KABANATA - 35

2 2 0
                                    


Iniabot ko ang pinagbihisang damit kanina sa ospital kay Pancho. "Anong gagawin mo d'yan?"

Hindi siya sumagot at tinalikuran lang ako. Binuksan niya ang pinto ng pad ni Lucas at huminto. "May nakahain ng pagkain sa dining table. Dito lang ako sa labas magbabantay. Papunta na dito si Lucas," at sinara ang pinto.

Inilibot ko ang paningin sa tanggapan ng pad ni Lucas. Dalawang palapag ang sakop ng unit niya. The main theme was black and gold. The design was modern and quite slick. The granite walls look expensive as it was accented with maple woods positioned in odd angles. Ang mga muwebles at furnitures ay minimalist pero hindi naman masyadong stale ang datingan. In fact, it's quite warm due to the browns and wooden furnitures and displays.

Naglakad ako papunta sa malawak na living room at lumabas sa balkonahe. The strong wind blew my hair into a mess. Pumasok ako ilang minuto lang dahil giniginaw na sa lamig.

Tiningala ko ang eleganteng chandelier na nagbibigay liwanag sa kabuoan ng living room. May mga paintings na nakasukbit sa pader habang sa mga sulok ay may kalakihang potted plants ang naka-display.

Hinanap ko ang kusina pero napadpad ako sa pasilyo papunta sa mga silid. Tatlong pinto ang naroon. Isa-isa ko iyong binuksan. Kumpara sa unang dalawang nabuksan ko, ang pangatlong silid ay walang dudang kwarto ni Lucas.

It was the master room with its king size bed, set of sofas at the foot of it and big study table with papers scattered all over it. Ang pamilyar na laptop ni Lucas ay nakapatong doon habang iniilawan ng nakabukas na lamp. Sa gilid ng study table ay may mataas na bookshelves.

Ang mas kumuha ng atensyon ko ay ang nangangalahating bote ng alak at isang pandak na baso na nakalagay sa estante ng mga libro. He was staying here? Kailan pa?

May dalawang pinto sa loob ng kwarto ni Lucas. Ang isa ay ang magarang banyo. Binuksan ko ang natitirang pinto at bumungad sa akin ang nakahilerang damit niya. Hindi ganoong karami katulad ng sa Nirvana Resort. Iilan lang ang gamit, siguro'y hindi siya palaging tumutuloy dito.

Bumalik ako sa bathroom at hinubad ang damit. Nag-aalinlangan akong isara ang pinto sa takot. Pakiramdam ko ano mang oras ay susulpot si Ronald at tutuluyan na talaga ako. Napanatag lang ng naalalang nakabantay sa akin si Pancho sa labas.

Naligo ako sa medyo maligamgam na tubig. Baldado at tensyonado ang katawan ko kaya kailangan ma-relax kahit konti. Nakatulong naman ang hot bath. Gumaan ang pakiramdam ko ng kaonti.

Ang hirap para sa akin tignan ang sarili sa salamin habang tinatali ang roba. Naaalala ko bawat detalye ng marahas na kaganapan lalo na't lumitaw ang mga pasa— mga bakas. Paglabas ay naugat ako sa kinatatayuan. Humigpit ang kapit ko sa doorknob ng pinto.

Nakaupo si Lucas sa kama. Nakalapag ang itim na navy blue suit jacket sa gilid nito. Nakatupi ang sleeves ng puting button-down shirt at nakabukas ang tatlong butones.

He was a vision. He was extremely good-looking. Ang rahas. Bumikig ang paghinga ko sa epekto ng presensya niya sa akin.

Inangat niya ang ulo. Sa pagtama ng mata namin ay hindi ko magawang makagalaw. Makahinga. Nanatili kaming nakatingin sa isa't-isa. Walang gustong bumitaw.

I just can't. He was everything I crave that I shouldn't dare to crave.

Four-poster ang king size bed. There were lacy drapes hanging in every black wooden-carved post. Sa paanan ng kama, doon nakaupo si Lucas. Nakabuka ang mga hita habang nakapatong ang mga kamay sa hita.

Tumikhim siya at unti-unting tumayo. Napatanga ako sa kanya. I forgot how tall he is. How commanding and demanding and intimidating his presence. Nakalimutan ko paano sinasakop ng presensya niya ang personal space ko tuwing nasa iisang silid kami.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now