36

3.4K 223 71
                                    

"We're home" nakangiting ani ni Javica

We're home? Makikitira ka lang dito, napaikot nalang ang aking mga mata at naunang pumunta sa kwarto namin ni Saint, kinuha ko lahat nang damit ko at binalik sa dati kong kwarto, hindi ko na hihintaying sabihan ako ni Saint na alisin ang mga gamit kong nasa kwarto niya, wag siyang mag alala tabi sila ni Javica nakakahiya naman kapag sumingit ako eh baka may masabi pa.

Matapos kung kunin ang lahat ay naligo na ako at nagsuot nang komportableng damit at nahiga sa kama.

Kapag naaalala ko ang nangyari kanina sa restaurant ay gusto ko nalang manakit nang tao, paano ba naman ako ang pinagbintangan ni Javica na sumipa sa paa niyang nasa ilalim nang lamesa kahit wala namang sumisipa? Baka daw mapaano ang baby kaya nagalit nanaman sakin si Saint at lumayo silang dalawa nang table. Nakakawalang gana tuloy, sarap nang kain ko tapos masisira lang nang basta basta?

Kinuha ko ang unan na nasa gilid at kinagat iyon, nanggigigil talaga ako.

Ibabato ko na sana ang unan nang bumukas ang pinto.

Napaupo ako galing sa pagkakahiga.

"Manang Flora"

"Unti lang nang kinain mo kanina, halika at ipagluluto kita" kinuha nito ang sapatos kong nasa sahig at pinagpagan

"Busog na ako Manang Flora, magpahinga ka na..." ani ko

"Sige, kapag gutom ka bumaba ka lang"

tumango ako

Bumalik ako sa pagkakahiga yakap yakap na ang unan na kanina ay kinakagat ko.

Gabi na nang gisingin ako ni Manang Flora upang kumain nang dinner, naghilamos muna ako nang mukha at lumabas na nang kwarto, nakarating na ako nang dining area at nakita ko kaagad ang bruha na nakaupo na sa tabi ni Saint at masayang kumakain, feel at home? Sipain kita diyan eh..

Pumwesto ako sa dulo upang hindi sila mapansin, ginulo ni Luca ang buhok ko at nilapag na sa harapan ang pagkain ko, i thanked her and started to dig up my food.

"I want some apple's" rinig kong sabi ni Javica kala Manang Flora "a fresh one"

Wow, makautos kala mo siya nagpapa sweldo.

Binilisan ko ang pag nguya at pagsubo ko dahil gusto ko nang makaalis dito.

"Gatas mo"

Ngumuso ako kay Bea at umiling.

"I don't want to drink milk today Bea" i said

Bumuntong hininga ito at ilalayo na sana ang baso na may lamang gatas nang magsalita si Javica.

"You should drink your milk Cross, wag kang maarte" tumingin ako sa kaniya at pigil na itaas ang isa kong kilay

Ngumiti ako.

"Stop eating my grape's, that's mine" i said

"O my god, bawal ba?" Paawang tumingin ito kay Saint "am i not allowed to eat these grape's? im craving for this....why?"

Ang bruha trying hard umiyak, inis na iniinom ko ang gatas.

"Ayusin mo ang pananalita mo Cross, respect" Saint said

Humigpit ang hawak ko sa baso at pigil ang luha sa pagtulo, nakakainis silang dalawa!

Nang matapos na akong kumain ay agad na akong umalis hindi na ako nag paalam, kasi...nakakahiya naman kung makaistorbo ako sa kanilang dalawa, baka mainis pa yung bruha at maimpluwensiyahan nanaman si Saint at ako ay pagalitan.

The Cursed(COMPLETED)Where stories live. Discover now