33

3.1K 209 40
                                    

Nasa sala kami ngayon, nakaupo ako sa hita ni Micro habang sila Saint ay nakaupo sa harapan namin, may nag check sa kalagayan ko ngayon which is yung private doctor ni Frederick, wala naman daw akong sakit baka dahil sa pagod kaya ako nawalan ng malay, akala ko ay magpapakita sakin ang fairy ngunit hindi....



Hinaplos ni Micro ang braso ko at pinainom ako ng tubig, wala na si Manuel pinabalik na ni Frederick sa bahay nila habang ang trio at Manang Flora ay nag aayos na ang mga gamit dahil bukas na nang umaga kami aalis dito sa isla, hindi ako makapagsalita umurong ang dila ko ng malamang mananatili si Javica sa bahay ni Saint


"Are you ok now kid?" Micro asked



"Hmm" i hummed


"Pinag alala mo si Saint, wag mo nang uulitin yun" he said "gusto mo bang lumapit kay Saint? He's waiting for you to hug him"


"I don't to come near him" naluluha kong tinignan si Micro



Narinig naman iyon ni Saint kaya tinawag niya ang pangalan ko, nang makita kong tumayo ito para lapitan ako ay mabilis akong kumapit nang mahigpit kay Micro, bumuntong hininga si Micro at ramdam ko ang pag iling nito kay Saint.


"What do you want?" Rinig kong tanong sakin ni Saint "do you want to go home now? Come here, let me cuddle you"


Umiyak ako at binubulong kay Micro na ilayo na ako kay Saint.



"Siguro bro hayaan mo muna tong si Cross, ako muna magbabantay sa kaniya" sabi ni Micro at tumayo karga karga ako "sa kwarto muna kami"


"Cross" pumikit ako upang hindi magtama ang mata naming dalawa



Pumasok na kami sa loob ng kwarto ni Micro, pinaupo ako nito sa dulo ng kama...makalat ang kwarto niya kaya nang makita niya akong pinasadahan ng tingin ang paligid ay agad itong nagpulot ng mga kalat na nasa sahig, nasa sahig din ang gamit na niyang brief kaya napangiwi ako.



Matapos niyang linisin ang kalat na nasa sahig ay umupo ito sa tabi ko.



"Galit ka ba kay Saint?" Tanong niya sakin


Hindi ako sumagot, yumuko ako at binigay ang lahat ng atensyon sa mga daliri ko.



"May sinabi ba siyang hindi maganda sayo? Hindi na ako magtatanong kung sinasaktan ka ba niya kasi alam kong hindi niya magagaya iyon maliban nalang kung may ginawa kang hindi talaga maganda"


Hindi pa din ako sumasagot.



Mas masakit pa tong nararamdaman ko ngayon kaysa sa pagpalo niya sa akin noon, mas durog ako ngayon....hindi ko naman kayang umamin kay Saint na gusto ko siya lalo na at nasa ganitong edad ako.


Ayokong magpakasal silang dalawa ni Javica, muling nagluha ang mga mata ko, kumuha ito ng panyo at pinunasan ang aking pisngi.



"Nagtatampo ka ba dahil sa biglaan balita ni Saint na engaged na silang dalawa ni Javica?" Tanong nito


Tinignan ko siya hindi pa ako sumasagot ay mukhang alam na niyang ang nasa isip ko, tumawa ito at napailing iling....



"Nagtatampo ka nga"


Tinukod nito ang dalawang braso sa kama at tumingala.


"You know what Cross, kahit ilan pang pakasalan ni Saint alam kong hindi ka pa din pababayaan at kalilimutan, ikaw pa" pabiro nitong sinuntok ang braso ko "you changed him, at hindi madaling kalimutan ang isang Cross para kay Saint"


"Hindi mo alam ang----"



"Matagal na kaming magkaibigan, sinabi ko na yan sayo....alam ko ang tumatakbo sa isipan niya, believe me Cross, kung papipiliin siya ikaw o si Javica hundred percent na sayo siya lalapit"


Maya maya pa ay sumeryoso ang kaniyang mukha.


"Kung kaedad ka lang namin ngayon sigurado akong ikaw ang ikukulong niya sa bisig niya"


"Micro...."


"Matutulog na muna ako, may laro ako sa laptop ko kapag bored ka pwede mo yun buksan, walang password" inabot nito ang unan at tsaka pumikit


Binagsak ko din ang katawan ko sa kama.





Kakausapin ko mamayang gabi si Frederick, yun nalang ang kailangan kong gawin....masaktan man niya ako ay tatanggapin ko.




I love Saint, i want to be with him.



Napatigil ang pag iisip ko ng bigla nalang idantay ni Micro ang kaniyang hita sa tiyan ko, inis na tinignan ko siya at ang hudyo nakanganga pa pasukan ko kaya ng brief niya yung bunganga niya?!



Sinuntok ko ang hita nito at lumayo sa kaniya.




---------
"Kunin ko na"



"Kanina pa ata yan tulog, tinulugan ko eh"




Naalimpungatan ako ng makarinig ng bulungan, hindi ako dumilat at kunyaring natutulog pa din.




"I don't know what's happening to him"




"Nagtatampo yan, pabayaan mo muna, pakalmahin mo....bata lang yan. Baka sa mga susunod na araw aayusin din siya"



"Nagtatampo?"




May humaplos sa likod ng aking ulo at alam kong kamay iyon ni Saint.




"Hindi mo kasi sinabi sa kaniyanna engaged na kayo ni Javica" parang ang babaw na dahilan kapag sa ibang tao pero para sakin parang buhay ko na ang nakataya dito.



"It's not important" he said




"Ewan ko ba kung bat pa kita naging kaibigan" Micro laughed













The Cursed(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon