30

3.2K 198 59
                                    

"Maganda ba?" Ngiting tanong ni Luca at umikot sa harapan ng full body mirror

"Maganda maganda" natutuwang sabi nila Manang Flora

Masayang sinusuot nila ang mga magagarbong dress na binili sa kanila ni Saint para sa ngayong kaarawan ni Frederick, si Luca kulay pula ang dress nito, si Plata naman ay silver habang si Bea ay kulay asul si Manang Flora naman ay kulay puting dress, bagay sa kanila ang suot nila.


Nakaupo lang ako sa gilid at iniingatang hindi magusot ang suot kong suit, pagod na ako kakalibot sa buong mansiyon ni Frederick ngunit wala akong makitang Saint kahit anino nito, si Micro nakikipaglandian sa mga dalagang nasa baba si Elix naman ay binibihisan si Etika at hindi naman daw niya nakita si Saint.

San nagpunta yun? Magsisimula na ang party ni Frederick, ayaw din naman akong palabasin ng mansiyon ng mga Guard utos ni Saint.


Bumuntong hininga ako at bumaba na sa kinauupuan.


"Saan ka pupunta?" Tanong ni Manang Flora sakin ng makitang lalabas na ako ng kwarto


"Outside" i said


May sinabi pa ito na hindi ko nalang pinansin, muli akong sumilip sa mga balkonahe baka matyempuhan kong nandun siya...kapag nakita ko talaga siya ay masasapak ko ang mukha nun! Pinaghihintay niya ako dito, nakakainis lang! Inis kong ginulo ang buhok ko gamit maayos na yun at nalagyan na ng gel ni Micro.


Bumaba ako sa hagdan at pumunta sa likod bahay kung saan doon gaganapin ang kaarawan ni Frederick..
Marami nang tao ang nandito, may stage na nasa gitna at sa ibabaw ng stage ay may upuang kulay pula doon ata uupo si Frederick mamaya, may mahabang lamesa kung saan doon nakalapag ang mga pagkain, kitang kita dito ang asul na asul na dagat...ang sarap tumambay, nakakapawi ng stress.

Lumapit ako sa isang table na puro desserts ang nakalapag.

Tinignan ako ng isang babaeng nag babantay.


"Anong gusto mo?" Ngumiti ito

"I want that" tinuro ko ang malaki laking chocolate na katabi nito

Hahatiin na sana niya nang pigilan ko siya, akala ba niya ay hindi ko mauubos ang ganiyang kalaking chocolate? Nang maibigay nito sakin ang hinihingi ko ay tumalikod na ako at kinagatan ang hawak.

"Ang gwapong bata"
"Kinupkop daw yan ni Saint"
"Talaga?"
"Nasaan ang mga magulang?"
"Hindi ko alam eh"

Tsk, hanggang dito rinig na rinig ko boses nila....lumapit ako kala Elix na nakaupo na pala sa isang table at kausap si Micro na may kaakbayan nang babae, busangot akong umupo sa harapan nila.

"Oh bat ganiyan mukha mo?" Tanong ni Elix


"Kanina pa niyan hinahanap si Saint, pati ako ay hindi ko makita eh" ani naman ni Micro

"Baka may ginawa lang, babalik din yun" Elix said

Tumabi na din samin sila Manang Flora.


Kalahating oras ang lumipas hanggang magdilim na, nagsimula nang bumukas ang mga ilaw at lanterns na nakasabit sa mga puno nang buko, may umakyat na ding isang host sa stage at nagsimulang magsalita, hindi ko pa din ubos ang chocolate ko at patuloy pa din ako sa pag nguya.

Sa ilang minutong pagsasalita ng host ay nakita ko na si Frederick na malapad ang mga ngiting lumabas ng mansiyon.

"Let's welcome Mr.Frederick!" Nagpalakpakan ang lahat

The Cursed(COMPLETED)Where stories live. Discover now