29

3K 188 12
                                    

"Nandito na tayo!!" Ani ni Micro

Tinaas ko ang dalawa kong braso at tumakbo pababa sa yate, may mga yateng nakahilera sa dalampasigan...ang malaking mansion lang ni Frederick ang nakatayo sa islang ito, astig diba? Nang makatapak ako sa buhanginan ay tumakbo ako papalapit sa malaking gate na kulay itim...dahan dahan iyong bumukas at bumungad ang mahabang daan, mukhang sasakay pa kami sa mga golf cart na nakahilera din sa gilid.

Kitang kita ko mula dito ang sobtang laking fountain na nasa gitna at asul na asul ang nilalabas na tubig, malawak ang lupain kung saan berdeng berde ang mga damo.

"Cross" tawag sakin ni Saint

Sumakay na ako sa tabi nito, nagsimula siyang magmaneho ng golf cart, tumingin ako sa likod at nakita ko sila Luca na masayang nagmamasid sa paligid sakay sakay sila ni Micro.

Si Manang Flora naman ay nasa golf cart ni Elix at Etika.


Tatlong minuto ang halos tinagal ng pagmamaneho ng golf cart, napanganga ako ng makita ko na ang malaking bahay.....kahit umaga palang ay bukas na ang mga ilaw....kitang kita ang loob ng bahay dahil halos lahat ng dingding ay gawa lang sa salamin, nakakahanga talaga tong si Frederick.


Tumigil na kami nang matapat sa harapan ng bahay nila, bumaba ako at napatingin sa malaking pool...may mini mountain pang gawa sa bato ang nasa gilid ng pool.

Kinuha nang mga kasambahay ni Frederick ang mga dala naming gamit, hindi muna kami pinapasok...dahil napag usapang lilibutin muna namin ang buong isla ni Frederick.

Muli kaming sumakay sa golf cart, mukhang nawala sa mood tong si Saint...nakita niya kasi si Frederick na nakasakay din sa golf cart at nasa unahan namin, lahat ng mga bisita niya bukas ay nakasakay din sa kaniya kaniyang mga golf cart at sinusundan si Frederick, mukhang gusto niya talaga niyang igala kaming lahat.

"Welcome to my island" sabi ni Frederick gamit gamit ang microphone

Pumalakpak ang mga kasama namin.


"This is my farm"


pinasadahan ko ang paligid, may mga taong nag aani ng mga prutas at gulay....may isang malaking kubo kung saan doon nagpapahinga ang mga trabahador. Kitang kita din mula dito ang ilog na asul na asul ang tubig at narinig ko ang mga kasama namin na malulusog daw ang mga isdang nasa ilog, gusto ko sanang bumaba para tignan kung may mga isda talaga ang ilog ngunit badtrip ngayon si Saint baka masigawan lang ako.


Sunod na pinuntahan namin ay ang mga kabayo, iba't iba ang kulay pero ang mga itim lang na kabayo ang nagpahanga lalo sa akin, sobrang laki nila...sa tingin ko kapag ibinenta ko mga yan pag aagawan ng mga mahihilig sa kabayo.


Kalahating oras ang paglilibot sa buong isla, pagod akong humiga sa kama at niyakap ang malaking unan.....kasama ko nanaman si Saint sa iisang kwarto at magkatabi kami!! Oo, magkatabi as in pwede niya akong mayakap mamayang gabi, o kaya ay idantay hita niya sa akin.


Ngumiti ako at kinagat ang ibabang labi, natigil ang pag iimagine ko nang bumukas ang pintuan...napaupo ako at napakunot ang noo, si Frederick.


Umupo ito sa sofa na nasa gilid.



"Look who's here, my little assistant" he said while smirking "akala ko ay hindi kayo makakadalo sa kaarawan ko"



"You look so pale" i blurted out.


Tumawa ito at napailing.



"Kamusta?" Napansin kong nag iba ang kaniyang tono, nawala ang pag ka firm niya "i want Saint to marry Javica, but kid i heard that you playing around and preventing the two for knowing each other"



Bakit hindi siya galit? Ang hinahon nang boses niya parang pagod na sa lahat....



"A...Alam kong walang gusto si Saint kay Javica" i said "bakit gusto mo siya sa anak niyo? Im sorry to say this but she's not nice"




"She's nice" bumalik na ang pag ka firm ng boses nito kaya bahagya akong napaatras, nang makita nito ang pagkagulat ko ay bumuntong hininga ito at pinakalma ang sarili "gusto kong may magawa man lang akong maganda habang nabubuhay pa ako"



"Maganda? Sa tingin niyo po ba ang pagpipilit kay Saint na magpakasal ay maganda?"



"Don't raise your voice at me kid" he said "hmm, im not going to argue with you today, im just here for you to know that...this is my----"




"What are you doing here?!" Inis na sabi ni Saint nang makapasok siya sa loob ng kwarto



Ngumisi si Frederick at tumayo na.



"Masama bang tignan ang kwartong tutulugan niyong dalawa ng batang ito?" Itong si Frederick talaga marunong pakuluin ang dugo ng kaniyang anak sa pamamagitan nang kaniyang pag ngisi at mapang asar na tono



"Tsk" binato ni Saint ang tuwalyang nakasabit sa balikat




Lumabas na nang kwarto si Frederick, nilapitan ako ni Saint at pinasadahan ang buo kong katawan, ngumiti ako at sinenyasan siyang umupo sa tabi ko na agad naman niyang ginawa.



"May ginawa ba siya sayo? May sinabing hindi maganda!?! Tell me..."




Umiling ako.




"Gusto ko kayong magbati" diretsahan kong sabi




"What?"




"Gusto ko kayong magbati" pag uulit ko




Hindi ito nagsalita.




"E...Enough of this" he said




Napayuko ako.





Bumaba na kami upang kumain ng tanghalian, ang mga bisita ni Frederick ay nasa kabilang bahay, dahil nandon ang mga guest room ang bahay na tutulugan namin ngayong gabi ay para lang talaga kay Frederick at sa mga kamag anak niya....



Tunog lang ng kutsara at tinidor ang naririnig sa buong dining area, maya maya pa ay umimom na nang tubig si Saint tatayo na sana nang pigilan siya ni Frederick.




"We're going to talk later, at my office" Frederick seriously said.




"Im busy" ani ni Saint




Matapos sabihin ni Saint ang salitang iyon ay umalis na siya, napatingin ulit ako kay Frederick na nakatitig nalang sa pagkain....ano bang meron sa kaniya at parang iba ang ugali niya ngayon?



"Continue eating" ani ni Frederick samin



(Ano ba ang nangyari)







The Cursed(COMPLETED)Where stories live. Discover now