special chapter:

6K 232 85
                                    

Two years later

"Saan na siya? Kanina pa ako naghihintay dito" dadabog dabog na bumalik ako sa loob ng bahay at tinignan ang orasan na nakasabit sa dingding "10am na sabi niya nandito na siya ng mga 9am"


Lumapit sakin si Plata at hinilot ang balikat ko habang si Luca at Bae ay kinuhanan ako ng makakain, damn that Saint sino siya para paghintayin ako?! Siguro may babae nanaman yun, may nilalandi namaman yun kaya natagalan...kasama din yung malandi niyang kaibigang si Micro bagay talaga silang magsamang dalawa parehong malandi ang sarap nilang sakalin



Hinawakan ko ang nakahiga sa hita ko tsaka tinignan pa ang kaniyang dalawang magkapatid, nawala ang init ng ulo ko at isa isa silang hinalikan sa noo....niregalugan ako ni Saint ng tatlong makukulit na aso last year at ang tatlong ito ay naging stress reliever naming pareho at tinuturing naming mga anak namin, nandito na ako nakatira sa bahay ni Saint at lagi kong kasama sila Plata dito...simula kasi ng mawala si Manang Flora napakalungkot daw ng mansiyon at lahat ng mga tao ay tahimik lang kaya napag desisyonan na din naming dito na ako tumira



Ginawa ko lahat ng paraan para maibalik ang mga ngiti sa labi ng tatlo na nagawa ko naman ngunit natagalan, kahit din naman ako talagang malungkot sa pag kawala ni Manang Flora at gusto ko na lamang na magkulong sa kwarto ngunit iniisip ko na lamang na nasa magandang paraiso na si Manang Flora kasama ang ina ni Saint at pareho silang pinapanood kami dito sa baba.



Arf arf



Kinarga ko si Miro, eto ang panganay sa tatlo at pinaka maingay siya ang gumigising sa mga kapatid niya kapag nauuna siyang nagigising, pinangalanan siya ni Micro halata naman eh.



Pangalawa naman ay si Sopy ang iyakin at gusto laging nasusunod ang gusto, spoiled kasi ni Saint.



Lastly si Siti ang tahimik at laging natutulog sa sulok sulok madali din siyang magalit kapag naiistorbo ang kaniyang mahimbing na pagkakatulog, gustong gusto sila ng mga tao dito sa bahay, gusto din siya ni mom kaso allergic si mom sa mga aso kaya pinapadalhan ko na siya ng mga video at pictures ng tatlo.


"Miro kukulitin mo nanaman yang mga kapatid mo, maglaro ka na lang doon sa labas" kausap sa kaniya ni Bea



Tumayo ako ng marinig ang busina ng sasakyan, una kong nakita ay walang iba kundi si Micro na tumakbo papasok at pinanggigilan nanaman ang mga aso, napailing ako at nagdadabog na lumapit sa kakababa palang na si Saint



Sinuklay nito ang buhok gamit ang mga daliri tsaka dinilaan ang ibabang labi ng maisarado na niya ang pintuan ng sasakyan ay pinalo niya ang aking pang upo at walang hirap akong ikinarga tsaka hinalikan sa labi



"Naghintay ba ang Cross ko?" He asked



He pinched my cheeks at pinaupo ako sa hood ng kaniyang kotse



"Ang tagal kong naghintay sayo" inis na sabi ko



"I told you, don't wait for me"



"Gusto nga kitang hintayin"




Ngumiti ito at pinagdikit ang noo naming dalawa, bumuntong hininga ako at hinaplos ang kaniyang likod....ganiyan ang ginagawa niya kapag alam niyang naiinis o nagagalit ako, kapag pinagdidikit kasi niya ang noo naming dalawa napapakalma niya ako, inabot ng labi ko ang labi niya at ilang beses iyong dinampian ng halik.



"Chineck lang namin ni Micro yung mga kakailanganin para sa kasal nating dalawa...." he softly said



"Bakit hindi mo ako sinama? Pwede mo naman akong gisingin hindi naman ako magagalit, ayaw mo na ba akong kasama?"



The Cursed(COMPLETED)Where stories live. Discover now