KABANATA - 18

6 1 0
                                    


Mabilis lumipas ang mga araw. Hindi ko na namalayan na naka-isang buwan na pala ako dito. At isang buwan na din si Lucas dito. Isang buwan ng parang mag-nobyo ang set up namin.

Hindi niya ako tinanong na maging girlfriend niya. Walang kahit ano man kaming sinasabi tungkol sa 'label' pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ako nababahala tungkol doon. Dahil na rin siguro sa pamamaraan ng pag-trato niya sa akin, ang paghawak niya, tuwing nag-uusap kami at kung paano niya ako titigan.

Walang palpak na araw-araw niya akong sinasabayan sa lunch. Madalas ay siya ang nagluluto. Sa dinner lang hindi dahil doon na kami sa resto kumakain.

Lalabas siya ng opisina pag-patak ng alas-otso ng gabi at doon na tatambay sa resto hanggang matapos ang shift ko. Sabay kaming maglalakad hanggang maihatid niya ako sa pinto ng room ko. Hahalikan niya ako sa noo at ibubulong ang mga goodnights at sleep wells niya.

Nag-pupuna ako ng mesa ng inangat ko ang tingin kay Lucas. Nakatutok siya sa laptop habang may mga nakakalat na papel sa mesa. Ang pagkakataon lang na alisin niya ang atensyon sa ginagaway ay kung kinukuha niya ang tingin ko at mag-o-order ng kape. O di kaya's susuyorin ng mga mata niya ang buong resto, habang nandoon ako sa sulok hinihintay ang paglapat nito sa akin, at titigan lang ako habang sumisimsim sa kape.

Ni ang maraming tao ay hindi humadlang sa nagbabagang koneksyon namin sa ere.

Minsan hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil alam kong nakaabang siya sa bawat galaw ko. It's uncomfortable... but in a good way. Gusto kong pulido at kalmado ang mga kilos ko para patunayan na hindi ako apektado ng mga titig niya.

Kasi titig lang naman iyan. It can't make you do stupid and clumsy things. But apparantly, they really do. Wala namang magagawa ang pagtitig lang... unless it came from Elohim Lucas Valderama. Lucas has that impact. His mere stare eye contact intimidates most people.

Hinubad ko ang apron na suot at binalik sa locker sa likod. Sinukbit ko na din ang tote sa balikat. Tahimik kong tinungo si Lucas. Dahan-dahan kong hinila ang upuan sa harap nito at nilipat sa gilid niya.

Umupo ako doon at pinakatitigan siya habang mahimbing na natutulog. Nakapatong ang mukha niya sa mga naka-cross na kamay habang nakatagilid na nakaharap sa akin. His cheek slightly squished, making his lips pout.

Hinawi ko ang buhok nito sa noo at ngumiti. Dumaan sa likod ko si Mara at bumulong.

"Kasalanan mo 'yan. Palagi na lang puyat si Sir dahil sayo," pangongonsesya ni Mara at lumabas ng resto na nakangising-aso.

Ngumuso ako. Muli lang din ngumiti ng bumagsak ang tingin ko kay Lucas. Ang payapa niya pag tulog. An untame beast. He still looks dashing and regal, though. And he will for the next 50 years. Pinapanginig pa din ang kalamnan ko tuwing nakikita siyang malapit.

Sinikop ko ang mga papel sa lamesa niya at pinatong ang signpen sa ibabaw noon. Nagtagal ang tingin ko sa laptop niya bago nagpasya nalang na patayin. Sinave ko muna iyong mga documents na tinatype niya bago in-exit ang mga tabs.

Nanlambot ako ng ang wallpaper niya ay isang stolen picture habang nag-uukay-ukay ako. Nakayuko ako, may mga hibla ng buhok na tumatabon sa aking mukha pero ang labi ko ay nakangiti.

Pipindutin ko na sana ang shut-down ng may nakita akong folder na may pangalang 'Good Ol'Dayz: When she was still my baby :('

Tinapunan ko siya ng tingin bago binalik ang tingin sa laptop niya. Pinaglaruan ko ang labi sa pagitan ng ngipin, nag-aalangan kung bubukan ba o hindi. Alam kong mali dahil invasion ng privacy 'tong gagawin ko.

Sa huli, dala ng matinding kyuryusidad, ay binuksan ko.

Bumungad sa akin ang sandamakmak na litrato. Kita ko ang maliit na scroll bar hudyat na marami pa sa ilalim. Binuksan ko ang unang litrato at may tumapak na mabigat sa dibdib ko.

Sweet Vittoria ReignsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt