya ay hindi ko alam



Ginulo ko ang aking buhok at tinignan ang katabi ko



"Can i ask a question?" Nilingon ako nito



"Sige lang"



"Anong pangalan ng boss niyo?" Nagkatinginan ang dalawa tsaka natawa kaya napabusangot ako



"May gana kang makipagkita sa kaniya ngunit hindi mo alam ang pangalan ng boss namin? Aba hindi pwede yan" mas lalo akong bumusangot sa tono ng pananalita nito halatang nang aasar



"Sabihin niyo nalang sakin" iniikot ko ang aking mata



"Frederick" ani ng lalaking nag da drive



Napatango ako at siniko ang aking katabi, sumandal ako sa bintana at nag aalalang baka malaman ni Saint na nag skip ako ng klase mas malala ay dahil sa kaniyang ama....aiishh siguro naman kailangan ko lang na magkaroon ng maraming alibi para naman maniwala siya, sana ma late din ng sundo yung guard ko para naman hindi niya ako hanapin sa teacher ko.



"Nandito na tayo" lumabas silang dalawa kaya lumabas na din ako, muntik na akong mapadapa kung hindi lang hinawakan ng isang lalaki ang bag ko upang pigilan akong masubsob sa lupa



"Ingat ingat naman bata....sayang kapag nagasgasan yang mukha mo" mahinang hinampas ng lalaki ang ulo ko kaya sinipa ko ito sa hita




"Aba----" napatigil ito sa pagsasalita ng may babaeng hinampas siya ng folder sa balikat




"Stop bullying the kid and get back to work!" Saway nito sa dalawa




Tinignan ako ng babae, nakasuot ito ng itim na leather skirt na pinaresan ng pulang polo, naka bun din ang kaniyang buhok at inosente ang kaniyang mukha, ngumiti ito at ginulo ang buhok ko gusto ko sanang tampalin ang kamay niya ngunit pinabayaan ko nalang, sumunod ako sa kaniya...nang makapasok kami sa loob ng malaking building na pag aari ni Frederick.




Maraming nagtatanong sa babaeng kasama ko kung bakit ako nandito at kung sino ako, mahigpit kong hinawakan ang strap ng aking bag ng pumasok kami sa loob ng elevator.




"Hi, my name is Tequila and you?"




"Cross" maiksi kong pagpapakilala




"Nag skip ka ng klase?" Sumandal ito sa gilid "that's not good.....ang bata mo pa para gawin yan"




Hindi ako sumagot at nauna nang lumabas ng bumukas na ang elevator, tumigil kami sa harapan ng pintuan sa dulo ng floor na ito...may malaking halaman ang nasa gilid ng pintuan, kumatok si Tequila maya maya ay narinig namin ang boses ni Frederick, inayos ko kaagad ang itsura ko pati na din ang nagusot kong polo




Napatigil sa ginagawa si Frederick ng makita ako at sinenyasang umalis na si Tequila, lumapit ako sa kaniya at yumuko upang magbigay galang which is hindi ko naman ginagawa pero kailangan para mapadali ang lahat.




"Kunan mo ako ng kape" tinignan ko siya





"Po?"




"Lahat ng iuutos ko ay gawin mo, sundin mo at wala akong maririnig na reklamo" pakikalma ako baka bigla ko nalang maibato sa kaniya ang bag na dala ko "here is my card"




Kinuha ko ang card na inabot nito.




"Pumunta ka sa coffee shop na nasa gilid ng building na ito" tinignan ko ang papel na inabot nito nakasulat doon ang kapeng gusto niyang orderin ko



Tumango ako, binaba ko ang bag ko sa gilid ng sofa at lumabas na nang kaniyang opisina....nang makalabas ako sa building ay binagalan ko na ang paglalakad ko, ang liit ng mga legs ko kaya hindi ako makatakbo ng mabilis....pinagtitingan din ako ng mga tao, baka akala nila nawawala akong bata...pinunasan ko ang pawis na namuo sa aking noo, ang init pa ng panahon nakakadagdag inis sa akin




Nagtataka man ang cashier na nasa harapan ko ay kinuha pa din sa akin ang card at pinaghintay ako, ilang minuto ang nakalipas ay binigay na din sa akin ang kape, habang pabalik sa building ay tinignan ko ang oraa sa suot kong relo, breaktime na namin ngayon....mamaya pa ang uwian, hayyss ang bilis ng oras.




Hingal kong inabot kay frederick ang kape, gusto ko nang humiga at matulog...nakakapagod tumakbo at maglakad gamit ang maliliit na legs.




"Seperate this" napaupo ako ng ibigay niya sa akin ang tambak na folders, halos tumakip na iyon sa aking mata "you have 30 minutes to seperate the blue and red folders"




Parehas sila ni Saint! Puro utos, magaling mag utos...mag ama nga, palihim akong umirap at sinimulan na ang ginagawa




Marami siyang inuutos sa akin, pinagwalis niya ako ng office niya, pinagpunas sa mga gilid gilid, inutusan ulit na bumili ng kape, im exhausted....halos pati sapatos ata niya ay gusto niyang linisan ko, ngumuso ako at tinignan siya




"Same time tomorrow, don't be late" he said




Kinuha ko na ang bag ko at tinignan ang oras, ilang minuto nalang ay susunduin na ako, nagpaalam ako at tumakbo papalabas ng opisina niya....napadapa ako ng malapit na ako sa labas, nakita ako ng dalawang lalaking nag hatid sakin dito, napakamot sila sa batok at nilapitan ako, napangiwi ako ng makitang may gasgas ang tuhod ko.




Sinabihan ko silang bilisan ang pagmamaneho, buti ay nakinig ay hindi ako inasar....nakita ko ang guard kong naghihintay sa labas ng gate tahimik akong bumaba ng van at binaba ang aking suot na shorts para matakpan ang gasgas sa tuhod ko tsaka nilapitan ang guard sabay hila sa laylayan ng uniform nito




"Oh, bakit nandiyan ka?" Nagtataka nitong sabi





"M...May tinignan lang ako don" tinuro ko ang mga bilihan ng pagkain




"Sana hinintay mo ako, baka kung anong mangyari sayo lagot ako nito kay boss"




Kinuha nito ang bag ko at siya ang nagbuhat.




Safe!



(Sorry for the slow updates)

The Cursed(COMPLETED)Where stories live. Discover now