44

4K 171 12
                                    

Hawak kamay kaming nakaupo sa buhanginan habang pinapanood ang paghampas ng alon, i feel safe and calm...pumikit ako at pinakiramdaman ang pag ihip ng hangin, naramdaman ko ang kamay na humahaplos sa pisngi ko kaya dahan dahan kong iminulat ang mga mata and i saw Saint smiling at me

"Stunning" he mouthed

Goodness halos lahat nalang ng mailabas ng bibig niya ay nakakakilig except sa sinabi niya kanina tsk kapag naaalala ko iyon kumukulo ang dugo ko bahala siya tumira siya mag isa don, singsing ang gusto ko at hindi bahay, tse!

Inikutan ko siya ng mata, mukhang alam naman na nito kung bakit ko nanaman siya sinusungitan, hinila niya ako papalapit sa kaniya nang tabing tabi na kaming dalawa ay hindi pa din siya nakuntento tumayo ito at pumwesto sa likod ko ang dalawa nitong hita ay nasa magkabilang gilid ko at dumidikit na din ang likod ko sa kaniyang harap, muli nanaman niyang pinagsalikop ang palad naming dalawa

"Saint?"

He answered me with a hummed.

"Kapag ba hindi ako dumating sa buhay mo mag aasawa ka ba ng babae?" Tanong ko at inihiga ang likod ng ulo sa kaniyang balikat upang masulyapan ko kahit papaano ang kaniyang perpektong mukha

"Yes"

He ruffled my hair when he saw me pouting.

"Hindi mo naman ata ako hahayaang tumanda ng mag isa diba?" Natatawa nitong sabi

"Kung ganun ilang anak ang gusto mo?"

He brushed his hair using his fingers at mukhang nag iisip kung ilan ba ang gustong anak, kung ako ang tatanungin siguro bibigyan ko ng madaming apo si mom dahil gusto kong makita siyang masayang nilalaro ang mga anak ko o di kaya ay hindi nalang ako mag aasawa, sasamahan ko nalang si mom na gumala sa buong mundo.

Bumalik muli ang tingin ko kay Saint ng maramdaman ang pag galaw nito

"3, i want three kids" he said


Yumuko ako at nilaro ang balahibo nito sa hita.


"Pero hindi ko maibibigay ang gusto mo"


"You're enough, Cross"


Nagpakawala ako ng buntong hininga


"Saint, kahit hindi mo sabihin sakin alam kong nag hahangad ka pa din ng mga anak....sino ang may ayaw na mag karoon ng anak--"

"We can adopt" pinaayos nito ang upo ko kaya ngayon ay kaharap ko na siya, nilagay ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilaang balikat ko at marahan iyong niyugyog "c'mon, as long as i have you and you have me, we don't need kids....if i want one then we can adopt, we also can adopt a hundreds of dogs if you want"

Niyakap ko siya, ang galing talagang magpakilig ng isang Saint Buenavista malaman ko lang talagang hindi lang ako ang sinabihan niya ng mga ganitong salita ay humanda siya sakin kahit mahal ko siya ay ipapakain ko ang alaga niya sa mga buwaya o di kaya ay ipapahabol ko siya sa mga bulldogs!


"I love you, Cross" bulong nito sa tenga ko


"I love you more"


"Say my name, Cross"


"Uhh Saint?"


Ouch!


Lumayo ako sa kaniya ng pitikin nito ang noo ko, sabi niya say my name tapos nung sinabi ko na pinitik ang noo ko bigla, seriously? Maayos pa ba ang takbo ng isip niya?


The Cursed(COMPLETED)Where stories live. Discover now