KABANATA - 2

11 2 0
                                    


Agad akong lumapit sa kapatid ko at tinago siya sa likuran.

"Sino kayo? Anong ginagawa niyo dito?" agresibo kong tanong. Minura ko pa ang sarili ng nanginig ang tono.

May tatlong malalaking lalaki na nakasuot ng itim na suit ang pumasok sa aming bahay. May mga itim na sunglasses na suot at may mga earpiece na nakakabit sa mga tenga nila. Sinusuyod nila ng tingin ang buong bahay namin.

Natanto kong mga personal bodyguards nga sila ng pumasok ang isang matandang lalaki na may kulay tanso na baston. Ang buhok at bigote nito ay puti na dala ng katandaan. Hindi gaya ng mga kasama niya, nakasuot lang siya ng itim na polo at khaki pants.

Sa tindig ay halatang respetado siyang tao. Amoy mayaman. Sa galaw niya pa lang na tila pino ay alam kung lumaki siya sa karangyaan.

Mas lalo lang akong nilukob ng kaba. "Sino ka? Bakit kayo pumasok dito?!" asik ko. "Kayo ba ang dahilan kung bakit wala si Lolita?"

Ang malamig na tingin ng matandang lalaki ay bumagsak sa akin. Puno ito ng kaseryosohan... bago ilang segudong lumambot.

"You resembled her... when she's around your age." Sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang pa. "Except for the eyes, hair and height, though."

Nagsampok ang kilay ko. "Wala kayong karapatang pumasok dito! Lalo na kung hindi kayo inimbetahan sa loob." Kumuyom ang mga kamao ko. "Kung nasa sa inyo man po si Lolita ay nakikiusap akong ibalik niyo sa amin at pabayaan nalang kami. Wala kaming yaman dito kaya wala kayong makukuha sa amin,"

Ngumiti lang siya sa akin. Kahit matanda na ay kompleto at pantay-pantay pa din ang mga ngipin. Parang natutuwa siya sa kung anong lumalabas sa bibig ko.

Tumango ito. "Kamukha mo nga ang Lola mo. But you're feisty like your grandfather," sabi niya at tumingin sa kawalan. Tila may memoryang inaalala.

Nangunot ang noo ko. "Kilala mo si Lolita at Lolo? Kung ganoon ikaw ba ang dahilan bakit wala si Lolita?"

Naglaho ang ngiti nito at bumuntong-hininga. Pasalin-salin ang tingin niya sa amin na may lungkot at awa sa mga mata. Mas lalo akong nanlamig sa ekspresyon ng mukha niya.

Para saan ang awa at lungkot na iyon?

"Anong ginawa mo sa Lolita ko?!" Hindi ko mapigilang mag-histerya. Agad na humawak ang kamay ni Vlady sa braso ko.

"I'm sorry for barging in your house early in the morning, Hija." Nahimigan ko ang sinseridad doon pero agad kong itinabi. Hindi ako magpapalinlang.

"And I'm sorry, too, for the presence of my security. Kadalasan ay isa lang ang dinadala ko pero kakailanganin ko ng kadaragdagang proteksyon para sa seguridad niyo—"

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong. "Hindi naming kailangan ng proteksyon!" angil ko.

Kung may paggagamitan man kami ng proteksyon ay dahil iyon sa kanya. Isang estranghero na bigla nalang sumulpot.

"I'm not here as your enemy, Vittoria." Bahagyang umawang ang labi ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Nandito ako para tumulong sa inyong magkapatid. Lalo na't ibinilin kayo sa akin ni Magdalena—"

"Anong ibinilin? May pinuntahan ba si Lolita? Teka..." bulong ko. Inangat ko ang nanggagalaiting tingin sa matanda.

Kumalas ako sa hawak ni Vlady at akmang susugudin ang matanda. Mabilis na humarang sa kaniya ang mga gwardiya at mabilis din akong nahawakan ni Vlady sa beywang.

"Ate! Wag kang magpadalos-dalos! Baka may mga armas 'yang mga yan!" saway nito.

"No," dinig ko ang diin na utos ng matanda sa mga guards nito bago sila bumalik sa pwesto sa hamba ng pinto. "Let her. She doesn't know a thing," dugtong nito habang kumampay ang isang kamay.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now