20

3.3K 205 10
                                    

"Hi Cross!!" Lihim kong inikot ang aking mata bago tumigil sa paglalakad at hinarap si Etika, simula nang sabihin ko na magkaibigan na kami ay hindi na niya ako tinatantanan, tatlong araw nang wala si Frederick sa office dahil may nilalakad daw kaya nandito ako sa loob ng school at pinipilit na huwag mainis sa babaeng to

"Hey" i said and bite my sandwich

"You told me na sabay tayo buy ng foods sa canteen, pero bakit ikaw nauna?" She said while pouting

"Matagal ka"

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hinayaan siyang sundan ako, goodness nagsisi na akong siya pa ang nilapitan ko.

Magaling na ang noo ko, nang araw na iyon ay talagang ilang oras akong sinermunan ni Saint...
Pero lumalabas lang din sa kabilang tenga ko, napatigil nanaman ako sa paglalakad ng maramdamam ang mga kamay na pumalibot sa braso ko agad kong tinignan kung sino yon, ngumiti ako ng pilit at pinakakalma ang sarili ko.

Iyakin pa naman to, kapag umiya parang nawalan ng mahal sa buhay...

"Etika stop being annoying ok?" Mahinahon kong sabi at dahan dahang inaalis ang mga kamay nitong nasa braso ko

"Babalik ka na ba sa room?" She said

"Yeah?"

"Sama mo ko sa canteen, im hungry na eh" she pouted and grab my hands

"Can't you just go by yourself?" Inis kong sabi

"Pero madaming students na big doon" students na big? Ngumiwi ako at inis na kinamot ang aking batok sabay hila sa kaniya papuntang canteen

Habang sinasabi niya sa isang babae ang kaniyang bibilhin ay nilibot ko muna ang aking paningin, may mga basketball players na nasa isang lamesa at nagpapatalbog ng bola, yung mga cheerdancers naman ay nasa kabilang lamesa at nagtatawanan.....iba ang canteen namin sa canteen nila kaso ay dito talaga ako bumibili ng pagkain dahil masasarap ang mga binebenta nila doon kasi sa canteen sa kabila ay puro pambata talaga ang mga pagkain.

Kinagatan ko ang sandwich ko at tinignan si Etika.

Matagal ka pa ba?" Tanong ko

She pointed the sandwich she bought, kakabigay palang sa kaniya.

"Hurry!!" Nauna na akong naglakad.




Naalala kong mamayang gabi ay tatakas nanaman ako para puntahan ang bar na laging tambayan ni Micro at Saint, kailangan kong pigilan si Javica sa plano niya, kinamot ko ang buhok ko at nagpatuloy na lamang sa paglalakad dahil nakakawalang gana kapag ang babaeng iyon ang laging napasok sa isipan ko.




Dumating ang uwian, hindi si Saint ang sumundo sa akin dahil may race ito....nang makauwi ay agad akong lumabas ng van at tumakbo papasok sa loob ng bahay at umakyat sa hagdan, umupo ako sa dulo ng kama at nag isip kung paano makakatakas mamayang gabi at kung ano ang paraang gagawin ko




"Cross?" Rinig kong tawag sakin ni Plata mula sa labas ng kwarto namin ni Saint





"What?" I said





"Kumain ka muna sa baba may merienda"





"Im not hungry, i want to sleep" humiga ako sa kamang hindi pa nakakapagpalit ng damit




"Bahala ka, kung gutom ka bumaba ka titirhan ka namin"





Pinikit ko ang aking mga mata.




The Cursed(COMPLETED)Where stories live. Discover now