28

3.2K 220 42
                                    

Nasa van na kami ngayon, van to ni Micro, kasama sila Manang flora, at ang trio nasa likod sila ngayon...katabi ko si Saint, sumama din si Elix at hindi ko aakalaing dala dala niya si Etika.


Base sa pagkakarinig ko ilang araw kaming mananatili sa isla hindi sa isla na pinuntahan namin ni Saint noon, ibang isla ang pupuntahan namin ngayon isla ng tatay ni Saint, yup you read it right...isla ni Frederick. Gulat man at hindi makapaniwala sa naririnig kong pag uusap nila Micro at Saint kanina ay pinakinggan ko pa din ang hanggang dulo ang usapan nilang dalawa.


Kaarawan pala kinabukasan ni Frederick at nagbigay ito ng invitation kay Saint, tinukod ko ang braso ko sa hita ni Saint at nahuli si Etika na nakatitig sa akin nang makita ako nitong nakatingin na sa kaniya ay agaran siyang nag iwas ng tingin


Siguro naalala niya yung ginawa kong pagwawala at pagsigaw sa klase, maganda na ding ganiyan siya yung iniiwasan ako hindi yung kinukulit niya ako ng sobra at halos ipagkalat na sa lahat na gusto niya akong maging boyfriend.


Sumisipol sipol si Micro habang nag da drive, yung katabi ko naman nakapikit na ang mga mata at nakasandal ang ulo sa head pillow niya, dahan dahan kong kinalas ang kamay nitong nasa bewang ko nang makalas ko ay tumayo ako at sinilip sila Plata.


Si Bea tulo laway habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Plata, yuck talaga.


Si Luca naman ay busy sa bagong bigay sa kaniyang cellphone ni Saint kaninang umaga, binigyan din nito si Plata at Bea. Ako wala...naghihintay nga akong maglahad siya ng cellphone sa harapan ko pero wala eh.


"Gusto mo mag drive" sabi ni Micro


Lumapit ako sa gawi niya at sinandal ang baba ko sa kinauupuan niya.


Nakatulog na din si Etika.


"Baka mabangga lang tayo, ang liit liit ng paa niyan paano tatapak sa brake?" Pang aasar sa akin ni Elix


"What?!" I hissed at him



"Bakit abot mo?" Nagsisimula nanaman siyang inisin ako!


"Lalaki din yang si Cross, kapag lumaki ka na tapakan mo mukha niyang si Elix" tatawa tawang sabi ni Micro


"Gago"



"Malayo pa ba?" Tanong ko



"Isang oras pa, tapos dalawang oras naman sa yate" Elix said


"Hmmm" i hummed


Total kaming dalawa lang naman ni Saint ang nasa gitna ay humiga na ako at ginawang unan ang mga hita nito.


Ilang minuto ang lumipas ng makaramdam ako ng boredom kaya tumingala ako at pinindot pindot ang matigas na dibdib ni Saint, ang swerte ng mga babaeng naikama niya.....ano ang feeling na mahalikan ng isang Saint Gallanoza? Ano ang feeling na gumising nang umagang parehong walang suot na damit at magkayakap? Anong feeling?




Nakaramdam agad ako ng inggit sa mga babaeng naikama na niya, gusto ko tuloy siyang gisingin ngayon at tanungin kung anong ginagawa niya pagkatapos tirahin ang isang babae, sasamahan ba niyang matulog sa iisang kwarto o iiwan nalang niya pagkatapos nang nangyari?



Ang gwapo niya....



Siya lang ang lalaking nagwapuhan ako.




Sa tagal kong pagtitig sa kaniya ay doon ko nalang napansin na nakatigil na pala ang van at isa isa na silang nalabas, nagmamadali akong umupo at tumingin sa bintana



May malaking yate na nasa gilid at mukhang hinihintay na kami.



Binuksan ko ang pintuan ng van at tumakbo papalapit sa yate, nauna akong sumakay doon dahil kinukuha pa nila mga gamit nila....



Umakyat ako sa upuang nasa gilid at pinalaylay ang dalawang kamay sa railing ng yate




Nakita ko si Saint na nag uunat unat nang makababa sa loob ng van.



"Did you see Cross?"



Napangiti ako ng marinig iyon




My heart's melting.




Tinaas ko ang isa kong kamay, tinawag siya at kumaway ako ng tumingala ito at magtama ang mata naming dalawa...lumapad ang ngiti ko.



"Im already here" i shouted




"I know..." he mouthed and give me a warm smile.



Umakyat na sila sa yate, hanggang ngayon ay hindi pa din matigil ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa ngiting binigay niya sa akin.



Para niya akong ginayuma lalo.




"Ang ganda dito....picture-an mo ako!" Masayang ani ni Plata kay Luca




"Huy ako din" ani naman ni Bea




"Magandang kuha ahhh tsaka dapat sexy ako diyan" plata said




"Hinaan niyo boses niyo" suway sa kanila ni Manang flora



"It's ok Manang" sabi ni Saint nang makalapit siya kay Manang Flora, tinawag ni Saint ang isang lalaki na mukhang mag aassists samin



May sinabi si Saint dito, tumango ang lalaki at hinawakan ang braso ni Manang Flora....baka inutusan na ipasok si Manang Flora sa loob para pagpahingahin.




"Bumaba ka diyan baka mahulog ka" sabi ni Micro sa akin



"I want to eat na uncle" ngusong sabi ni Etika kay Elix



"Pakainin ko muna tong magandang pamangkin ko" paalam ni Elix



"You want eat?" Tanong sakin ni Saint nang makalapit na sa gawi ko



Umiling ako.



"Im not hungry" i said.



Hindi pa din natigil sila Plata na kunan ng litrato mga sarili nila.



"Look here" sa paglingon ko kay saint ay nagflash ang hawak nitong phone



Kinukuhanan din niya ako ng litrato.



"Smile" he said



Hindi na ako nagdalawang isip pang gawin ang sinabi nito, ngumiti ako at nag peace sign....maya maya pa ay inutusan niya sila Bea na kunan kaming dalawa ng litrato.



Tinignan naming dalawa ang kuha at lahat ay magaganda, nang ipahiram niya phone niya sa akin ay pinalitan ko ang kotseng wallpaper niya...pinalit ang litrato naming dalawa kung saan nakatingin si Saint sa akin habang ako naman ay labas ang dila.



"Look" pinakita ko sa kaniya ang bagong wallpaper ng phone niya



"Good"




Gumala ako sa gallery niya, napanganga ako at namula ng makitang halos stolen shots ko ang laman ng gallery niya...meron siyang litrato kong natutulog ako, meron ding kumakain at naglalaro.



Hindi ko mapigilang magulat kahit na alam ko mukha ko nasa gallery niya pero kasi naman kada isang araw may sampung stolen shots ako sa kaniya.



He's secretly capturing me.



(Stay safe everyone!!!)




The Cursed(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon