31

3K 209 25
                                    

Napahawak ako sa ulo ko nang mapabangon ako sa kama, god gracious parang binibiyak ulo ko ngayon ano bang nangyari? Hinilot ko ang sintido ko at dahan dahang minulat ang mga mata ngunit muling napapikit dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintanang nasa gilid....tinalo ko pa ang may hang over tsk.

"Cross"

"What?"

Dahan dahan kong na realize ang lahat, napamulat ako at tinignan ang tumatawag sa pangalan ko....nandito pa kami sa isla nila Frederick, nawalan ako ng malay sa hindi ko alam na dahilan.

Pero tandang tanda ko ang paghahawak kamay ni Saint at Javica, putulin ko kamay ng babaeng iyon masiyadong makapit alam kong gagawa at gagawa yun nang paraan para mapaalis ako sa tabi ni Saint at baka kapag maging silang dalawa na talaga ay baka paalisin na ako sa mansion at sungitan sila Manang Plara, hindi maari yun...wala na akong pakialam kung hindi na ako bumalik sa tunay kong edad basta hindi ako papayag na magsama sila!

Tumayo ako at daliang pumunta sa pintuan, ngunit may pumigil sa balikat ko nilingon ko si Manang Flora na nag aalalang nakatingin sa akin.


"Magpahinga ka muna anak ko" ani nito gamit ang mahinahong tono

"Kailangan ko makita si Saint"


"Magpahinga ka muna Cross, dalawang araw kang walang malay at nag aalala sayo si Sir pero sabi niya ay kapag nagising ka habang wala pa siya ay huwag muna daw kitang patayuin o palabasin sa kwartong to"

"Umalis siya?"

She slowly nodded.

"Kasama si Madam Javica"


"Bakit?" Inis kong tanong



"Sinamahan ni Sir si Madam Javica na sumakay sa kabayo"


Dabog dabog akong bumalik sa kama, damn it...why?! Pwedeng tumanggi si Saint kay Javica bakit sinamahan pa din niya?! Sana hindi nalang ako nagising ngayon kung ganun lang din ang malalaman ko.



"Kumain ka muna" nilapag ni Manang Flora ang platong may lamang pagkain



"Wala po akong ganang kumain" i said



"Hay naku tong batang ito, wag ka nang tumanggi at baka manghina nanaman yang katawan mo, kahit limang subo ay ayos na"



Umupo ito sa tabi ko at sinimulan akong subuan, tinatanong nito kung may masakit ba sa akin ngunit hindi na ako umimik, busy akong patayin si Javica sa isipan ko, sana ay mahulog siya sa sinasakyan niyang kabayo o masipa siya!



Lumabas na si Manang Flora matapos akong pakainin sabi nito ay magpahinga muna ako pero dahil pasaway ako ay lumabas ako  ng kwarto at bumaba sa hagdan, hahanapin ko sila Saint...tahimik ang paligid mukhang lahat sila ay umalis. Lumapit ako sa lalaking kaedad lang ni Saint, mukhang siya ang nagbabantay sa mga Golf cart na nasa paligid. He smiled when he saw me.



"I want to see some horses" nguso kong sabi at sumakay na sa loob




"Nagpaalam ka ba?" Tanong nito at sinimulang paandarin ang makina




Tumango ako, it's 8 in the morning...ang agang mag date ng dalawa ah? Nakakatuwa naman.



Ilang minuto bago kami nakadating sa kinaroroonan nila Saint, bumaba na ako at hinanap ng mga mata ko sila Saint ngunit wala akong makita kaya nagsimula akong libutin ang paligid, hanggang may marinig akong mga tawanan malapit sa dalampasigan kaya agaran akong lumapit don, nagtago ako sa puno ng buko at sumilip.




Nakahiga ang trio'ng sila Plata sa buhanginan habang sila Micro at Elix ay nagtatawanan habang may iniinom na wine. Si Etika naman ay gumagawa ng sand castle.



and there i saw Saint and Javica talking, nakasakay si Javica sa kabayo habang si Saint naman ay nasa gilid lang at halatang binabantayan din si Javica.



Kinagat ko ang ibaba kong labi.




"Bakit hindi ka lumapit?" Napasinghap ako ng may magsalita sa likod ko



"Hindi ka pa umaalis?" I hissed



"Hindi naman pwedeng iwan kita dito, ilang taon kana ba? Baka pagalitan ako nila Sir" he said while scratching the back of his head



"Just go" i hissed again




"Halika lapitan natin sila para makaalis na ako" hahawakan na sana niya ang kamay ko ng lumayo ako sa kaniya



Napatingin ako sa gawi nila Saint nang marinig ang pagsigaw ni Javica, parang nag slow mo ang lahat...slow mo na gumalaw ang kabayo dahilan ng pagkakahulog ni Javica kay Saint hanggang mapahiga silang dalawa sa buhanginan at magtama ang labi nilang dalawa...pati tunog ng alon ay nag slow mo sa pandinig ko.




Nasa ibabaw ni Saint si Javica.



Hindi pa din maalis ang labi nilang magkadikit.



Nakita ko ang pagpikit ni Saint, bago pa magpatuloy ang dalawa ay tumalikod na ako at mabilis na tumakbo papalayo sa gawing iyon.




Habang tumatakbo ako ay nagsimula nang tumulo ang luha ko.




"Huy, madapa ka!"




Bakit ba sunod sunod tong lalaking to sakin?!



Bibilisan ko na sana ang pagtakbo ko nang umangat ako sa lupa, he's carrying me now!




"Let me down!" I said in the middle of my tears




"Bakit bigla bigla kang tumatakbo? Baka madapa ka....oh umiiyak ka" diba halata?!




Sinakay na ako nito sa golf cart at umalis kami sa lugar na iyon.




"Ayoko munang bumalik" i said




"Babalik ka na" sinamaan ko siya ng tingin




"Ibaba mo nalang ako kung ibabalik mo ako ngayon!" Sinapak ko ang braso nito na kinatawa niya




Bumuntong hininga ito, nagulat ako ng ilapat niya ang mga daliri niya sa pisngi ko upang punasan ang mga luha ko




Ngayon ko lang napansing may itsura siya, moreno, mahaba ang buhok, matangos ang ilong, dark brown ang kulay ng mga mata at maganda ang ngiti niya.



"Oh? Bakit nakatitig ka?" He said and chuckled. "Gusto mo bang pumunta tayo sa bahay namin? Nasa dulo ng isla....gumagawa ng halo halo yung nanay ko"




Tumango ako, basta ba malayo ako sa lugar na to.




Ayokong makita si Saint.



Siguro hindi pa din tapos paghahalikan nilang dalawa ni Javica, sino ba naman ako para masaktan? Malandi talaga si Saint.




"Umiiyak ka nanaman"




Nagsimula akong humagulgol, takip takip ng isang kamay ko ang mga mata ko.....




"Sa tagal ko nang nandito ngayon lang ako nakarinig ng iyak ng bata" he said "tigil na, baka mapagalitan ako kapag iuwi kitang maga ang mata"




(Good afternoon)


























The Cursed(COMPLETED)Where stories live. Discover now