14

3.5K 223 6
                                    

Nakatingin lang ako kay Saint habang inaayos nito ang sasakyan na gagamitin, mawawala kasi siya ng tatlong araw dahil pupunta siya ng spain para sa karera ayaw niya akong isama dahil walang magbabantay sa akin dahil busy din si Micro sa race na iyon hindi ko din naman pinilit pang sumama dahil wala din akong gana para sa mga ganiyan tatlong araw lang naman siya doon, inangat ko ang dala kong bag nitong pinapahawak niya sa akin kinuha niya iyon saka hinagis nalang papasok sa loob ng race car niya, tumalikod ako para kunin sa gilid ang helmet matapos kong makuha ay lumapit ako ulit sa kaniya at dahan dahan iyong pinasok sa loob ng kaniyang sasakyan




Matapos ang ginagawa niya ay lumingon ito sa akin pinasadahan muna niya ako ng tingin bago siya sumandal sa hoodie ng kotse at nag crossed arms, sinenyasan niya akong lapitan siya na ginawa ko naman




Ano nanaman bang gusto ng hudyo na to? Bakit hindi nalang siya umalis para magawa ko na ang mga kailangan kong gawin?



Inosente ko siyang tinignan.




"Ikaw" he said sabay duro sa akin "keep my room clean, ayokong malaman na lumalabas labas ka ng hindi nagpapaalam, tatlong araw akong mawawala kiddo, so stay behave while im gone"




"Yes" tumatango kong sabi




Tinignan pa ako nito na para bang hindi naniniwala na hindi ko susundin ang sinasabi niya, inis itong napakamot sa batok saka pinatawag si Manang Flora na agad ding dumating, hindi maiwasang mapaikot na lang ako ng mata dahil sa mga naririnig kong habiling binibigay ni Saint kay Manang Flora para sa akin, huwag daw akong kalimutang pakainin ng madami dahil kaugalian ko daw na bumaba ng hagdan kapag hating gabi para mangalkal ng makakain, hindi din nito nakalimutan ang simula ng pasukan ko bukas huwag daw akong pabaunin ng mga greasy foods dapat daw ay vegetable salad.




Tango tango ang binigay ni Manang Flora saka ako hinawakan sa magkabila kong balikat, umayos na nang tayo si Saint saka mabibigat ang paghakbang na nagtungo sa pintuan ng kaniyang kotse at binuksan na iyon....



"Are you not going to cry?" He said at tumingin sa akin



Ano ako bata? I mean nasa kaanyuan ako ng bata pero yung isip ko hindi na bata...




Umiling ako kaya napakunot ito ng noo, bumalik na si Manang Flora sa loob dahil may gagawin  pa daw gumilid na din ako dahil sinimulan na nitong paandarin ang makina ng kotse niya




"Come here"




Dahan dahan kong nilapit ang sarili sa kaniya, nagulat ako ng kinuha niya ang kamay ko saka nilagay doon ang isang maliit na bear, amoy na amoy niya ang bear na binigay niya sa akin




"What im going to do with this?" I asked





"A.....Ano pa ba, p....para hindi mo ako mamiss!!" Nakita ko ang pamumula ng pisngi  ito lalo na ang tenga



"Ok..." nilagay ko sa bulsa ang binigay nito





"Kapag may lumapit sayong mga babae bukas ay huwag mong pansinin, naiintindihan mo?" Tumango ako "aalis na ako, gumilid ka baka hindi kita makita sa sobrang liit mo at baka masagasaan kita"




Lihim ko siyang sinamaan ng tingin, sinarado na nito ang pintuan ng kotse pero binaba naman ang bintana, nilabas niya ang isa niyang kamay at pinalaylay iyon habang ang isa naman ay nasa manibela na ang hawak




Hindi ko alam kung bakit hindu pa siya umaalis eh kanina pa niya sinasabing aalis na siya.




"May gusto ka bang ipabili?" Umiling ako "uhmm yeah...aalis na ako"




"Ok...bye"




Bumuntong hininga ito bago sinarado ang bintana, sinundan ko ng tingin ang kotse niyang papalayo....napaupo ako sa gilid saka napahawak sa aking dibdib  ng makaramdam ng pagbilis ng tibok ng aking puso, namumulang dinukot ko sa bulsa ang bigay nitong maliit na bear saka iyon inamoy habang nakapikit, parang nasa paligid ko lang siya dahil sa amoy niyang bumabalot sa bear na hawak ko....tumayo na ako at pinagpagan ang nadumihang shorts, tahimik akong pumasok sa loob at agad na umakyat sa hagdan at dumiretso sa kwarto naming dalawa ni Saint.




Nang makapasok ako ay hindi ko maiwasang ngumisi at umupo sa kaniyang swivel chair




"Hello"




I tilted my head when i heard his voice, tinapat ko sa bibig ko ang telepono saka mahinang tumawa




"Sino to?"




"Ako po ito si Cross ang batang nakausap niyo sa coffee shop" narinig ko ang mahina nitong pagmumura




"Wala akong balak pakinggan ang nga susunod pang salitang babanggitin mo, may ginagawa ako ngayon"




"Gusto ko po ulit kayong makausap" natigil ito "bigyan niyo pa po ako ng chance para pagbatiin kayonv dalawa, gusto ko pong linawin ang madilim niyong ugnayan----"




"Abat!! Bata sinasabi ko sayo wa akong planong makinig--"




"Alam ko pong pasimple niyong binabantayan ang anak niyo, may mga guard po kayong sumusubaybay sa kaniya....aminin niyo man o hindi alam ko pong nag aalala din kayo sa anak niyo, magkita po tayo bukas ng hapon sa coffee shop" binaba ko na ang linya saka napasandal sa swivel chair




Ano na ang mangyayari sa akin maliban sa pagbalik ko sa dati kong anyo kapag naayos ko na ang mission ko? Biglang bumigat ang dibdib ko kaya winasiwas ko na ang iniisip saka humihikab na bumaba ng kinauupuan at patalong humiga sa kama ni Saint, wala naman siya kaya dito muna ako...



(Matatagalan pa ang susunod na update dahil talagang piga na po ang utak ko hahahaha)





The Cursed(COMPLETED)Where stories live. Discover now