32

3.1K 219 39
                                    

"Nandito na tayo, tumigil ka na sa kakaiyak" tinulungan ako nitong bumaba sa kinasasakyan

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang suot kong damit at tumingin sa paligid, sobrang linaw talaga ng dagat....nakuha nang pansin ko ang sampayang hindi damit ang nakasampay kundi ang mga shells, mukhang binibilad nila sa araw.

May maliit na bahay sa harapan namin, kulay asul ang pintura, pumunta kami sa terrace nila...pinaupo ako nito sa upuan dahil tatawagin niya ang kaniyang ina na nasa loob ng bahay, kumuha ako ng saging na nakalagay sa plastic na plato, binalatan ko iyon at sinubo.

"Saan na ang kasama mo?"

"Nasa terrace"


"Bakit hindi mo pinapasok dito sa loob hay ikaw talaga Manuel"

Lumabas sa pintuan ang isang magandang babae, mahaba ang medyo kulot na buhok, magkamukha silang dalawa ni Manuel, Manuel ata ang pangalan ng lalaking kasama ko dahil iyon ang rinig kong tawag sa kaniya nung nanay niya, naka simpleng bistida lang ang babae at lumapit sakin, nagniningning ang mga mata.


"Naku naman ang gwapo mong bata, ngayon lang nanaman ako nakakita ng bata" she said


Napansin nito ang pamamaga ng mga mata ko kaya tinignan niya si Manuel na agad nag taas ng kamay


"Hindi ako magpa iyak diyan" iiling iling na sabi nito


"Pinaiyak ka ba ni Kuya Manuel mo?" Tanong ng babae sakin


Umiling ako at lumayo ng unti dahil masiyado na siyang lumalapit sa akin kulang nalang ay halikan na niya ang pisngi ko.

"Nadapa ako kaya ako umiyak" i said

"Nadapa daw" rinig kong sabi ni Manuel

Pinanlakihan ko siya ng mata, tumawa ito at pumasok na sa loob ng bahay nila dahil inutusan siya ng nanay niyang kunin lahat ng sangkap para sa halo halong gagawin nito para sakin.

"Ako pala si Isabel"

"Cross"

"Hayy parang kailan lang ganiyan din kaliit si Manuel ngayon binata na ang anak ko" ngumiti ito at hinaplos ang buhok ko "bisita ka din ba ni Sir. Frederick nung kaarawan niya?"

I nodded.


"Kamusta naman siya?"

Ano daw? Kamusta si Frederick? Hindi ako sumagot dahil mukhang hindi ko naintindihan ang sinabi niya, maya maya ay nanlaki ang mata nito.

"W...Wag mo nang i...intindihan yung tinanong k..ko" uutal utal niyang sabi

Nilapag na ni Manuel ang mga sangkap sa lamesang nasa harapan ko, tahimik akong nanonood kung paano ito gumawa ng halo halo simple lang pala ang kailangang gawin, nag thumbs up sakin si Manuel at tumabi sa akin.


"Masarap gumawa ng halo halo si nanay" pagmamalaki sa akin ni Manuel



"Ano ka ba Manuel hahaha" pa humble naman na ani ni Isabel



Hinalo para sakin ni Manuel ang halo halo na gawa ni Isabel matapos nun ay tinikman ko na....napalaki ang mata ko, sobrang sarap nawala lahat ng kalungkutan ko at napalitan ng paghanga kay Isabel, masarap nga itong gumawa ng halo halo...hindi gaanong matamis hindi din gaanong matabang saktong sakto lang ang timpla niya.


Nakaubos ako ng tatlong baso ng halo halo gusto ko pa sana nang pinigilan na ako ni Isabel dahil baka daw ubuhin ako o sipunin....babalik ako dito para malasahan ulit ang halo halo niya, nagkwentuhan kaming dalawa ni Isabel habang si Manuel ay busy sa pag huhugas ng pinggan.



"Ikakasal na pala ang anak ni Sir. Frederick"



Ang salitang sinambit niya ay nagpawalang gana sa akin sa pakikipag usap sa kaniya.



Pinaglaruan ko ang damit ko.



