15

3.5K 222 28
                                    

Kunot noo akong nakaupo sa upuan habang napapaligiran ako ng mga batang naghahabulan at nag sisigawan, may lalapit na sana sa aking babae ng samaan ko ito ng tingin she grab an eraser and throw right into my face, napapikit ako at hinilot ang aking sintido, this is my nightmare wala pa akong isang oras dito sa kwartong ito parang gusto ko nang tumakas at umuwi nalang, natigil ang lahat ng pumalakpak ng malakas ang teacher at pumunta nasa harapan namin, salamat naman at naisipan pa niyang balikan kami, nag si upo ang lahat ngunit may isang isang lalaking nagpaalam na magbabanyo at may dalawang sumunod

"Stand up kids and let sing Abc" napaikot ang aking mga mata sa narinig

Tumayo ang lahat at masayang kumanta ng Abc, i groaned at inilagay ang aking ulo sa desk....pero may bigla nalang nagtayo sa akin, sasamaan ko sana ng tingin ng makita kung sino ito

"Mukhang inaantok si Cross" nakangiting sabi ng teacher

Wala na akong nagawa pa kundi sabayan ang lahat sa pagkanta, sinandal ko ang katawan sa gilid ng dingding....anong oras ang uwian? Kapag tumakas ako malalaman yun ni Saint at baka pagalitan niya ako, damn i don't want to be here...

Maya maya ay bigla akong napangisi, ibig sabihin ako ang magiging top one ng klase, tama Cross ikaw nga ang magiging top one, basic lang lahat ng pasasagutan....papapiliin ka lang ng kung saan ang big at small sa dalawang litrato, mag do drawing ka lang at magkukulay, magsusulat ng pangalan at mag pa plus, so basic!!

"Im etika, nice to meet you" napatingin ako sa batang babaeng lumapit sa akin

Hindi nabulol, pinasadahan ko ito ng tingin, bilugan ang mukha, maganda ang mga mata at kumukumpas ang kaniyang pilik mata sa tuwing siya ay pipikit, ang ilong ay matangos at ang labi naman niya ay may pag ka pink, mahaba ang buhok at maputi.

"Im Cross" maiksi kong pagpapakilala

"Ganda name" she said

Ngumiwi ako ng titigan niya ako, what's wrong with this kid? Umatras ako ngunit sinundan niya pa din ako...nang makalapit na ako sa bintana nagtama ang mata namin ng guard na nagbabantay sa akin may kausap ito sa telepono, kumaway ito sa akin then he suddenly look beside me...tumalikod ang guard at nilapit sa bibig ang telepono nito kaya bumalik nalang din ang tingin ko sa harap.

Matapos ang pagkanta nagsimula nang magturo ang teacher sa harapan, kahit tinatamad ay nagtataas ako ng kamay ko para sagutan ang tinuturo niya sa white board...isang oras ang lumipas hanggang ideklara nang uwian na, mabilis kong inayos ang gamit ko at patakbong lumabas ng classroom, mabilis akong binuhat ng guard ko at tinahak namin ang parkingan ng sasakyan

"Kakausapin ka ni Boss" sabi nito at binigay sa akin ang telepono

Sinarado na ng guard ang pinto sa gilid at pumunta na sa driver seat, tinignan ko ang telepono....maingay ang background ni Saint parang nag paparty ata sila.

Bakit naman ako nito gustong makausap?

"Hello----" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla bigla nalang itong sumigaw

"I told you Cross to stay away if a girl come near you and talk to you!" Sigaw nito, narinig ko naman si Micro na pinapakalma siya


Nag iwas ng tingin ang guard ng makitang nakatingin ako sa kaniya sa salamin, sumbungero!!


"Siya ang unang lumapit and i stay away just like what you've told me...." i said



"Tsk, i bet you know her name" he said with sarcasm in his tone.


Napatahimik ako ng maalalang nagpakilala sa akin ang babae kanina.


"Sinasabi ko na ehhh---" nawala ang boses ni Saint sa linya mukhang inagaw ni Micro ang phone sa kaniya


"Ligawan mo na! Maganda ba? Ako na bahala dito kay Saint  support ako sayo...itanan mo na kung maari----fuck dude ang sakit nun!!" Mukhang sinuntok ni Saint si Micro, rinig ko eh.


Habang nag aaway sila sa kabilang linya ay dahan dahan kong pinindot ang end call....



Bumaba na ako sa kotse at tumakbo papasok sa loob ng bahay, hinintay kong umalis ang guard sa gate bago ako muling lumabas ng bahay at lumapit sa gate, nilagay ko ang bag ko gilid at tumakbo papalabas ng bahay, hanggang sa makarating ako sa coffee shop, nakita ko kaagad ang pamilyar na van na naka park sa gilid, mukhang nasa loob na siya.


Buti sinipot niya ako....



Nang makapasok ako sa loob ay agad nagtama ang mata naming dalawa, umupo ako sa upuan na nasa harapan nito at pinagsalikop ang dalawa kong palad...kumunot ang noo niya bago binaba ang iniinom na kape



"Im really curious about you" he said "who are you?"



"Im harmless, gaya po ng sinabi ko---"



"Wala kang maaasahan sa akin bata, imbes na mag aral kang magbasa ay nandito ka sa harapan ko at kinakausap ako sa mga walang kwentang bagay....huwag mong hintaying gumawa ako ng paraan para ipalayo ka sa bahay na tinitirhan mo"



"H...Hindi ako natatakot sa banta niyo, hindi ako aatras sa sinimulan ko na...."




"Kung ganun, may ipapagawa ako.....bukas ng umaga may susundo sayong mga tauhan ko, sumama ka sa kanila" tumayo ito at lumapit sa gilid ko




Pero may pasok ako bukas....




"Aalis na ako" inayos nito ang suot na polo bago lumabas




(Sorry sa unting update at matagal na update, writers block at inuna ko tapusin yung iba kong story para mabawasan na on-going)







The Cursed(COMPLETED)Where stories live. Discover now