KABANATA - 16

6 1 0
                                    


Wasn't courtship meant for something deeper?... more genuine and everlasting? Love, for example. Sapat ba talaga na gusto mo ang isang tao kaya mo siya liligawan?

Paano kung gusto mo siya dahil maganda siya sa paningin? Gusto mo dahil pwede mo siyang ipagyabang sa tropa mo.

Gusto mo lang kasi mayaman? Kasi kaya niyang ibigay sayo ang mga hinihiling at mga pangangailangan mo. Gusto mo kasi may pakinabang.

Paano kung gusto mo lang kasi convenient siya para sayo? Gusto mo kasi siya lang naman iyong nandiyan. Iyong malapit. Iyong madaling kunin at abutin.

Pagkagusto... sapat ba talaga iyon para ligawan mo ang isang tao?

Wala akong alam. Wala akong karanasan sa mga bagay na ito. Hindi lang naman kasi pwedeng batayan ang pagmamahal para manligaw. It can be the deepest and truest reason, but it can't be the only valid reason... right?

Hindi ko pa nasubukang magpaligaw o pumasok sa isang relasyon kaya wala akong better judgement sa mga ganitong bagay. Kaya mainam akong nakatanaw kay Lucas para sa magiging sagot niya.

Diretso lang siyang nakatitig at nagsasampok ang kilay na tila galit. Umigting ang panga nito. Para ding malalim ang iniisip.

Siguro nga. Maybe it's worth it to court someone even if you just 'like' them. Afterall, nothing is certain. Baka bukas o makalawa mauwi sa pagmamahalan iyong pagkagusto mo. Especially if that someone was there to calm your storms, to soothe your demons, to comfort you in your loneliest times, to satisfy you in bed and to make you feel whole.

Pero baka along the way din, sa proseso ng ligawan at suyuan, baka mawala din naman ang kagustohan mo sa kanya. Maglaho ang nararamdaman mo. Baka bigla ka na lang magsawa. Tapos aayaw na.

Ginapang ako ng takot.... ngayon lang talaga sa akin nag-sink-in. What if ganoon ang mangyari sa akin? Paano kong mapagod siya sa akin? At bitawan na lang ako sa huli?

Iniisip ko pa lang sumasakit na ang dibdib ko sa posibleng pagbagsakan ko.

Iwinaksi ko ang nararamdaman. Ayaw kong problemahin ang mga bagay na hindi pa nangyayari. And even if he really did have enough of me... siguro ngayon pa lang sasanayin at oras-oras na papaalalahanan ko na ang sarili ko na may hangganan itong meron kami.

Na pagtapos na ito, hindi ako mag-de-demand o mamimilit na manatil isiya.

Ang importante, masaya ako ngayon. Iyon ang sabi niya, seized every opportunity. I'm sure it covers the opportunity of being happy.

Naging tahimik na kami pareho.

"Suotin mo nga 'to kung kasya." Inabot ko sa kanya ang hawak na isang 90's vibe printed T-shirt. Maganda ang tela noon at mukhang brand new pa.

Nagpatuloy ako sa paghahalungkat ng damit habang kita ko sa sulok ng mata ko ang paghubad niya ng T-shirt. Dinig ko ang mga singhapan ng kababaihan sa paligid. Wala sa sariling napairap ako.

Tiningnan ko lang siya ulit ng nakabihis na siya. Kinagat-kagat ko ang labi. Lahat na lang ng pinapasukat ko ay bumabagay sa kanya. Edi nasa kanya na ang korona. Uwian na, may nanalo na.

"Tama lang ba ang sukat? Hindi pa pangit ang pakiramdam ng tela?" I smoothed the fabric on his chest with my palm. Ang init naman ng dibdib niya.

He looked distracted with what I did before clearing his throat. "Yeah, this will do," sabi niya at mabilis na hinubad ang damit.

Agad akong nag-iwas ng tingin at narinig ko na naman ang mga singhapan at low-key na tilian. Tila wala talaga siyang pake sa mga babaeng naglalaway sa kanya sa paligid. O talagang sanay na siya kaya wala na lang sa kanya. Muli akong umismid.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now