KABANATA - 39

3 1 0
                                    

Nakahilig si Lucas sa itim niyang sasakyan. Tumuwid ng tayo at binuksan ang passenger seat habang diretsong nakatingin sa akin.

Nagpasalin-salin ang titig ko sa sasakyan at sa kanya. Nilibot ko ang paningin sa paligid at walang choice na bagsak ang balikat na lumapit. Wala na akong pwersa na makipag-talo.

Pagod na nga sa kakaiisip sa kung anong dapat itulong para mapakulong ang hayop na 'yun, napag-initan pa ako sa trabaho. Hindi din nakatulong na paranoid ako palagi, pakiramdam ko may nakabantay sa mga galaw ko.

"Pinapasundan mo ba ako?" agad kong tanong ng nasukbit ang seatbelt.

Humigpit ang kapit niya sa manibela habang ang isang kamay ay kinabig ang gear stick. His big as trunk of veiny arms distracted me for a minute.

Agad akong nag-iwas ng tingin. Nakasuot siya ng itim na T-shirt at pantalon. Ang casual niya tignan pero di man lang nabawasan ang intimidating aura niya. It was so unfair. Na kahit ang suot niya o trapo, he still exudes the authority and superiority.

"I did," amin niya. "At hindi mo ako mapipilit na tanggalin iyon." Umandar ang sasakyan at niliko niya sa highway.

Napasuklay ako ng buhok, nabunutan ng tinik kahit papano. Siguro baka ang mga tauhan lang ni Lucas iyon. O dala ng mga nasaksihan ko sa nagdaang araw kaya ganito ako at hindi mapakali.

Nanliit ang mga mata kong bumaling sa kanya. "Sa boarding house mo ako ibaba ah," banta ko.

Kinagat niya ang ibabang labi at maliwanag ang mga matang tumingin sa akin. Imbes sumagot ay pinaglingkis niya ang daliri namin at pinatong ang magkahawak na kamay sa hita.

My heart skips a beat.

Ilang minuto lang ay bumaba na ako sa harap ng gate. Nangunot ang noo ko ng bumaba din siya. May kinuha siya sa backseat na mga paper bag.

"Ano 'yan?"

"Dinner,"

Tumaas ang kilay ko. Ganitong oras? Nakapag-dinner naman ako pero hindi ko na-feel dahil lumilipad ang isipan ko. Ngayong may dala siya na siguradong masarap ay natakam ako bigla.

Binuksan ko ang gate at tumuwid ng tayo bago inabot ang mga paper bag na hawak ni Lucas. Agad niyang inilayo ito. Sumimangot ako habang para itago ang nag-iinit na leeg sa kahihiyan.

"Lucas,"

"Vittoria,"

Umikot ang mga mata ko. "Para kanino 'yan?" naiinis kong tanong. Hindi naman pala para sa akin tapos ilalabas-labas!

"Para sayo,"

"Eh 'yun naman pala, akin na nga!"

"Para sayo at para sa akin," sabi niya.
"Open the gate for me, please."

Ang tuwa ay hindi mapagkakailala sa mga mata niya. Parang baliktad yata. Sa lahat ng mabibigat na nangyari, eto pa rin kami ni Lucas at lalo lang lumalakas ang kung may ano kaming dalawa.

Mas lalo ko lang gustong mapalapit sa kanya.

Mas lalong gustong kong kumapit ng mahigpit.

I'm into deep in this. Again. Always. Pakiramdam ko nga hindi naman na ako makakaahon. Pinanatili ko lang na busy ang sarili para wala ng panahon at pwersang mag-isip ng tungkol sa kanya.

Nakaharang ako sa pinto. "Masikip sa inuupahan ko,"

"Good. Mas gusto kong mas malapit ka sa akin,"

Napatiim ang labi ko. "Mainit sa loob. Wala akong electric fun,"

"I'll take off my shirt then,"

I groaned and laughed huskily. That sounds tempting. Tinatagan ko ang loob na wag bumigay sa temtasyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now