"May masakit ba sayo?" Umiling ako, nilapat nito ang likod ng palad sa noo ko "gusto mo na bang umuwi?"


"I don't want to go home"


"Bakit? Hindi pwede...baka pagalitan kami dito"


"Halika na Cross, 12 na ohhh" sabi ni Manuel nang makalabas na galing kusina


"I don't want to go home!" I shouted



Nagkatinginan si Isabel at Manuel sabay bumuntong hininga.



"Kailangan munang bumalik Cross kasi baka nag aalala na sila sayo" sabi ni Isabel habang hawak hawak ang kamay ko



Naiirita na ako sa mga ilang sabi pa nila saking umuwi na kaya tumayo na ako sa pagkakaupo sa kahoy na upuan at tumakbo palapit sa sinasakyan namin walang emosyon ang aking mukha nang makalayo na kami sa bahay nila Manuel.


Naramdaman ko ang maya mayang pag tingin sa akin ni Manuel.



Nang makalapit na kami sa mansyon ni Frederick ay nakita ko ang mga taong nasa harapan ng mansyon at tila may hinihintay, nakita ko din si Saint na galit.



Napatigil sila ng makita kami ni Manuel.



Hindi pa tumitigil ang golf cart nang bigla nalang lumapit si Saint at agad na sinuntok si Manuel, nagtilian sila Plata. Pati ako ay napahiyaw sa nangyari.


Dalawang beses na sinuntok ni Saint si Manuel, hindi ko kayang maigalaw ang katawan ko dahil sa pagkabigla...inawat na sila ni Micro at Elix.




"Saan mo siya pinunta huh?!" Saint shouted




"Tigil na"





"Ang mahalaga nandito na si Cross at sa tingin ko wala namang masamang ginawa sa kaniya" sabi naman ni Elix at pinasadahan ng tingin ang buo kong katawan



Napatingin ako kay Manuel, hawak hawak nito ang pisngi na napuruhan ni Saint.




"Dinala ko lang siya sa bahay namin dahil sa hindi kakatigil umiyak at ayaw bumalik dito" ngumisi ito "wala akong ginawa kundi sundin ang utos ni Cross"



Nawala ang galit ni Saint sa sinabi ni Manuel at tumingin sa akin.




"Crying?" He asked




Lumapit sa akin si Saint at sinubukan akong hilahin pababa, mahigpit ang hawak ko sa upuan, ayokong siya ang kumuha sakin pababa sa kinasasakyan ko, tumingin ako kay Manuel na sinasabihan na din akong sumama kay Saint.



"Don't make me angry Cross" tiim bagang na sabi ni Saint




"Anong kahibangan ang nangyayari sa harapan ng pamamahay ko!" Lumapit sa amin si Frederick




Kinuwento ni Manuel ang nangyari maliban sa hindi ko paglapit sa gawi nila Saint kanina sa dalampasigan...ang sinabi nito ay nakita niya akong umiiyak at hinahanap ang mga kasama ko ay nang hindi ko makahanap ay nagsimula akong sabihing ayoko nang umuwi sa mansiyon na pinaniwalaan naman nilang lahat.




"Pumasok na kayo sa loob!" Ani ni Frederick




Nagtama ang mata namin, mawalan na ako ng galang ngunit sinamaan ko siya ng tingin.




"Cross, hindi ka nakikinig sinabi nang huwag ka munang umalis sa loob ng kwarto mo, ngunit masiyado ka nang nagiging pasaway!" Sermon sakin ni Frederick "nakakagulat ang nangyari nang mawalan ka ng malay sa harapan ko! Bibigyan mo ba ako ng sakit sa puso nang araw na iyon?! Lalo na ngayon?!"



Kinagat ko ang ibaba kong labi hanggang magsimula nanaman akong humagulgol.




Yayakapin sana ako ni Saint nang bumaba ako sa kinauupuan ko at tumakbo papalapit kay Micro, kinarga niya ako at sinimulang aluhin.




"Pabayaan mo na siya honey" rinig kong sabi ni Javica kay Saint "he's a kid, let Micro hushed him"




(Stay safe!)



The Cursed(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon