27

3.1K 196 14
                                    

"Huy! Kamusta ang karera ni sir?!" Bumungad sa harapan ko ang trio na sila Plata, Luca at Bea



"Ang ho-hot ng mga kaibigan ni Sir" kagat labing ani ni Plata



"Lalo na si Sir Micro, tatakbo talaga ako sa labas na walang suot na damit kapag inalayan niya ako ng singsing" ani naman ni Luca



Binatukan naman siya ni Bea at iniikot ang mga mata, gusto din niya kasi si Micro...



Ngayon ko lang napansin na matagal na pala kaming hindi nag uuusap ng ganito, sobrang busy nila pati na din ako kaya hindi nagtatagal pag uusap namin at hindi kami nagbubuong apat. Minsan kasi si Plata lang nakikita ko.



Pinagbalatan ako ni Bea ng mansanas, nandito kami ngayon sa bagong gawang kubo malapit lang sa ilog....wala kami sa mansion ngayon, day off nila Plata hindi sana ako sasama sa kanila dito kaso ay busy din si Saint sa opisina niya kaya sumama nalang ako dito.



Magandang ang paligid, lalo na ang ilog, kitang kita ang nasa ilalim sa sobrang linaw...umalis na si Luca sa tabi namin upang maligo nakasuot lamang kaming apat nang shorts at damit, may mga ibang tao kasing naliligo din tsaka nahihiya ang tatlo magpakita ng skin, pero kapag sa harap ko walang hiya silang naghuhubad tsk.



"Cross halika na!" Yaya sa akin ni Plata



"Sige!" Masaya kong tugon




Tumayo ako at lumapit kay Plata sabay kaming dalawang pumunta sa hindi malalim na part ng ilog, umupo ako sa batuhan ay nagtampisaw sa tubig....



"Wag niyong ilayo tingin niyo kay Cross!" Sigaw ni Manang Flora



Nakalimutan ko nga palang kasama siya, may binili lang siya sa tindahan kanina, sumaludo ang tatlo tsaka ako nilaro sa ilog, wala akong ibang ginawa kundi tumawa sa mga kalokohan ng tatlo...napapatingin na din sa amin ang ilang mga taong nandito dahil sa ingay namin.



"Buti sinama ka namin dito!" Plata exclaimed




"Oo nga, ang saya mo kasama Cross para kaming may batang kapatid" Luca and bea said




Ngumiti ako, pinanood ko silang lumangoy langoy...may mga batang niyayaya akong makipaglaro sa kanila ngunit umiling lang ako at sinungitan sila. Wala akong ganang makipaglaro sa mga di ko kilala, hindi ba nila pansin na may mga kasama na ako? Tsk.




Tumayo ako at tumakbo pabalik sa kubo, nakaupo si Manang Flora at inaayos ang mga nakakalat na kagamitan nila Plata.



"oh bat ka naman tumakbo baka madulas ka niyan" she said



"You can't swim?" Tanong ko




"Matanda na ang Manang Flora mo baka malunod lang ako diyan" tumatawang ani nito



"Bitawan mo nga ako!!" Agad akong napalingon sa kinaroroonan ng boses



Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Bea na hawak hawak ng isang lasing na lalaki sa braso, napatayo si Manang Flora ngunit pinigilan ko siya si Plata at luca naman ay nasa tabi ni Bea at pinapaalis din ang lalaki.



Agaran akong kumuha ng stick at lumapit sa kanila sabay malakas na hinampas ang likuran ng lalaki, galit itong napatingin sa akin, tinaasan ko siya ng kilay at hinampas din ang kamay niyong nakahawak sa braso ni Bea.



"Look at your filthy hands!" I shouted "stupid!"




"Gago to ah" binitawan ng lalaki sa Bea, tsaka pinalapit ang dalawa pa niyang kasama



"Wag mong sasaktan ang bata" lumapit sa akin ang tatlo habang si Manang Flora ay pinapatigil na kami




"Don't come near me!"




Nilayo ako nila Plata sa tatlong lalaki.




"Makipaglaro ka samin bata" ngumisi ang isang lalaki at halos masuka ako ng makitang matigyawat ang mukha nito at kulay dilaw ang ngipin, hindi ba uso ang salitang toothbrush at toothpaste sa kaniya?



"Ogre" i hissed at them



Napatili sila Plata ng kunin silang ng iba pang kasamahan ng lalaki, madami sila....nagsimula nang manginig ang mga tuhod ko ng makitang pilit na hinuhubad ng mga lalaki ang mga damit nila Plata, nagsilayuan ang ibang tao takot na madamay sa nangyayari, mabilis kong pinaghahampas ang mga mukha nila kaya napaupo sila at nabitawan sila Plata.




"Don't touch them! Don't touch them!!" Paulit ulit kong sigaw habang may mga luha nang namumuo sa mata ko "no! Don't touch them! Stay away!"



"C..Cross" tawag sakin nila Luca




Nabitawan ko ang hawak kong kahoy ng buhatin akong parang sako ng isang lalaki.



"Ang kinis mo naman bata, kapag binenta kita malaki ang makukuha naming pera" tumawa ang lahat ng mga kasamahan niya



"Ibaba mo siya!" Sigaw ni Bea




Nandidiri man ay kinagat ko ang likod nito, napasigaw siya sa sakit at nabitawan ako pumikit ako at hinihintay ko ang pagbagsak ko sa batuhan ngunit ilang minuto wala paring nangyayari kaya dinilat ko na ang mata ko at nakita ko si Saint na galit na galit na nakatingin sa harapan namin.



Kasama niya si Micro.



"What did you do to this kid?" Tanong ni Saint sa mga lalaki




Nagmamadaling lumapit sila Plata sakin at kinuha ako sa braso ni Saint.




"Ayos ka lang?" Tanong nila, tumango tango ako




"Pakialamero eh" maangas na sabi ng pangit na lalaki, lahat sila pangit!




"Jusko kayong mga bata" lumapit samin si Manang Flora at lumuluhang tinignan kung ayos lang kami




Mabilis ang nangyari  pag lingon namin sa harapan nakahandusay na ang mga lalaking nambastos kala Plata, kinuha ako ni Saint at pumunta kami sa nirentahan naming kubo, pinatayo ako ni Saint don at pinasadahan ng tingin ang buo kong katawan.




"Sinabi ko nang bantayan niyo diba?!" Galit na sabi nito sa apat



Magsasalita na sana si Manang Flora ng maunahan ko ito.



"Binantayan nila ako, nag uusap kami ni Manang flora dito sa kubo ng bigla nalang bastusin sila Plata kaya hindi ako nagdalawang isip na kumuha ng kahoy at lumapit sa kanila tsaka hinampas mga mukha nila, they tried to rape them" umiyak ako nang maalala kung paano piliting alisin ng mga lalaki ang kasuotan nila Plata "i hate them!"




"Ayos lang kayo?" Tanong ni Micro sa tatlo




"Kung hindi dahil kay Cross baka natuloy na silang magalaw kami" nakayuko ani ni Bea




"Maraming lasing dito at wala sa katinuan, bakit dito niyo pa naisipang maligo? Pwede niyo kong sabihan edi sana nag pa reserve ako ng resort" napatigil ako sa pag iyak



Resort? Grabe yan ah.




"Let's go home...bukas na bukas sasama kayo sa akin, pack your things" ani ni Saint at kinarga na ako.




(Ang sarap matulog, umuulan...)

The Cursed(COMPLETED)Where stories live. Discover now