KABANATA - 1

11 2 0
                                    


"Order niyo, Sir," ani ko at inilapag sa mesa ang mga alak.

Tinapunan ko siya ng tingin. Mag-isa lang siya sa table kaya pakiramdam ko talaga ay sex ang punta niya dito.

Nagtatatrabaho ako sa isang strip club bilang isang waitress. Waitress lang talaga. Minsan ay pumapayag na mag-pa-table kung gipit na.

Hindi ko naisip na magbenta ng laman dito. Hindi ko nga masikmura ang mga milagrong ginagawa ng karamihan sa customers namin. Palagi akong naiilang dahil sa bawat sulok ng dilim ay may nangyayaring karumihan.

Sobrang hirap lang talaga ng buhay kaya kapit sa patalim. Hindi naman din ako ganoon katalino. 2nd year college lang ang natapos sa kursong Education. Pahirapan ang pag-pasok ko sa trabaho at palaging umuuwing butas ang bulsa.  Ang gastos sa pamasahe at pagproseso ng mga requirements na hindi naman ako natatawag ay lalo lang sa amin nagpapabaon sa utang.

Ganda lang talaga ang meron ako. Ganda at ang kakayahan na mang-akit.

Kaya ako napadpad dito. Sa kung saan din nagtatrabaho si Lolita bilang make-up artist ng mga strippers at bayaran sa VIP customers. Mula ng tumayong magulang si Lolita sa amin ay dito na siya nagtrabaho. Hindi ko alam kung saan na si Lolo, 'yung asawa niya. Ni minsan ay hindi niya nabanggit si Lolo.

Ilang beses ko siyang natanong tungkol dito pero palaging iniiba ang usapan o biglang may gagawin daw. Halata pa rin ang sakit sa mga mata niya. Hindi pa rin siya nakaka-usad mula sa nakaraan nila ni Lolo.

Hindi ko lang alam kung para saan ang sakit. Kung dahil ba sa ibang babae ang nakatuluyan ni Lolo... o namaalam na siya.

"Miss, can I table you?" Nahila ako sa kasalukuyan sa biglang tanong ng amerikano. Namangha ako sa accent niya.

Pinakatitigan ko muna siya ng ilang saglit bago tumango at nakaka-akit na ngumiti. "S-sure."

Pinaalalaahanan ko na kailangan kong mag-extra-kayod. At isa lang ang ibig sabihin 'nun— ang mag-pa-table kung kani-kanino.

Kailangan kong ipa-chaeck-up si Vlady at mag-ipon na para sa matrikula niya. Sa susunod na pasukan ay college na ang kapatid ko. Tapos may bayarin pa kami kila Aling Ging-ging. Alam kong anong oras ay ipapa-blotter niya kami sa barangay at kukunin ang mga naipundar naming appliances pag hindi kamo agad nagbayad.

Kaya oo, kailangan ko talagang mag-banat ng boto.

Hindi nakikita ang kabuoan na hitsura ng mga waitresses dito dahil naka-suot kami ng furred mask. Tanging ang mata, ilong at labi lang namin ang lantad.

Nag-susuot ako ng brown contact-lens para maitago ang kulay damo kong mga mata. O emerald green ani ng karamihan. Malalim at makulimlim na berde.

Ang mga mata ko din ang rason kung bakit kilala ako sa lalawigan namin. Hindi lang dahil sa pagpapaka-pokpok ko kuno, kung hindi dahil sa mga mata kong namana sa banyagang ama ko.

Ganoon din ang kulay ng mata ni Vlademyr kaya maraming babaeng umaaligid sa ungas na 'yun. Hindi nga lang pinapansin dahil wala namang kahit isang porsyento ng kalandian sa katawan. Puro pag-aaral.

"What's your name?" he asked when I settled beside him. Pinatong niya ang braso sa sandigan ko.

"Amanda," pakilala ko. "And you are?" tanong ko pabalik.

"Giovanni." Ngisi niya at sumimsim sa inumin habang malagkit akong pinakatititigan.

Gwapo siya. Mestizo at mukhang may masasabi sa buhay. Hindi na kataka-taka. Itong club na pinagtatrabahuan ko ay hindi din naman pucho-pucho lang. May masasabi din ang reputasyon ng bahay-aliwang ito.

Sweet Vittoria ReignsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang