17

3.2K 205 12
                                    

"Be quick and stop being slow, grab that folders and bring it to me" Frederick said

Mabilis kong binitawan ang pamunas sa mga drawers at kinuha ang mga folders na nasa ibabaw ng sofa at dinala iyon sa kaniya, tsk. Dalawang araw na simula nang magsimula akong mag trabaho sa kaniya, hindi pa nauwi si Saint dahil may mga interviews pa daw na gagawin, tumatawag ito kada umaga at gabi para kamustahin ako o kung may nalalaman ba ako sa pinapasukan ko, hindi na din lingid sa akin na tumatawag siya sa mga nasa bahay upang mas talagang makasigurado kung ano ba talaga ang ginagawa ko.

Walang pinagbago ang mga pinag gagawa ko dito at pinag uutos niya sa akin, sanay na din ako kaya hindi na ako nagrereklamo pa....

Base sa pag oobserve ko sa kaniya, mabait siya palihim ko siyang pinagmamasdan. Minsan nakita ko siyang binibigyan ng tinapay o kahit anong pagkain ang mga nanlilimos, ma respeto siya sa mga nag tatrabahong babae sa building niya...kapag may nakikita siyang masiyadong labas ang balat pinapatakpan niya iyon at pinagsasabihan ng mahinahon.

Kapag aalis siya sa kaniyang opisina ay talagang nangingialam ako sa mga gamit niya hanggang makita ko ang frame sa kaniyang drawer, kita ko ang mga ngiti ng batang si Saint habang karga karga siya ng kaniyang magandang ina sa hita.

Napaisip ako...galit si Frederick kay Saint pero hindi ibig sabihin nun kinalimutan na talaga nitong may anak siya.

"Cross!!" Napatalon ako sa gulat sa lakas ng boses ni Frederick

"Po?"

"Kanina pa kita tinatawag!" Hinampas nito ang lamesa "lumapit ka dito"

Tumango ako at lumapit.

"Saan mo nakuha yang pasa mo sa braso pati yang gasgas mo sa kamay?" Hinila niya ang balikat ko papalapit sa kaniya

"Nadapa po ako kanina sa harapan ng gate ng school" nung tumakas ako para pumunta dito


"Hindi ka nag iingat" napangiwi ako ng kinotongan ako nito

Maya maya ay may tinawag niya ang si Tequila at inutusang magdala ng betadine at cotton, nang makapasok si Tequila sa opisina ay pasimple niya akong kinawayan at binigay na kay Frederick ang pinapakuha nito.

Pinaupo ako ni Frederick sa lamesa niya at sinimulang linisin ang gasgas ko sa kamay.

Napalunok ako at hindi maiwasang mapayuko.


"What happen?!" Mom said while running towards me "ang dami mong sugat!"

"Ma'am natumba po kasi siya sa bike----"


"This is all your fault yaya! Sabi ko wag mabilis pero hindi ka nakikinig, look what you've done to me!" I said and push her

"Cross! Don't do that again!" Saway sa akin ni mom "let's clean your wounds, come on"

Umiiyak na tumango ako at umupo sa maliit na umupuan habang si mom ay nakaluhod sa sahig at nakangiting nililinisan ang mga sugat ko.


Naramdaman ko ang pag tigil ni Frederick sa pag gagamot sa sugat ko, nag angat ito ng tingin and i realized that i am crying right now. Mabilis kong pinampunas ang uniform ko sa mukha ko ngunit hindi pa din matigil ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi.

"Why?" He said using his firm voice


Umiling ako at pinanood siyang bendahan ang aking kamay.

"Patatayuin kita sa gilid ng isang oras o sasabihin mo kung bakit ka umiiyak?!" Inis na nitong sabi

Bababa na sana ako sa kaniyang lamesa ng harangan niya ang magkabilang gilid ko, pina angat niya ang aking mukha at pinatingin sa kaniya...nakikita ko si Saint sa kaniya, kahit may edad na ito ay talagang malakas pa din ang appeal, suminghot ako.


"Naalala ko lang si mom" ani ko


"Nasaan ang mga magulang mo?" Kinagat ko ang aking ibabang labi at humagolgol ng maalala ang mga masasamang salitang nabitawan ko sa kanila lalo na kay mom


"Im a bad kid, a bad s...son! They d...don't deserve me, w...wala akong ibang ginawa kay mom k...kundi s...saktan ang d...damdamin niya, hindi ko inisip kung anong mararamdaman niya" umubo ako at tinatakpan ang aking mukha


"Naglayas ka sa inyo dahil don?"


Hindi ako nagsalita, hindi na din siya nagtanong pa, hinintay niya akong tumahan, nang tumahan na ako ay may binigay itong tsokolate sa akin na tinanggap ko at kinain.


Ilang oras ang lumipas nang pauwiin na ako, as usual safe pa din, nakatulog ako sa biyahe dala na din siguro sa pagod at sa pag iyak ko.....



Nagising lang ako ng makarating na kami, inalis ko ang nakapalibot sa kamay ko upang hindi sila magtanong kung anong nangyari sa kamay ko lalo na sa braso ko.....mabibilis ang paghakbang ko nang mapatigil dahil nakita kong nakaparada ang sports car ni Saint sa gilid, nandito na siya!?!


Kinabahan agad ako at pumasok sa loob ng bahay, kasama niya siguro ang mga kaibigan niya kasi hindi lang iisang sports car ang naka parking.



Sumilip ako at nakita ko sa garden si Micro na may hawak hawak na beer kasama sila Aid at Nicolo may mga iba pang tao na hindi ko na kilala....mukhang may pag sasalo salo sila, hinanap agad ng aking mata si Saint and i saw him....napahigpit ang kapit ko sa bag ko ng makita ko itong nakaupo sa longue chair at kausap ang isang babaeng naka summer dress.



Busy sila.....



Tumalikod na ako at umakyat ng hagdan, buti at hindi ako nakita papasok ni Saint baka tanungin niya ang pasa ko sa braso pati na din mga gasgas ko sa tuhod dahil sa ilang beses nadapa kapag inuutusan akong bumili ng kape ni Frederick hindi niya alam dahil natatakpan ng shorts ko ang mga gasgas, agad akong nagpalit ng damit nag suot ako ng hoodie at jogging pants.




"Nandito ka na pala Cross" ani ni Manang Flora "oh, bakit ganiyan suot mo? Nilalamig ka ba?"




Lumapit ito sa akin at nilapat ang kamay sa aking leeg at noo




"Hindi ka naman nilalagnat"





"I just w...want to wear t..this, yeah" i said and smile





"Hinahanap ka kanina ni Sir." Ani nito






"Ahhhh" umakyat ako sa kama at hinila ang kumot





"Inaantok ka? Napagod ka ba sa school?"





Lihim akong napangiwi, pagod na pagod ang katawan ko.





"Im going to sleep now" i said and close my eyes





"Sasabihin ko nalang na natutulog ka na"





(Slow update, sorry for waiting)

The Cursed(COMPLETED)Where stories live. Discover now