37

3.5K 231 78
                                    

Napakunot ang noo ko habang bumaba sa hagdan, nakita ko si Manang Flora na nakaluhod sa sahig at pinupunasan ang juice na nasa sahig.

Mukhang sinadyang ihulog ni Javica ang baso na may lamang Juice!

Sumusobra na talaga ang babaeng yan, ilang linggo na siyang nandito at kapag wala si Saint ay pinahihirapan niya at sinusungitan ang mga kasambahay, minsan naman ay bigla nalang niya akong sasabunutan at panlalakihan nang mata.

Nilapitan ko si Manang Flora at tinulungan din siyang magpunas nang sahig, pinigilan niya ako at inalala ang tuhod ko baka daw umitim pero pinagpatuloy ko pa din ang pagtulong, narinig ko ang pagtawa ni Javica.

"Bagay mo pala" she said "but Cross hayaan mo na si Manang diyan, that's her job, you know what, kunan mo nalang ako ng bagong juice"

"May kamay ka naman ah? Bakit hindi ikaw ang kumuha?" Tumayo ako at tinaasan siya ng kilay

"Don't you see, im pregnant, i can't move a lot"

"Wow kaya pala kahapon ang shopping ka kasama mga kaibigan mo, gabi ka na umuwi....sa pagkakaalam ko din pinapunta mo pa sila dito at nag party sa garden"

Mamayang gabi pa uuwi si Saint, tatlong araw na siyang hindi nauwi dahil may karera nanaman sila ni Micro, at sa mga panahong wala si Saint nagbubulakbol ang buntis nitong girlfriend hindi na nahiyang magkalat sa garden....

"You have no respect!" She annoyingly said

"I have no reason to respect you Javica" malamig kong sabi

Bago pa magsalita ito at tumalikod na ako at sinundan na si Manang, grabe ang inis ko sa kaniya halos gusto ko na siyang sugudin....siya ang magbibigay stress sakin siya ang magbibigay highblood sakin.

"Hindi tama ang ginawa mong pananalita kay Madam Javica, Cross" sermon sakin ni Manang Flora matapos maghugas ng kamay

"Hindi din tama ang pinagagawa niya sainyo" pinilit kong hindi magtaas ng boses, ayokong magtampo sakin si Manang

Ngumiti ito at sinuklay ang buhok ko gamit ang kaniyang mga daliri.

"Kasambahay kami dito, trabaho namin ang maglingkod sa inyo...wag kang mag alala, malakas pa naman ang Manang Flora mo" hindi ko alam kung bakit nagbagsakan ang luha ko sa sinabi niya "wag mo nang uulitin ang nangyari kanina, masama yun...."

"Ayokong makita kang nasa ganung sitwasyon" halos pabulong kong sabi "nasasaktan ako"

"Ayy naku ang anak ko umiiyak na" she hugged me, i closed my eyes and let my tears flow

I miss my mom.

I really want to hug her.

Gusto kong humingi ng tawad.

"Simula nang dumating ka dito binigyan mo ng kulay ang paligid, tinuruan mong magmahal si Sir. Saint, nakakatuwang magkaroon ng bata dito, kapag nakikita kita nawawala ang pagod ko" hinaplos nito ang pisngi kong basa dahil sa luha "mahal kita anak ko, nandito lang ako kapag kailangan mo ko, wag ka nang mag alala sakin ah? Gaya ng sabi ko malakas pa ako"

"Manang Flora...." patuloy pa din ang pagtulo ng luha sa pisngi ko

Napapikit ako ng halikan nito ang aking noo, ilang segundo ang lumipas nang maramdaman kong lumulutang ako kaya binuksan ko ang talukap ng aking mata at nagulat ng makita ang paligid na puro puti na lamang.

Nasaan ako?

May lumitaw na salamin sa di kalayuan, walang pag dadalawang isip na nilapitan ko iyon

Napatakip ako ng bibig at muling lumuha nang makita ko si Manang Flora na nakangiti habang pinagmamasdan akong naglalaro sa sala.

Maya maya ay nawala ang imaheng iyon at napalitan, si Manang Flora na pinupunasan ang likod ko dahil sa pawis, ang pinakikita sakin ng salaming nasa harapan ay kung paano ako alagaan ni Manang Flora, kung paano niya ako tratuhin bilang anak at mahalin bilang anak, kung paano ito lumuha sa tuwing makitang nalulungkot ako, kung paano ito mag alala tuwing may sakit ako o nawawalan ng malay.

The Cursed(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon