18

3.2K 210 5
                                    

Nagmamadali akong bumaba sa hagdan, binati ako nila Plata at ginulo ang aking buhok kaya inis ko ulit iyong inayos...buti ay PE na kaya hindi na mahahalata ang gasgas ko sa tuhod, mahaba din ang manggas ng tshirt ko kaya hindi na talaga halata, pumasok ako sa kusina at napatigil ng makita ko si Saint na nakaupo sa gilid at may laptop sa ibabaw ng kaniyang lamesa, hindi pa ako nito napansin, kaya dahan dahan akong lumapit sa lunchbox kong nasa tabi ng ref.


Mabagal lang ang ginawa kong mga kilos dahil ayokong mapansin niya ako, baka tanungin niya ako nang kung ano ano at lalo na sa pagpasok ko sa school, napangisi ako ng malapit na ako sa pintuan ng kusina, tatlong hakbang ang nagawa ko bago ko marinig ang ilang pag tapik ng mga daliri nito sa lamesa at pagtawag niya sa aking pangalan.


Humarap ako at napipilitang ngumiti.


"Why don't you join me for breakfast?" He said


"Uminom na ako ng gatas, baka ma late ako" ani ko


"Hmmm"


"Ahh im going now----"



"Ako na ang maghahatid sayo" tatayo na sana ito ng mabilis akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang hita


"Don't worry, kaya ko na....pagod ka po sa race niyo at kakauwi niyo palang, you need to rest. Sa susunod nalang po kayo sumama sa akin" ngumiti ako ng malapad at pinipigilan siyang tumayo


"Hindi ako napapagod, hintayin mo nalang ako magpapalit ako ng damit---"


"Ayos lang po talaga Master, sa susunod nalang"


Nilaro nito ang dila sa ibabang labi at pinatalikod ako, maya maya ay binatukan niya ako, nagtataka at may halong inis ko siyang hinarap, aishh umagang umaga nananakit, ano nanaman problema ng lalaking to sakin? Kung hampasin ko kaya siya nitong hawak kong lunchbox o kaya tusukin ko siya ng tinidor.



"Nasaan ang binigay ko sayo?" Mariing tanong niya



"What----" napatigil ako ng maalala ang ibig niyang sabihin, yung maliit na teddybear na binigay niya sa akin bago siya umalis.



Kinamot ko ang aking batok at pilit na inaalala kung saan ko iyon inilapag, saan nga ba? Nang makita nito ang itsura ko ay muli niya akong binatukan at padabog na nilapag sa lamesa ang teddybear, bat nasa kaniya?



"Nakita ko yan na nakakalat lang sa kwarto ko"



Siguro nahulog ko nung nakatulog ako sa kama niya, pinatalikod niya muli ako, sinabit niya ang teddybear sa bag ko.....hindi ako mapakali dahil ang isang kamay nito ay nasa batok ko at marahan iyong hinahaplos, kinuyom ko ang aking kamao at kinagat ang itaas kong labi, bumilis lalo ang tibok ng aking puso nang mapunta sa balikat ko ang kamay nito, ano ba ang ginagawa niya? Aishhh ma la late na din ako, paano kung magbago bigla isip ni Frederick?


"Can i go now?" I asked



"Sasama ako" tumayo na ito at hindi na ako hinayaan pang magsalita


Inis na kinamot ko ang aking buhok at nagpapadyal padyak na pumunta sa sala, pano kung bantayan niya ako magdamag? Paano ako makakaalis? O kaya malaman niya kung ano ang ginagawa ko nitong mga nakaraang araw?! I am doomed! Habang wala si Saint ay lumabas na ako ng bahay at nilapitan ang taga hatid sa akin, pumasok ako sa loob ng sasakyan at inutusan na itong lumarga, natawa ako ng makalabas kami ng gate at makalayo layo na sa bahay.



Bahala na mamaya, kung magalit siya ay bahala na, as usual tumakas nanaman ako at sumakay na sa loob ng van, nakakausap ko na din ang dalawang laging naghihintay sa akin, si Berto at Eding, parehong single kahit may mga edad na....nakipag apir silang dalawa sakin ng bumaba na ako sa van at salubungin muli ni Tequila.



"Good morning Cross" she said



"Morning"



---------
"So nakauwi na pala ang magaling kong anak" rinig kong sabi ni Frederick sa kausap sa telepono


Papasok na sana ako kaso ay narinig ko ang pangalan ni Saint kaya mas pinili ko munang makinig, idinikit ko ang aking tenga sa dingding upang mas marinig pa ang pag uusap.



"Good, Javica is a good match for him" who's javica? "I will going to talk to Saint soon about this"



Wala na akong narinig pang kasunod kaya pumasok na ako sa loob, tahimik ang buong isang oras kong pag tatrabaho...hindi ako mapakali sa narinig, good match? Hinahanapan ba ni Frederick ng kasintahan si Saint? Gusto kong tanungin kaso ay baka masigawan ako at sabihang bastos at walang respeto dahil nakikinig ako sa usapan ng may usapan



"Buy me a coffee" tumango ako at sinunod nalang ang gusto niya



"Hi Cross, same pa rin?" Tumango ako sa may ari ng coffee shop na to



Nang maibigay sa akin ang kape ay nag order na din ako ng slice ng chocolate cake, sa tab naman ni Frederick nakapangalan, umupo muna ako sa dulo at nagsimulang kumain....ang tagal ko na din palang di napupuntahan si mom, kamusta na kaya siya? Wala ba siyang sakit? Ayos lang ba ang kalusugan niya?



"Cross, wala kang tubig...oh eto" nilapag ni Leka ang basong tubig sa harapan ko, Leka ang pangalan ng may ari ng cofee shop nato  "delikado ang magpalakad lakad sa labas madami nang masasamang tao, baka mapahamak ka magsama ka ng matanda kapag pupunta ka dito"



"Kaya ko naman"



"Kaya mo nga pero hindi mo alam ang susunod na mangyayari" bumuntong hininga ito at tumalikod



Inubos ko na ang cake at mabilis na bumalik na sa opisina.



"Fix your shoelace" tinuro ni Frederick ang sintas ng sapatos ko



"Thanks"



-----
Muling dumating ang oras ng pag uwi ko, nang makababa ako sa van ay napansin ko ang pamilyar na sasakyang nasa harapan ng school gate, and i saw Saint leaning in his car waiting for me.



Ngumiwi ako at humanap ng magiging alibi sa kaniya, and then i saw the girl who talk to me at the first day of class, what is her name again? Tekika? Lumapit ako sa kaniya.



"Hi" i said




Ang inosente nitong mukha ay nabahid ng saya at niyakap ako




"Don't hug me" inis kong tinulak siya papalayo sa akin




Malungkot itong yumuko.




"C..Can you help me? I promise i will be your friend" maya maya ay ngumiti ito





Binulong ko ang kailangan niyang gawin, nagtago ako sa gilid. Pinanood ang paglapit niya kay Saint, mabilis akong pumasok sa loob ng gate, nagtama ang mata namin ng babae tumango ito at umalis na...buti nakikinig siya, hayss, napataas ang kilay ni Saint sakin at nang makalapit ako ay pinagbuksan niya ako ng pinto.




"Ahh siya pala ang babae mo" bulong nito sa sarili na narinig ko naman  "iniwan mo ko kanina, i told you na sasama ako"




"Late na ako" maikli kong sabi




"I can talk to your teacher" inis na pinaandar nito ang makina nang kaniyang sports car "tsk, how's class?"




"Ahhh g....good"




"Siguraduhin mo lang"





(Be safe)

The Cursed(COMPLETED)Where stories live. Discover now