KABANATA - 38

2 2 0
                                    

"Kung magsasagawa ng interview sayo ang kapulisan... o kung sino mang autoridad n amang-uusisa, always give this as your alibi," usal ni Atty. Solano.

Sing puti ng gatas at makinis ang balat ni Atty. Sylvia Solano. Balengkinita ang katawan at may kasingkitan ang mga mata. Pulido ang bawat galaw at mahigpit na nakatali ang buhok. Hula ko ay mga nasa edad lang ito ni Lucas.

May isang matandang babae at lalaki pa siyang kasama na ngayon ay kinakausap ni Lucas sa sulok ng opisina niya. Seryoso lang si Lucas na nakikinig sa mga sinasabi ng mga ito habang hawak ang pandak na baso na may lamang alak. Nilingon niya ako bago sumimsim sa inumin.

Binalik ko ang tingin kay Atty. Solano na kausap ko. Nakaupo kami sa sofa sa harap ng study table ni Lucas.

Na-brief niya na ako sa mga dapat kong sabihin at isagot. Fake it until you make it ang sabi niya sa akin. Dapat ay consistent ang isasagot ko para kapani-paniwala at matibay ang pundasyon.

"Repeat your alibi," utos ni Atty. Solano.

Humugot ako ng malalim na hininga. "Um-absent ako sa part-time ko dahil napagkasunduan namin ni Macey na sumama sa party nila Ronald." Ang mga sasabihin ko ay halos katotohanan naman lahat. May mga iniba at dinagdag lang kaming impormasyon.

"Nauna na si Macey sa pad nila Ronald. Dumating ako doon at agad hinanap si Macey. Bigla kaming nagkasagutan ni Ronald, pisikal niya akong sinaktan at kinaladkad sa isang kwarto. Doon ko nakita si Macey na nakahiga sa kama at walang malay, may damit pa siya—"

"Don't give this kind of small details unless you were asked to," paalala niya. "Mapaghahalataan na kabisa at scripted and alibi mo. Go on," tango niya.

"N-nakita ko si Macey sa kama na walang malay. Sinubukan akong gahasain ni Ronald pero nanlaban ako. Nabugbog niya ako dahil sa pilit kong panlalaban hanggang sa masakal niya ako..." Napalunok ako. Nadama ko ang paglapit ni Lucas sa likod ng inuupuan ko.

"Nandilim ang paningin ko hanggang muntik na akong mawalan ng malay. Mabuti nalang at dumating si Lucas. H-he shot Ronald on legs." Humugot ako ng malalim na hininga. Sa parteng ito na ako magsisinungaling. "Si Lucas... na b-boyfriend ko at nagdala sa akin sa Hospital ay bumalik sa condo. Sinabi ko ang tungkol kay Macey kaya bumalik siya para i-check ang kaibigan ko," tumikhim ako. Gusto kong lingunin si Lucas pero pinigilan ko. Hindi ko siya inutusan. Siya mismo ang bumalik at hindi dahil kay Macey. But with the pure intention of beating the shit out of Ronald and his friends.

Atleast my alibi would look like Lucas doesn't have the intention of inflicting more damage to Ronald and his group. Pinapalabas na nandilim lang ang paningin niya noong bumalik. Not intentional but maybe a crime of passion.

Tumango si Atty. Solano. Sa mukha ay kontento siya sa sagot ko. "Sa ngayon, habang hindi pa tayo pinag-iinitan ng pamilya Villfuerte, ito lang muna ang dapat na'ting gawin." Tiningala ni Atty. Solano si Lucas.

"Walang kahit anong ebidensya ang magtuturo na may ginawang masama si Vittoria o may halong kasinungaling ang alibi mo," kalmadong sabat ni Atty. Delgado, ang matandang lalaking abogado na tinutukoy ni Lucas na family lawyer nila noon pa man. "You two are safe. But in case any of you is detained in prison, wag na wag kayong magsalita hanggang hindi kami dumadating." Sa akin siya naka-sentro. Alam na ni Lucas ang mga gagawin sa mga ganitong sitwasyon kaya hindi na siya kailangan paalalahanan.

I w0nder what those cases are about.

Tumango ako.

Sandali pa silang nag-usap na apat. Wala ako masyadong maintindihan dahil puro technicalities at hindi pamilyar na english words ang sinasabi nila.

Tinitigan ko si Sylvia na nakatuon ang mga mata kay Lucas na nakikinig kay Atty. Cyra. Nag-iwas ako ng tingin. Mamaya pa ay nakipag-kamay sila sa akin at nagpalitan ng ngiti para magpaalam.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now